CHAPTER 13❤️ MS. ASUNGOT

27 2 2
                                    


Recommended song: BEAUTIFUL LADY by JONGHYUN

-.-..-.-.-.-.-.-.-..-.-.-.-.-..-.-.-.-.-.-.-.-.-..-.-.-.-.-.-..-.-.-

JASON'S P.O.V.

"Lee So young?" 

Bakit siya nandito? Hayaan mo na nga. Linagpasan ko siya ng tahimik at pumasok na sa loob ng sinehan.

Hindi ko nga alam kung ano ang papanoorin ko. Pumasok din ako ng isang oras ng advance. Gusto ko lang naman kumain dito sa loob. Kaysa naman sa labas, Paghahabulin na naman ako ng mga girls at mga kuya.

May CCTV pa naman sa mall. Kaya nga sa sinehan na lang ako. Para kahit papano madilim kapag magsisimula na ang pelikula.

"Alam mo ba ang papanoorin mo ngayon?"

Tumingin ako sa tabi ko.

"Oh!"   Sabi ko habang tinuturo ko siya.

"Hello."

Nakatulala lang ako sa kanya. She is sneaky.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Kain ka muna habang wala pang pinapalabas."  Sabi niya.

"At may gana ka pang harapin ako? Ngayon? Dito?"

"Oo."  Tapos patuloy niya lang pinapapak ang popcorn niya.

"Ang galing mo naman para magpakita ka pa sa akin."

"Jason, Totoong mahal kita. Bakit hindi mo na lang payagan ang FATE ang mag-desisiyon para sa kapalaran natin?"

*sigh* mabait. Masyado siyang mabait para magpaloko sa mga sinasabi ng mga magulang niya. Ano bang ginagawa ko ngayon? Ang gusto ko lang naman ay kumain ng tahimik!!

"Uhmmm... Sorry, Lee Soyoung-ssi. Pero kahit sundin ko pa ang Fate ko dadating pa rin si Destiny para kunin ako."Ayaw na ayaw ko pa namang sabihin ang pangalan niya. Feel ko tuloy close kami. Ack.

Narinig ko siyang nag-sigh. Ang sneaky niya talaga. Ang obvious na kaka-reject ko lang sa kaniya pero sumandal na naman siya sa balikat ko. Kung wala lang talagang tao dito sa loob ng sinehan.

Lights out. Nagsimula na ang movie. Pero hindi pa rin tinatanggal ng babaeng ito ang kamay niya sa'kin.

"Aaaaaccchchhhhooo!!!!"

Nakakagulat naman yung tao sa likod. Sa sobrang gulat ko napa-thumbs up ako kasi humiwalay na yung babae. Good job! Kung type ko lang siya baka ilibre ko pa.

"Sorry po..." Sabi nung babae sa likod. Parang kilala ko yung boses na iyon ah! Sa may......

"Miss! lady! Hoooi! Ingat naman po kayo!" Napasigaw si Babae. Napataas na lang ang kilay ko sa kaniya. Inis na inis siya.

Umupo ng unti si Babae at pinulot ang nahulog na soda at mga popcorn. Buti at walang arte. Basa din yung dress niya. Tumingin ako sa babae sa likod. Gaano ba kalakas ang sipon niya at napatumba ang pagkain ng babaeng katabi ko?

"Aish! Nakakainis maglinis." Sabi nung babaeng iyan tapos sinipa niya yung mga kalat.

Ang two-faced din ng babaeng ito. Naalala ko na naman si Hayi. Makaalis na nga lang.

My Boyfriend Afterschool (UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon