Prologue

20 0 2
                                    

Monique's POV

*Tooooot* *toooooot* *toooot*

Uuuuuuugh! That alarm clock!

"Wake up! Princess! Come on!" My chef, slash poging kuya Franc Deo Del Carmen.

"Yes kuya! I'm up! Uuuugh" I groaned.

"First day of school? Mukhang tinatamad ka? Hurry up, princess." Kuya uttered.

Sino ba naman kasi excited pumunta sa school? What do I expect on my first day? Syempre! Get bullied again by those b*tches. Ugh, sorry for the word but it's all true.

"I'm not, kuya. Look at me, I'm soooo excited to go on school!" I sarcastically said.

"Tsss, halata nga. Sige na! Maligo ka na, biliiis!" Ugh. I rolled my eyes and go to my bathroom.

Blurry, yes. Because wala akong suot na salamin. Hay, buhay nga naman. I don't know kung saan dito ang shampoo, tssk! Bahala na nga!

While putting the shampoo on my head. I groaned!

"Uuuuuugh!" Medyo napalakas pa kaya napasugod si kuya sa bathroom ko.

"Princess? Are you okay?" Kuya asked.

"Yes kuya. Nahulog lang yung sabon!" I replied. Pero ang totoo, hindi shampoo ang nailagay ko sa buhok ko, kundi body wash! Nakakainis!

Pagkatapos kong maligo at magbihis dumiretso agad ako sa kusina kung saan kumpleto na ang aking pamilya sa hapag kainan.

Seeing them like this felt so nice and warming. Ito ang best part of my day and the great part is dinner.

"Good morning, princess" mom uttered.

"Morning mom! Morning dad! And good morning mga kuya!" I gladly greet them at kinuha yung hot choco na itinimpla ni Kuya Jake para sakin.

"Woow! Mukhang excited ang princess namin sa first day ah?" Kuya Franco said. At muntik na akong mabilaukan. Pero di ko pinahalata.

"She really is kuys" Sabi naman ni Kuya Deo.

I just rolled my eyes inside my head. Hahahaha, naah. Ayoko magpakita ng brat attitude ko sa kanila because I am not that kind of girl.

I just smiled to them at kinuha ang toasted bread na niluto ni Kuya Deo para samin.

Ganto ang daily routine namin, si Kuya Deo ang taga luto, Kuya Jake naman ang taga timpla ng kape at hot choco ko at si Kuya Franco ang taga sundo! But since meron ng bagong kotse si Kuya Jake, mukhang siya na ang taga sundo namin ni Kuya Deo since iisa lang kami ng school.

"Mag ingat kayo apat ha? Kuya Jake? Dahan dahan sa pag drive. And you, Kuya Deo? Always check on your baby sister" Kung over protective ang mga kuya ko? Mas over protective ang nanay ko. Kaya love na love ko sila eh.

"Roger that, mom" Kuya Deo said.

"Franco, be in my office at 9am later. May appointment ako for Mrs. Dela Rosa and I'd like you to learn more things para 2 years from now handa ka na sa pagiging lawyer" I heard my dad said. Hay, early morning work nanaman ang topic ni dad.

Lawyer ang dad ko, ang sumunod naman sa yapak niya ang pinakamatanda samin. Si Kuya Franco, nag aaral parin siya ng lawyer ngayon. And 2 years from now, magiging lawyer na siya tulad ni dad.

Ang 2nd eldest naman samin, si Kuya Jake. 3rd year college parin siya ngayon. Let's just say na sa magkakapatid di talaga mawawala ang black sheep. Pero kahit medyo di nagseseryoso si Kuya Jake sa pag aaral nakikita ko ngayon bumabawi na siya. Computer Engineering naman ang kinuha niya. (PS: Matalino to sa math! Wag kayo! Tsk, pero matalino rin sa babae.)

The 3rd eldest? Of course, my favorite one. (Shhhh hehe) Kuya Deo! 4th year na siya. Medtech ang kinuha niya. Cuz' our mom was a nurse before. Pero ang gusto talagang kunin ni kuya ay cullinary. Ewan ko ba sa kanya bat Medtech parin kinuha niya? Well, he's smart and I know he can do it! Since graduating na siya! Wiii!

And the baby bunso of the family! The "only girl" of course, walang iba kundi ako. Hmmm, 2nd year college na ako and taking up BS Accountancy. At dito parin kami nag aaral sa alma matter namin. Ang ATENEO. Hay, kaya yung iba kung classmate nong high school. Classmate ko padin, specially yung mga kumuha din ng Business Ad, and Accountancy. Ang annoying lang.

"Bye kuyas!" I wave to my two kuya at kumiripas ako ng takbo papuntang first class ko since 2 minutes nalang late na ako.

"Princess! Dahan dahan lang!" I heard kuya deo said that pero tumakbo parin ako.

*Booogsh!* Fck! Ang sakit! Natumba ako sa sobrang sakit ng pagkakabangga ko.

"Pwede bang dumahan dahan ka naman?!" I heard someone said that, tumingala ako pero I can't see him clearly since nahulog din yung eye glasses ko.

"Dude, let's go! Late na tayo. Terror teacher pa naman ang class natin ngayon. Hayaan mo na yan!" Bigla naman silang umalis at iniwan akong nakaupo sa sahig.

"Tsk! Tsk! Tsk! Lampa talaga ever since! Hahaahahaha" ugh. Andito na mga bitchfriends ko.

Hinanap ko ang eye glasses ko.

*Creak*

"Ops, ito ba hanap mo? Haha, di ko nakita eh. Sorry ha? Bye nerdy!" Uuuugh! Bwsit talaga yung babaeng yun! Pati salamin ko pinagdiskitahan! Regalo pa naman to ni Kuya Franco! Kakainis!

I just wore it at nagmadali ng pumunta sa classroom.

Oh great! I'm 5 minutes late.

"Ms. Del Carmen? First day of school, late ka?" Bungad ng terror teacher ko. Oh by the way, this is History subject. Oh how I really hate this subject.

"Sorry sir." I saw my prof rolled his eyes. (Tsk! Kaya tumandang binata, kasi mataray! Bakla siguro to!)

"Sit down. Next time be early in my class. Alam niyo naman, I hate tardiness!" Prof said at nagpatuloy lang sa pagsasalita about you know... grade percentage and projects. First day of class first topics talaga yan.

"Hoy! Bat ka ba late?" Trina murmured. Ang besty ko since grade school, hanggang ngayon.

"May nakabangga ako kanina eh. Nagmamadali ako papunta dito kaya ayun, may nabangga ako" napatingin siya sa salamin kong crack.

"Hmmm. Apat na yung mata mo, may nabangga ka parin? At saka ano ba nangyari jan sa eye glasses mo?" I rolled my eyes.

"Same old stories, trina" tumahimik na lang siya at nakinig sa prof namin. Mukhang gets niya na kasi pano nabasag tong salamin ko.

"Okay! Class dismiss" hay salamat. First class is done, pero may sunod nanaman akong klase.

Since, blockmate ko si trina sabay kami pumunta sa next class namin.

"Kaya pala di nag iingat. Basag naman pala ang salamin. Tsk, tsk" I heard someone murmured on our back.

Napalingon naman si trina at natigilan sa paglalakad. Di ako lumingon, pero tiningnan ko lang si trina na ngayo'y nangingisay sa kilig? Anong nangyari sa babaeng to? Napalingon narin ako, at tiningnan ang-

What the! Anghel na galing sa lupa! Ang gwapo naman ng nilalang na to!

He smirked at lumapit sakin. Oh My Gash. Lord, padala mo ba tong anghel na to? To save me from all those evil btch around me?

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. *Di niyo alam kung gano kahirap magpigil ng kilig* jusko ko po!

"Next time, wear clear glasses" kinuha niya ang eye glasses ko at inilagay sa kamay ko.

Naiwan ako tulala.

Ang bango ng hininga niya!

The Bullied GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon