C16

15 0 2
                                    

Momo•

You recieved a message from Hoshi Vaughn Hadenaya★...

Hoshi: San ka na?

Momo: Nasa bubong siguro

Momo: Malamang nasa waiting shed sa loob ng school

Hoshi: Wait mo 'ko

Momo: Ayoko nga

Momo: Lilipat ako ng pwesto

Hoshi: Huy wag

Hoshi: Dito na nga ako sa may gate eh

Momo: Nakalipat na 'ko

Momo: Di ba nababasa yang phone mo?

Hoshi: Nope

Momo: Edi Shing

Hoshi: Wala ka naman sa waiting shed eh

Momo: Lumipat nga kasi ako

Momo: Kulit mo ah

Hoshi: Eh nasan ka na?

Momo: Nasa heart heart ni Star

Hoshi: Sino naman yun?

Momo: Chat mate ko

Hoshi: Edi Shing

Momo: Selos ka na niyan?

Hoshi: NO

Hoshi: Asan ka na kasi?

Momo: Nasa cafeteria

Hoshi: Momorin, wala ka naman dun ah

Momo: Tanga nandun ako

Momo: Nasa teacher's eating area ako

"Hanabi?"

"Ay kike magaling! Myghad! Ginulat mo 'ko Hoshi!" sigaw ko sabay lingon sa kanya, and there he was, ngiting-ngiti sakin.

"Ba't ka nandito?" tanong niya

"Magii-school siguro ako. Di ba halatang na-stranded lang ako?" pamimilosopo ko at tumawa naman siya. Can I just say that he's kinda cute? Kinda lang naman.

"Hahahahaha. Parehas pala kayo ng susunduin kong kaibigan. Nakita mo ba siya? Sabi niya nandito daw siya sa teacher's eating area eh" tanong niya ulit. Interview na naman ulit.

"Tignan mo sa labas, baka may tinignan lang. Kasama ko yun kanina eh" pagsisinungaling ko. May plano naman kasi ako. Sana nga lang di siya magalit sakin.

"Ah okay okay, diyan lang ako sa labas ah"paalam niya at lumabas na, kasabay nun ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa notification. Nag-chat siya.

Hoshi: Wala ka naman dun ah

Momo: Nandun ako.

Hoshi: Wala

Hoshi: Si Hanabi lang nandun

Momo: Nandun kaya ako

Momo: Magkasama pa nga kami eh

Hoshi: Oo nga daw

Momo: Hoshi wag ka magagalit ah

Momo: Ibibitin kita patiwarik sige ka

Hoshi: Ano ba kasi yun?

Hoshi: Tsaka ba't naman ako magagalit?

Momo: Pumasok ka ulit sa Teacher Eating Area

Pagkabukas ng pinto nakita ko agad siya na nakatingin sa cellphone niya sabay tingin sakin. Nakatayo kasi ako sa harap niya hawak-hawak ko din yung phone ko.

"Konnichiwa, watashi wa Momo-desu, yoroshiku ne Hoshi(Hi, Ako si Momo, nice meeting you Hoshi)"

"Weh? Di nga? Seryoso ka Hanabi? Ikaw si Momo?"

"Oo nga. Wag ka magagalit please lang. Ayoko lang kasing makita mo 'ko kasi tignan mo, ang chaka ng mukha ko. Tapos baka madisappoint ka tapos iwasan mo 'ko tapos di mo na 'ko i-chat. Lungkot nun pre."I let out a sigh. Grabe.

"Woah"

"Are you disappointed? Well, tama nga ako. Dapat pala, di na 'ko nagdesisyong magpakilala sayo. Kasi tignan mo, ayaw mo sakin. Masaket ng onti. Sige na, umuwi ka na lang ulit"pilit kong ngiti.

"I said 'woah' kasi mas maganda ka pala. I mean nagandahan na 'ko sayo nung Hanabi pa ang pagkakakilala ko sayo. And what the hell are you saying that I'm disappointed? I'm totally shocked. Soshite, Momo wa kawaii dakara nakanai de (Tsaka, cute kaya si Momo kaya wag ka na umiyak)

-Hoshi Vaughn Hadenaya
(July 8, 2016 10:10 am)

Cannonball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon