MINSAN may mga biro talaga na hindi na maganda.
Lalo na kung ang pag-ibig na ang pinaguusapan.
Kaya minsan may mga babaeng umiiyak dahil sa mga lalaking mahilig magbiro o di kaya'y paasa.
Kaya kung ako sa inyo!
Tigil-tigilan niyo na yan.
Dahil baka kayo rin ang magsisi sa huli.
Kagaya ko..
Dahil pa ata sa birong sinabi ko eh pwede akong makasakit ng tao.
Isang tao na kung tutuusin perfect package na.
Pero ang nakakatawa wala akong gusto sa kaniya.
Napagutusan lang baga.
Pero kita mo nga naman ang tadhana.
Siya na ata mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog ako sa kaniya.
Sa bawat araw kasing dumadating sa buhay ko kasama siya e unti-unti namang nahuhulog ang puso ko sa kaniya.
Bwisit eh noh?
Hahahaha~
O sya, eto ang kwento ko.
- - - - - - - - - -- -
Hello! I'm Frank Damascus. 24 years of age. Graduate ng Civil Engineering sa NYU. At ngayon isa na nga akong ganap na Engineer sa isang sikat na kumpanya sa New York pero dito na ako sa Pilipinas magtatrabaho simula ngayon. Sa akin kasi pinahawak yung isang kumpanya na pagmamayari ng boss ko. Hahaha. Gulat kayo ano? Eh ako lang namang kasi ang anak ng pinagtatrabahuhan ko. Saka bumalik din ako dito dahil may reunion daw yung batch namin ng HS.
At ngayon nga ay papunta na ako sa venue.
Sakto namang pagdating ko eh may nakasabay akong magpapark ng sasakyan.
Eh iisa na lang yung bakante. Kaya nagaagawan kami.
Bumaba ako ng sasakyan at ganuon din yung tao sa loob ng kabilang sasakyan.
"Ah. Ako yung nauna kaya ako ang dapat diyan magpark. Maghanap ka na lang ng space kung saan pwede ka magpark Miss." Hahaha! Napakagentleman ko naman!
"Excuse me? Sa akin nakapangalan yang space na yan." mataray na sagot ng babae
Aba! mataray tong babaeng to ah! Sarap upakan. Sabi sa isip isip ni Frank.
"Paanong naging sa iyo ito? Bakit sa iyo ba tong Hotel na ito para magkaroon ka ng sariling parking space?" maangas na tugon ko
"Paano kung sabihin kong oo. Anong gagawin mo?" may panghahamon na tono ng babae
Hm. Patay! Baka mapaalis pa ako ng di oras dito. Sabi na naman ni Frank sa isip isp.
"O sige! Sayo nayan! Lamunin mo ng buong buo! Ano masaya ka na? Grrr."
Bwisit! Natalo ako dun ah.
Kaya sa sobrang bwisit ko umalis na ako dun at naghanap ng bakanteng space na pwede pagparkan ng kotse ko.
Ganda ganda pa naman nitong bagong bago kong Lamborghini Veneno ko.
Nung maipark ko na eh dumiretso na ako sa loob ng hotel.
Aba! Maganda pala talaga dito.
Di na ako magtataka kung kasing ganda ng ugali ng may-ari tong Hotel na ito.
Masyadong nakakamangha! HAHAHA
Parang siya kanina.
Maganda. :) A-ay! Mali! Sabi ko ubod ng SAMA!
BINABASA MO ANG
ETO NAMAN, JOKE LANG! (One shot)
Teen FictionNang dahil sa birong yun umasa ako. Siguro kung maaga pa niyang sinabi yun hindi na sana umabot pa dito. Eh anong magagawa ko. Nangyari na eh!