Chapter Two

202 14 1
                                    

Chapter Two : It’s breaking my heart

“Mera ! What’s wrong ?.”

Nagulat ako sa paglapit ni Kylyn.

“Ha ? Ano yun ?.” sabi ko.

“May problema ba ? bakit ka umiiyak?.” Sabi niya.

Umiiyak ? ako umiiyak ?

Hinawakan ko yung pisngi ko,basing basa.

Naiyak nanaman ako .. like what always happened kapag naalala ko yung nakaraan ..

“Ahhh .. wala may naalala lang kasi ako,yung nakakaiyak na part nung pinapanood ko na teleserye,pag kasi naalala ko yun di ko maiwasan ang umiyak.”

“Ahh,Ganun ba akala ko what happened na to you,hehehhe sige Mera puntahan ko lang si Isaac kanina pa ko tinatawag eh.” Sabi niya tas umalis na.

Mabait si kylyn ..

Siya yung tipo ng babae na pinapangarap ng kalalakihan ..

Kung sa Fairytales .. Siya yung Princess, siya yung princess ni Isaac ..

At ako .. ako yata ang pangit na witch XD hahahaha XD

Napatingin ako sa kanilang dalawa,They look so happy with each other.

Si Isaac sobrang saya niya .. Masaya din naman kameng dalawa nung kame pa ..

Pero yung saya niya ngayon .. Iba , Ibang-iba. 

Siguro destined talaga sila para sa isa-t isa ..

I am not the antagonist of this story,Wala akong balak na guluhin si Isaac at Kylyn.

Oo mahal ko parin si Isaac,at nasasaktan ako tuwing nakikita silang magkasama,pero mas okay na tong ako ang nasasaktan kesa paghiwalayin ko sila tapos masasaktan nanaman si Isaac ..

Sabi nga nila na kapag mahal mo ang isang tao lahat ng magpapasaya sa kaniya ibibigay mo kahit na yung ikasasaya niya eh siyang makakadurog ng puso mo.

Palapit na silang dalawa sakin habang nakaholding hands pa.

Parang pinipiga yung puso ko sa nakikita ko ..

“Ohh Mera,ano gutom ka na ba.” Tanong ni Isaac.

“Hindi pa,ahh ano .. san ba yung RR dito.” Tanong ko.

“Anong RR?.” Tanong ni Kylyn.

“RestRoom.” Sabi ko.

“Ahh RR Haha XD Dun oh direcho ka lang tas may makikita ka ng sign dun.” Sabi ni kylyn.

Kinurot ni Isaac yung pisngi ni Kylyn,tas nagkulitan nanaman sila.

Umalis nako .. Hindi ko na kayang Makita yung kasweetan nila ..

Ang bitter ko na ba ?

Eh sa masakit eh,ikaw kaya sa posisyon ko XD JK.

Patalikod ko saka bumagsak yung luhang kanina ko pa pinipigil ..

Parang gusto ko na yatang umuwi,sa tingin ko kasi kung babalik pa ko dun baka hindi ko na kayanin,baka maiyak pa ko sa harapan nila .. wala na kong maisip na idadahilan ..

Tama uuwi nalang ako ..

Yumuko nalang ako habang naglalakad,umiiyak parin kasi ko hanggang ngayon ..

Hindi ko mapigilan yung mga luha ko eh,kusa silang bumabagsak ..

Ang sakit sakit na ng puso ko,pigang piga na,Tatlong taon na anglumipas pero bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako?

Rebound Girl meets her Rebound Boy [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon