My brothers, is my superhero.
"Oh! Ang pogi talaga niya sis! And did he really get near his face on your face!? Oh gash!" Hanggang ngayon, tulala parin ako at di maka get over sa nangyari kaninang umaga.
It's lunch break at nandito kami ngayon sa cafeteria.
"Who's getting near to my sister's face?" Nagulat ako sa nagsalita, napalingon kaming dalawa ni trina.
"Ay! Kuya Deo, ikaw pala!" Sabi ko, at napaupo naman si kuya sa harap ko at katabi niya si trina na ngayo'y mukhang timang na tingin ng tingin sa kuya ko.
"Sinong pogi ang lumapit sa kapatid ko?" Takang tanong ni kuya.
"Ikaw..." sabi naman ni trina na mukhang timang parin na nakatunganga sa kuya ko.
Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa at nagulat naman siya at bumalik sa katinuan.
"I mean, ikaw po. Lumapit ka po ngayon sa kapatid mo eh hehehe" mukhang tanga talaga tong babaeng to. Bat ko kaya to naging best friend?
Napa iling nalang ang kuya ko, nakita ko naman namula si trina at napayuko.
Kumain lang kaming tatlo ng lunch.
"Princess, di ako makakasabay sa inyo ni Kuya Jake ha? I have night class. Papahatid nalang ako kay Kuya Franco" sabi ni kuya deo habang inaayos ang gamit sa bag niya. Mas organize at malinis pato sakin eh. Pati uniform niyang puti, walang gusot at dumi kang makikita. Napakalinis talaga ng kuya, at mabango rin. No doubt, bat crush to ni trina. Hahaha.
"Okay kuya, no problem. Sasabihan ko lang si kuya jake. Mag ingat ka!" Sabi ko sabay wave sa kanya.
My kuya giggled. "Kayo rin ni trina" at nag wink pa kay trina. Hahaha, natawa ako sa reaction niya. Napaka priceless talaga.
Alam naman kasi ni kuya na may gusto sa kanya si trina. Di ko alam bat nagwink siya dito. Sira talaga tong si kuya eh.
"Siiiiiis! Did you just saw that!?" Ito nanaman si trina. Walang oras na di kinikilig.
"Yes. Tara na, malelate narin tayo oh!" Tumayo ako at sumabay naman siya. Kinikilig parin at di maka get over sa wink ng kuya ko.
Next class namin ay major subject. Sinuot ko ulit ang crack eye glasses ko. At nagulat sa pumasok! Totoo ba to? O blurred nanaman ang nakikita ko? Tinanggal ko ang eye glasses ko at pinunasan. Binalik ulit, napadilat ako! Siya nga! Si Mr. Angel!
"Sis! Kaklase natin siya! OMG!" trina murmured. Nakita ko siya na tumitig din sakin, at napailing. Umupo siya sa harapan at nakikinig lang sa mga kasama niyang nag uusap.
Dumating na ang prof namin at natahimik ang buong klase. Same topic parin naman. Di na ako nakinig sa prof namin, at nakatitig parin ako sa likod niya. Sa batok, to be specific!
"Pst! Baka matunaw yung likod niya teh!" Alex said na katabi ko sa right side. Napatingin naman ako sa kanya, isa siya sa mga close ko last year. Blockmate rin namin ni trina to.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Gwapo no?" Tanong ni alex.
Di ako sumagot, instead nag smile nalang ako at nag nod sa kanya.
"Alam mo ba, BSA-1B yan last year. Pero ngayon, blockmate na natin siya. BSA-2A na siya. Silang limang magkakaibigan na varsity player ng basketball" kaya pala may dalang bola yung kasama niya.
"Bakit sila nagtransfer ng block section?" Tanong ko.
"Ang alam ko, nahuli silang lima sa enrollment kaya dito sila napadpad sa 2A. Masayang section daw kasi ang 2B kaya maraming nagsilipat dun. Kaya wala ng bakante" Sabi ni alex. Tumingin naman ako sa kanya ulit. Mukhang nabobored nga siya dito sa section namin dahil nakabusangot ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Bullied Girl
RandomFrances Monique Del Carmen, the unica ija, the princess, the only girl in the family. She's an archer player, top 1 in the class but always get bullied by her classmates because of her excellence, and nerdness. Why only girl in the family? Because s...