PAGE-37-

9.5K 117 6
                                    

PAGE-37-

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko.halos dalawang oras din pala akong nakatulog at alas otso na sa orasan na nakikita ko.inayos ko lang yung sarili ko pagkatapos,lumabas na nang Cabin para hanapin si Codilyn.

Sa paglalakad ko,hindi parin mawala sa isip ko yung panaginip ko,akala ko sa pagharap nung babae makikita ko na yung mukha niya.pero sobrang labo nang mukha nito kaya hindi ko parin malaman kung sino at ano ba ang naging parte nang babaeng iyon sa buhay ko

"ano ba!bitiwan niyo ko"may narinig akong boses nang isang babae na malapit sa punong niyog na pinag-pwestuhan namin kanina

"huwag kanang maarte.sure naman akong mag-eenjoy ka sa gagawin namin sayo"

"ang kapal nang mukha niyo!mga mukha naman kayong impakto.bitiwan niyo nga ako!"

Napabilis naman ang paglalakad ko nang makilala ang boses na iyon.may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso nito at dahil nga medyo gabi na at yung iba eh,abala sa pagkain nang dinner walang nakapansin sa mga ito

"tama nang kaartehan mo"nag-init talaga ang ulo ko nang makita ko kung pano nila ito bastusin,ininat-inat ko pa ang mga kamay ko na tipong nag warm-up para sa gagawing pakikipag tuos sa mga ito

"tol,mukhang kailangan niyo nang katulong sa babaeng yan!"napatingin naman ang mga ito sakin

at sa pag-tingin nang mga ito,isang suntok agad ang pinatama ko sa isa sa mukha nang lalaking nakahawak kay codilyn.halata mong nagulat yung isa sa ginawa ko.hindi ko nga din alam kung bakit pero pakiramdam ko gusto ko silang patayin sa ginawa nila

Hindi ko na hinayaang maka-recover yung isa sa pagkabigla.isang sipa agad sa tiyan ang binigay ko dito na halos ikaluhod nito.bigla namang sugod nang isang nasuntok ko kanina.

"Gago ka!"sigaw nito sakin,naiwasan ko din naman yung suntok nito at nakuha yung kamay nito.pinilipit ko yung braso nito na ikinasigaw nito

"Harley,sa likod mo"nakita ko naman agad yung pag-sugod na gagawin nang isa sakin.binalya ko sa kanya yung kasama nito,galit na galit talaga ako nang mga oras na iyon

"mga gago kayo!ginagalang ko nga yan tapos kayo binabastos niyo!"susuntukin ko pa nga sana ang mga ito nang bigla akong awatin ni codilyn

"tama na..please.tama na!"humihingal na niyakap ko naman ito,nagtatakbo narin naman yung dalawang lalaki sa takot na suntukin ko ulit

"ayos ka lang?"tumango lang naman ito at yumakap din sakin

"ayos lang..thank you!"

"mabuti naman!nga pala may kapalit yung pag tulong ko sayo"bigla naman itong napalayo sakin

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon