C11

23 1 1
                                    

•Momo•

"Momorin, anyare sayo?"

Tanong ni Dahyun sakin. Kanina pa kasi ako nakatulala.

"Aba'y ewan ko rin eh."

Lutang kong sagot at pinanood yung mga kaklase kong pumasok sa pinto ng classroom namin.

I spotted someone familiar. Si Hoshi. Grabe iiwasan nga pala niya 'ko.

Inaano ko ba siya ha? Tsaka sino ba yung ate niya? Si Ma'am Hadenaya ba? Oh may isa pa siyang ate?

Speaking of Ma'am Hadenaya ngayon nga pala siya dadating.

"Guys, parating na si Ma'am Hadenaya. Transform na please"

Pagiinform ni Edrielle samin kaya nagsibalikan na kami sa upuan namin.

Nasa harap ko pala nakaupo si Hoshi. Ngayon ko lang napansin. Madalas kasi siyang nasa likod since wala namang nakaupo sa row na yun.

"Ate anong pangalan mo pala?"

Tanong niya bigla sakin. Ang pamilyar ng boses niya bakit ganun? Nagkita na ba kami dati?

"Mo-Hanabi. Hanabi Divine Mochizaki. Ikaw?"

Muntik na 'kong madulas dun ah. Tsaka, Divine? Ang bantot naman ng naisip kong fake name. Di ako banal Jusmiyo marimar.

"Ah, Hoshi Vaughn Hadenaya. Ilang taon ka na?"

Tanong niya ulit. Di ako nainform na interview pala 'to. Artista na pala ako.

"19. Ikaw naman?"

Pagbabalik ko ng tanong. Nakakatuwa siya grabe. Nakapout kasi siya habang nagtatanong. Nag-papacute ata.

"Yehey, 19 din ako. Favorite color mo?"

Tanong niya pa. Interview na talaga 'to. Seryoso na.

"Black and White"

"Oh! Parehas tayo! Favorite shape?"

Napaisip naman ako. Ano nga bang favorite shape ko? Hm....ah star nga pala. Hobby ko kasi dati ang stargazing gaya ng Otou-san (Papa) ko.

"Star. Ever since 2 years old ako mahilig na kasi ako sa star-gazing."

"Coincidence lang ba na parehas ulit tayo ng favorite shape?"

"Siguro"

•Hoshi•

Nageenjoy akong kausapin si Hanabi. Ang bubbly niya tsaka di siya awkward kausapin.

Usually kasi lahat ng babaeng kausap ko di mapakali. Ang gwapo ko ata sobra.

[A/N: Yung feeling na natatangay ka sa kahanginan ng sarili mong character. Chill Hoshi. Myghad]

"Hoshi, diba sabi mo Hadenaya apelido mo? So kapatid mo si Ma'am Hadenaya"

Nabigla naman ako sa tanong ni Hanabi. How did she know? As far as I know si Momo lang pinagsabihan ko nun ah.

Maybe, just maybe......

Kilala niya si Momo!

"Kilala mo si Momo no?"

"Huh? Sinong Momo?"

Walang-muwang niyang tanong. Ay. Anubayan. Mali ako.

"Anyway, oo kapatid ko yung bagong teacher natin."

"Ah. Matanong ko lang ah, may special someone ka ba?"

Tanong ni Hanabi at agad ko namang naalala si Rin.

"Oo. Pero dati pa yun. How I miss Rin. Kala ko pa naman magiging Mrs. Hadenaya ko siya. Kaso wala eh, she's no longer in this world"

-Hoshi Vaughn Hadenaya
(July 6,2016 2:00 pm)

Cannonball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon