" I love you kahit na ano pang sabihin ng buong
mundo sa relasyon natin mamahalin kita.
I love you kahit na mali tong nararamdaman natin sa
paningin ng iba.
I love you kahit na mawala na lahat sakin wag ka lang
I love you hanggang sa huling hininga ko mamahalin kita.
I love you sa sorang pagmamahal ko sayo hindi ko na alam
kung paano pa ipapakita , I love you , I love you , I love you,
Akin ka lang ha? :) Mahal na mahal kita " sabi niya sabay siil ng halik sakin
- - - - - -
KRiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiNG
Arrrrrgh. Anong oras na ba? Parang wala pa kong
tatlong oras na natutulog ah -___-
Pagtingin ko sa alarm clock ko bumangon na ko para
mag-ayos may klase pa pala ko mamayang 10am
" GoodMorning " sabi sakin ko kay mama
"Gising na ang dalaga ko " sabi ni mama
" Ma! Bading ako pero hindi ako babae " sabi ko sabay pout
" Eto naman joke lang, kumain ka na at pumasok "
" Yes ma! " sagot ko
Naglalakad ako papunta ng building namin
Lutang pa din ako, ganun naman lagi sanay na sila sakin
Lagi naman akong ganito eh.
Alam niyo kung bakit ? Yung Panaginip ko kasi eh
Paulit-ulit lagi na lang yun lagi akong may kayakap na lalaki
laging sinasabi nung lalaki na mahal na mahal niya ko pero hindi
ko naman makita yung mukha niya gulong-gulo na nga utak ko eh.
"Rick, Tulala ka na naman " napatingin ako sa nagsalita si paul pala
"ah, wala to. hehe" sabi ko na lang
"panaginip ulet ?" tanong niya
Tango lang ang isinagot ko
"Destiny yan beks" sabi niya
"Destiny? di naman nag-eexist yun eh" sabi ko sabay upo sa upuan ako
"Bahala ka, ayaw mong maniwala"
Pumasok na yung first prof namin kaya natigil kami sa pagkwekwentuhan
"Goodmorning, Meron kayong bagong classmate.
Mr. Castro Introduce yourself " sabi ni maam |
Napatingin naman ako ng di oras sa may pintuan saktong pagpasok nung
bago daw naming classmate O.O
Nakatingin siya sakin. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya
" GoodMorning sa inyo, Im Michael Jan Castro pero khel na lang
itawag niyo saken. Nice meeting you all" pagpapakilala niya
Natulala talaga ko yung boses niya
napakapamilyar sakin pakiramdam ko
kilala ko siya pero lalo akong naguluhan sa isa ko pang nararamdaman
Feeling ko kasi
KAiLANGAN KO SiYA !