October 24,2013.
Yan na ata ang pinaka exciting,pinaka masaya, at nakakapagod na araw sa buhay ko. Dahil sa ss5 Manila, naranasan kong umiyak,tumawa, mawalan ng boses,magtata talon,magsisigaw,tumili,sumakit ang ulo at kung ano ano pa!. Pero lahat yun?bawing bawi sa tatlong oras na kasama ang mga taong iniidolo ko. Makita silang sumasayaw at kumakanta ng live?
ASDFGHJKL!!! Heaven pare! Heaven! Para kong nakakain ng mga comfort foods ko. Pero dito hindi tyan ang nabusog sakin,kundi yung mga mata ko. Na kahit alam kong wala akong masyadong malinaw na kuha sa kanila,da hell I care. Nasa utak ko na ata lahat ng magagandang experience sa araw na yan.
Umaga palang,siguro mga 11am?I guess,nandoon na kami sa MOA. Bakit?dahil gahaman kami sa banners at freebies!Hahaha. Lahat kasi sila namimigay ng kanya kanyang banner para pag performance na ng kada member,mayroong fan chant na magagawa o kahit man lang banner na mapapaansin at maa appreciate nila.
Imagine, lahat ng member, may kanya kanyang fan base yan dito sa Pilipinas. At lahat sila?nag ready ng fan project para sa bawat member. Saksi ako(naks maka saksi) sa araw araw na pag po post ng mga admins ng bawat fan base para makahanap ng area volunteer.
Wala silang bayad na nakukuha sa pag gawa at paglalaan ng oras matapos at maisagawa lang ang mga projects na yan. Ang kaisa isang makukuha lang nila diyan,alam niyo kung ano?
Yung makitang naappreciate ng bawat member at ma touched sila sa project para sa kanila :"> Yun,yun lang ang reward nila sa bawat hirap at perang nagastos para diyan!
Kaya sa mga area volunteer at admins *sabog confetti* whooo erm so proud of you guys! The best! Saludo ako sa lahat ng effort niyo. :)
Kahit na nakalimutan na nung iba itaas yung mga banners(well ako din minsan huhu sorry na) eh at least..na appreciate ng buong SUJU ang mismong PH ELF ♥
Okay so start tayo sa mga bagong dating...I mean fresh from the army members beybeehh! :D
Again,welcome sa diary ko. ;)
******
Matagal siyang nawala sa SUJU because of military service. Kaya naman ang fan base niya dito,aba! effort talaga sa pagpapakita ng kung gaano nila namiss si Kangin.
Nung nag introduction na ang bawat member, si Kangin talaga ang naunang magpakilala. Grabe..pagtapat palang nung microphone sa bibig niya.. nag cheer agad kami ng 'KANGIN! KANGIN! KANGIN' which made him smile. ;)
Sa totoo lang hindi ko inexpect na ang laki ng pinayat ni Kangin oppa. As in! Pano ko nalaman?Aba! hah! Si Oppa lakas na ng loob mag sando don! susme! Hahaha.
Dati kasi sa mga previous ss5(pansin ko lang naman) medyo conservative si Oppa. Pero dito,luuh parang ano eh.. gustong sabihin na."Nagpapayat ako para sa inyo!! XD"
Si Oppa din ang nagsabing '1 week' daw gawin ang ss5 nung tinanong ni Hyuk kung kailan gustong magkita kita ulit ng SUJU at PH ELF.
Actually,silang dalawa ang madalas sa side namin ni Siwon. At super cute niya kasi lagi siyang nakasmile sa mga fans.
AT AT AT!! JUSKO! Ang gwapo ni Oppa! :"> As in ang tangos ng ilong,ang kinis ng balat,matangkad. Tapos yung boses pa niya! DAEBAK(amazing!) ang husky na ang sexy~yah!
Natuwa din ako nung time na ayaw mag bow ni Heechul Oppa at tinatawanan lang niya yung mga members na naka bow na (walangyaa ka Heechul kabaliw ngiti mo eh! hahaha) tapos siya yung humila(well di naman humila,di ko lang alam yung term) para mag bow si Hechul.
Pati nung nag costume as heroes na sila at tanging si Heechul lang ang naka bear costume?Si Kangin na naka THOR costume,pinapalo palo sa ulo si Hee ng hammer niya!.Hahaha,ganyan sila ka close. :"> Abaaa!si Kangin lang may kaya niyan! Wala atang makakapagpa bow at makakapalo sa ulo ni Heedictator ng ganon nalang!
Pero pinaka highlight talaga sakin is nung nag cross dress siya. WTF! HAHAHAHA. Myghaaad. Napatayo ako sa upuan ko eh! Ang cute kasi nahihiya pa siya! Halatang di sanay sa ganon! Kasi naman,pagka laki laking lalaki,magdadamit babae?!Oh eh SUJU lang may ganyan! That's what you call fan service.
Sa may gitna pa siya ng stage lumabas na naka upo. Tapos maya maya...hala sige tihaya lang sa gitna ng stage! XD Pero maya maya tinatakpan na niya yung mukha niya sa sobrang hiya na din siguro.
Sinasabayan nila ang trip ng mga ELF. Para lang makitang masaya kami :"> Ohuh!
**credits sa picture na kinuha ko. Wala talaga kong malapit na kuha eh ._.**