Chapter 2

107 4 4
                                    

DRAKE'S POV

Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito pero grabe ang laki ng bahay. Dadalaw kasi sana ako sa kaibigan ko pero nawala ako. Abandoned place na dito pero bakit may bahay? Siguro ayaw ng owner na makipag-socialize?

Mukhang wala namang tao, itatry ko kayang buksan? Hindi ako akyat bahay ah! Gusto ko lang talagang malaman kung ano yung nasa loob. Mukhang hightech eh.

Tinary kong buksan yung gate pero nagulat akong biglang may boses na nanggaling sa gate. Ang boses galing sa gate? Woah!

"Please put your hands on the pad and enter the code." Sabi nung boses. Ano daw? Nagulat nanaman ako ng biglang may nag-appear na box na may shape na parang kamay. Nilagay ko yung kamay ko dun. "Handprint invalid." Lang'ya. Hightech talaga.

"Uhm, excuse me? Who are you and what are you doing here?" Sabi nang boses na nasa likod ko.. yata. Lumingon ako at nakita ko ang babaeng pinanggalingan ng boses. Matangkad siya, maputi, at mahaba ang buhok.

"A-ah. Sayo 'to, Miss? Grabe ang yaman mo naman! Ang hightech ng bahay mo. Ikaw lang ba naka-tira dito- Ay. Sandali. Mukhang baliw na ba ako? Sorry ah. Nawala kasi ako. Hindi ko alam kung nasaan ako." Sabi ko. Ang dal-dal ko. Maraming nag-sasabi niyan. Para daw akong babae mag-salita, pero hearthrob kaya ako.

"You're in The B Street. How did you get here? No one comes here." Sabi nanaman ng babae. Parang ma-nonose bleed yata ako nito.

"I was gonna visit my friend but I was lost and I didn't know where to go until I found your house." Sabi ko. Oh, diba? Marunong rin kaya ako mag-english.

"Oh. Well, you just go straight, turn left, go straight, and turn right. You can go now." Sabi niya. Ayun naman pala.

"Salamat!" Sabi ko at umalis na.

KATE'S POV

Nawala pala siya. Bakit sa lahat ng kalye na pwede siyang mapadpad, dito pa?! Mabuti na lang talaga at hindi niya ako nakita. Hindi pa naman ako naka-nerd 'costume'.

Naka skater skirt at crop top ako ngayon. At yung buhok ko hindi naka-ponytail lang. Cinurl ko. Kung makikita niya ako, malalaman niyang peke lang yung pagiging Kate ko sa school.

Si Julie na lang ang pinalabas ko para paalisin si Drake. Mahirap na. Sa wakas, umalis na siya. Pinark ko na sa garage ang sasakyan ko at lumabas na. Nakaka-tawa kanina si Drake, tinry niya pa talagang pumasok.

I placed my hand on the handprint scanner. Si Papa at ako lang ang makaka-pasok dito dahil kung wala kami hindi sila makaka-pasok kasi saamin lang gumagana yung scanner.

"Kilala mo ba yun, Kate?" Tanong ni Julie. "Kamukhang kamukha niya si Daniel Ford!"

"Oo, classmate ko yun. Siya yung palaging nag-sasalba saakin sa mga bullies." Sabi ko naman. Nagulat naman si Julie.

"Eh bakit hindi na lang ikaw ang bumaba?"

"Eh kasi nga baka ma bisto ang cover ko. Ano ka ba? Diba nerd ako sa school? Tignan mo nga kung ano ang itsura ko ngayon."

"Ay, oo nga pala." Sabi ni Julie at nag-peace sign.

Umiling na lang ako at pumasok na. Biglang bumukas yung coat hanger at nilagay ko dun yung jacket ko at nag-sara ulit.

"Gutom ka na ba, Julie?" Tanong ko.

"Just call me Ju. Para dalawang letters na lang." Sabi niya.

In Action (KathNiel) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon