PAGE-6

14.7K 176 15
                                    

PAGE-6-

Gustuhin ko mang mahatid siya,kotse na sumuko.ngayon naman ay naubusan kami nang gas kaya pinasya ko nalang mag stay kami sa isang MOTEL.yun lang yung nadaanan naming pupwedeng mag stay kami nang isang gabi.

"ayos lang ba saiyo na dito muna tayo or kung gusto mo tawagan mo nalang yung husband mo para masundo ka?''tanong ko dito habang inaayos yung pagkaka park niya nang kotse habang hindi pa tuluyang nauubos ang gas 

nangunot naman ang noo niya nang hindi ito mag-salita at nang lingunin niya ito ay nakatulog na pala.tsk!uminom kasi eh kaya ayan.napapailing na binayaran niya yung boy na magdadala sa kanila sa isang kwarto para mag check in.

nagtataka man yung boy sa kanya dahil buhat-buhat niya si Codilyn ay hindi nalang niya pinansin ito at nagtuloy nang pumasok sa isang room na inokupa niya para sa kanilang dalawa.marahan niya itong hiniga doon at agad ding lumabas para kuwanin yung isang bag niya na naglalaman nang damit niya

saglit lang naman ay agad siyang nakabalik dito.tulog na tulog parin ito pero kailangan niya itong gisingin para makapag bihis.hindi naman pwedeng matulog ito nang ganyang ang suot.baka mag kasakit pa ito sa natuyong pawis nito sa suot na wedding dress.

"Sweety.."tawag niya dito pero hindi ito kumilos

"swee..."bigla naman siyang natauhan sa tinatawag niya dito kaya iniba niyang muli "codilyn,gising ka muna para makapag-palit ka nang damit" tinampal-tampal niya ang pisngi nito pero hindi ito nag mulat nang mata

napabuntong-hininga nalang tuloy siya at dahan-dahan itong inupo mula sa pagkakahiga para mabihisan.dumantay naman ang mukha nito sa may leeg niya nang maiupo niya ito kaya nakaramdam siya nang maling pakiramdam.

mali kasi may asawa na ito,mali kasi wala na silang dalawa,mali kasi hindi na siya akin at wala na akong karapatang angkinin siya.ilang sandali din siyang hindi tuminag mula sa pagkakahawak niya dito bago lakas loob na binaba ang zipper nang suot nito

tumambad sa kanya ang magandang hubog nang katawan nito na dati ay nahahawakan niya.napatayo tuloy siya sa nararamdamang bugso nang damdamin.parang tangang nagpaikot-ikot pa siya para mawala kahit papano ang kakaibang init na nararamdaman niya.

bumalik siyang muli dito para suutan ito nang damit at short niya.alam niyang sobrang laki nang damit niya dito pero kailangan niya iyon ipasuot dito dahil yun lang ang tanging meron siyang magiging pamalit nito.

maingat na muli naman niya itong binalik muli sa pagkakahiga at ipinatong sa mesa ang suot nitong wedding dress kanina.nakapamulsang tinitigan niya itong mabuti.ang babaeng pag-aari niya noon pero ngayon ay hindi na.

umupo siya sa gilid nang kama at hinaplos ang mukha nito.yung totoo merong part nang pagkatao niyang gustong kamuhian ito pero mas matimbang nga lang ang pagmamahal niya dito.gustuhin man niyang pagbayarin ito sa lahat nang nangyari sa kanya noon ay hindi maari dahil alam niyang kokontra ang puso niya.

"mahal na mahal kita codilyn..sobrang mahal na mahal kita kaya pinili kong layuan ka dahil alam ko dadating ang oras na mas masasaktan ka sa malalaman mo."mahinang sabi niya habang panay ang haplos niya sa pisngi nito

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon