Chapter 1:

77 1 0
                                    

Bilang isang Gamer, tungkulin nito na maging isa sa mga pinakamalakas na player sa buong bansa, o maging sa buong mundo. Maraming iba’t – ibang klaseng laro ang lumabas simula 2013 hanggang 2023. Dahil umuunlad ng teknolohiya sa buong mundo, nagagawa na nilang reyalidad ang mga bagay – bagay sa loob ng CyberWorld. Mga puno, halaman, mga hayop, o maging mga AI o ArtificialInteligence na mga tao ay parang mga totoong tao na din. Kung kaya’t may naisip na paraan ang pinakamagagaling na game developer sa ating bansa upang mapasok makapunta ang mga tao sa loob ng CyberWorld. Isa ang aking ama sa mga ito. Si Vladimir Onbutone, ang pinakamagaling at ang tao na nasa likod ng kanilang nainbento, ang CyberPortal. Ang CyberPortal ay parang isang tunnel sa pagitan ng mundo natin at CyberWorld. Isa ang aking ama sa sumubok na pumasok sa loob ng CyberWorld ngunit hindi na siya nakabalik. Kahit anong komunikasyon ay wala kaming natanggap. Hindi namin alam kung buhay pa ba siya o kinain na siya ng mga virus sa loob ng mundong iyon. Ngunit kahit na nangyari ang trahedyang iyon limang taon na nakalipas, hindi parin sumuko ang grupo ng aking ama sa paggawa at pag imbento ng isang CyberPortal. Hanggang sa dumating na ang tamang panahon. Ang panahon kung saan perpekto na ang pagkakagawa nito. Kung saan wala ng mangyayaring masama sa pagpasok at paglabas sa loob ng mundong iyon. Noong ginawa nila iyon ay inilabas nila ang isang larong tinatawag na Widst Online. Ngayon ay susubukan kong gawin ang lahat upang makapasok sa larong iyon at mahanap ang aking ama.

Day 1: RoShin Onbutone

                “Good morning anak.”

                Isang sigaw galing sa labas ng aking kwarto. Bahagyang nakabukas dahil nakasilip ang aking ina na si Pheobe Onbutone galing sa labas. Nakikita ko siyang nakangiti, halos araw – araw. Ngunit hindi parin maaalis sa kanya ang lungkot sa tuwing nakikita niya ang litrato ng aking ama. Minsan ay naririnig ko siyang umiiyak sa kwarto habang tinatawag ang pangalan ng aking ama.

                “Anak, may gagawin ka ba ngayon?”

                Habang nakahiga ako ay iniisip ko kung anong araw ngayon. Linggo ngayon. Kung kaya’t . . .

                “Ma, anong oras na?”

                “10 PM na anak. Bakit mo naitanong?”

                Patay! Sobrang late ko na sa schedule. Natataranta akong bumangon at kinuha ang aking twalya.

                “Ma , maliligo na po ako. Mamaya nalang po ako kakain.”

                “O sige anak, ihahanda ko na ang almusal mo ah.”

                Dali-dali akong pumasok sa loob ng aking banyo para maligo. Ngayon ang araw ng Closed Beta Testing ng Widst Online. Sa sobrang excite ko ay 3AM na ako nakatulog. Eto na ang pagkakataon para makapasok sa loob ng CyberWorld kung saan limang taon ng nawawala ang aking ama. Pagkatapos kong makaligo ay dali-dali na akong nag-ayos para makipagkita sa mga kaibigan ko na kapwa ko Gamer. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking kama at nakita kong mahigit 100 text message na ang nasa loob ng inbox ko at mahigit 20 missed calls ang nakita ko. Tiningnan ko kung sino-sino ang mga text at nakita ko ang mga text galing sa kanila. Ngunit may ilang text akong nakita na galing sa kanya. Galing kay Crush.Tiningnan ko kung ano ang nakalagay sa text message.

                Bilisan mo naman po. At baka malate na tayo sa CyberCafe.

                Ang CyberCafe ay isang lugar kung saan pili lang ang mga computer shop na paglalagyan nito. Ito ay naglalaman ng isang CyberPortal kung saan ay makakapasok ang mga Gamer sa pamamagitan ng CyberRing na suot nila bago makapasok sa loob ng CyberWorld. Sa CyberRing nakalagay ang lahat ng mga data tungkol sa iyo sa loob ng CyberWorld. Para itong save slot kung saan andoon lahat ng inpormasyon ng mga item na nakuha mo, o kung anong meron ka sa loob ng CyberWorld.

Widst Online: The Main NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon