Chapter 3

22 0 0
                                    

Vanellope Shiv’s Story

                Dahil sa dami ng tao sa buong city dahil sa pinagkakaguluhan na si Dandelion Maximillian, nadamay pati kami ng dahil sa babaeng ito. Hindi ko alam bakit ko tinutulungan ang taong ito pero sa tingin ko, hindi siya tatagal dito. Nagrenta kami ng kwarto para sa dalawang tao sa loob ng ArchoInn upang makatakas kami sa maraming taong sumusunod sa amin.

                “Bakit hindi mo ipagpapatuloy ang paghahanap mo sa asawa mo bukas. Masyadong maraming tao, baka hindi ka lang makaalis.”

                “Ayaw ko.”

                “Bakit?”

                “Nangako ako sa sarili ko na hindi ako uuwi hangga’t hindi ko siya nakakasama.”

                “Pero, mukhang mas matanda pa nga ako sa iyo.”

                Hindi umimik ang babae. Mukhang may inililihim ito sa akin kung kaya’t sinubukan ko siyang tanungin.

                “Ano ba ang pangalan mo?”

                “Ako.. Ahm.. Yssabelle.”

                “Parang hindi ka sure sa pangalan mo ah.”

                Hindi na naman siya umimik. Masyadong mahinhin. Naiirita ako masyado. Kung hindi lang talaga sa kanya, siguro mas malayo na ang narating ko. Puro problema ang nakukuha ko sa babaeng ito.

                “Kung gusto mong matulog, matulog ka na. Dito muna ako sa sala at titingnan ko kung ano nang balita sa tunay na mundo.”

                “Bakit hindi ka rin ba uuwi?”

                “Siguro hindi na.”

                “Pwede ko bang malaman kung bakit?”

                “Pwede bang wag kang magtanong.”

                Hindi na ulit nagsalita ang babae. Humiga nalang ito sa kama at tumagilid kung saan hindi ko nakikita ang kanyang mukha. Tinitingnan ko naman ang mga balita sa aking menu.

                “Mukhang wala paring pagbabago. Puro kaguluhan parin. Hoy gising ka pa ba?”

                Masyado pang maaga para matulog pero bakit ang bilis naman makatulog ni Yssabelle? Siguro napagod sa paglalakbay namin. Pero imposible. Dahil wala ka nang mararanasang sakit, pagod, gutom o sa mundong ito. Maliban nalang sa paningin, panglasa, pang amoy, pandama at pandinig. O kaya pati na siguro pag-ibig. Hindi ko alam kung totoo pero mukhang kasama na rin iyon sa magandang program ng gumawa sa larong ito. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa mga balita.

RoShin Onbutone’s Story

                Nakapunta kami sa isang restaurant malapit sa lugar namin. Ang pagkakaalam ko, mahal ang mga pagkain dito. Nakakahiya naman kung siya ang magbabayad ng mga pagkain. Pero, isang pagkakataon na makadate, o kaya makasama siya ng kaming dalawa lang. Dahil sa magaling niyang kuya na buntot ng buntot sa akin. Ang swerte ko at mukhang may date ang isang iyon. Habang kumakain si Ania sa aking harapan ay napuna kong mayroon siyang ibang iniisip.

                “May iniisip ka ba Ania?”

                “Ako, wala naman.”

Widst Online: The Main NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon