CHAPTER 17❤️(UN)expected date [part1]

16 1 0
                                    

Recommended song: Park Boram- Celepretty

-.-.-.-.-.-..-.-.-,-.-.-.-,-,-,-,-.-

ANNIE's P. O. V.

——after school

Alam kong hindi ganito ang fashion style ko. Alam ko din na hindi ako masyadong maganda magsalita. At alam ko din na isang beses lang akong mabubuhay kaya bahala na ang diyos para i-guide niya ako ngayon.

Kung nagtataka man kayo tulad ng mga tao sa paligid ko, tama kayo. I am in a cocktail mint colored dress na may malaking ribbon sa likod. For the first time, nagsuot din ako ng cute na hairband with a white stiletto high heels to match with the dress.  May white shoulder bag din ako.

Simula ng nanghinala si Wendy sa relasyon  naming dalawa, nanghinala na rin ako sa nararamdaman ko. Hindi ako sigurado kung bakit ako nagkakaganito pero sure ako na gusto kong malaman kung may feelings nga ako sa kaniya. Sa isang fashion terrorist. Sa isang baliw. Sa isang playboy. Sa isang two faced. Kay Jason.

At sa araw na ito, susibukan kong isipin na totoong date ito. Na-i-stress na kasi ako dahil litong-lito ako. Kaya sana nakapag-handa si Jason sa gagawin ko ngayon.

"Nababaliw na rin ata ako."  Binulong ko sa sarili ko habang nakangiti.

"Nasan na ba siya? Five minutes late. Kaninang 3:45 nandito na ako. Kung sinabing 4:00 mag-meet edi dapat nandito na siya."

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin siya. Tinignan ko ulit ang cellphone ko. Kabwiset! 5:00 na kaya!! Pagdating na pagdating ng lalaking iyon, may sapak siyang aabutin mula sa'kin.

Nung papunta na ako sa loob ng amusement park biglang may narinig na sumisigaw ng pangalan ko. Palapit ng palapit.

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita ko siya. Si jason. Tumatakbo at basang-basa ng pawis.

*huk huk huk*

"Sorry."

Pagkatapos niyang mag-sorry ay napa-upo siya sa lupa. Humihinga siya ng sobra at pinupunasan niya ang sarili niya.

"Ano bang nangyari? Bakit pawis na pawis ka?"

Tinanong ko siya at umupo sa tabi niya. Halata na naghanda siya ng mabuti para sa date namin. Hindi ko din siya nakita buong araw sa university. Naghahanda ba siya sa date namin nung wala siya?

"May nangyari sa bahay namin. Sorry talaga. Emergency eh."

For some reason, hindi ako galit. Na-touch ako. Pumunta siya dito sa akin kahit na may emergency siya at saka mukhang malaki ang problema niya.

"May nangyari ba sa lola mo? Okay lang naman ako dito eh, punta ka na sa bahay niyo kung kailangan ka talaga."

" Kung hindi ako pumunta dito, edi maghihintay ka naman dito buong araw."

Tinignan ko siya at nagkatitigan kami. Parang nagbago siya. Parang may umiba. Kung dati gusto kong gumawa ng bracelet gamit ang mga ngipin niya. Ngayon, gusto ko siyang pangitiin.

"Syonga! May cellphone ka naman! I-text mo na lang ako." 

Sinapak ko ang likod niya.

"Aray!"   He glared at me and he... laughed?

0_0

"Ang cute mo talaga kapag inaasar."

0.0

(? _ ?)

"Wait? Nag-jo- joke ka ba? Ano? Walang emergency?" 

My Boyfriend Afterschool (UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon