Chapter 28: Beach

795 15 5
                                    

Chapter 28: Beach

It’s been two months nung nag simula kaming mag break ni Dennis.

Aaminin ko na nasaktan ako sa ginawa niya.

Kaya ngayon yung love napalitan na ng galit.

Alam ko ang babaw lang nung pinag awayan namin.

Pero hindi ba naman niya ako binigyan ng chance na mag-explain or something.

Ugh!! I hate that man now.

Kaya mabuti na lang at hindi ko siya masyado nakikita.

Kung nagkikita naman kami… nag s-snob lang ako sa kanya.

Ganun naman din siya sa akin.

Alam na ng barkada na nagkahiwalay kami.

Pero its okay.

Wala na akong paki-alam sa lalakeng yun.

Basta yung attention ko nasa school lang. wala ng iba.

Wala muna yang love-love na yan.

Psh! Panggulo sa buhay yan!

“UY! RIZALYN! ANO BA?!”

“huh?”

“hindi ka naman nakikinig eh.”

“sorry, ano nga ulit yung sabi mo?”

“sabi ko sasama ka basa vacation ng barkada. 2 weeks stay tayo dun.”

“ah ganun ba? Pag iisipan ko muna” sabi ko kay Honney

“naku! Huwag mo nang pag-isipan. Sumama ka na! pampawala ng stress.”

“pag-iisipan ko”

“eeehhh.. huwag mong pag-iisipan. Gawin mo! Sige ka, magpapakamatay ako pag di ka sumama” sabi ni Honney habang tinututok ang ballpen niya sa dibdib niya

Psh! Oa!

“oo na. oo na! sasama na po”

“yippie!” sabi niya tapos hinug niya ako.

*fastforward*

Nandito na kami ngayon sa tapat ng school namin.

Dito kasi ang meeting place namin.

Ang usapan 6:30 a.m magkikita pero ano na ngayon?

7 am na! psh!

Grabe! Ugh!

“oh! Andiyan na pala ang mga boys eh!” sabi ni Grace

“psh! Mabuti naman at dumating na sila” sabi ko

Ang mga boys na pala ngayon ang nalelelate diba dapat girls?

“at dumating pa kayo?” sabi ni Honney

“sorry naman. Ito naman kasi si Anthony eh. Ang bagal gumalaw”

“hay naku!” sabi ni Grace

Kinalabit ko si Honney tapos binulong na

“ba’t di mo sinabi sa akin na sasama pala yang si … si… alam mo na”

“huh? Sino?”

“Si Dennis, ano ba?!”

“eh di kung sinabi ko sa’yo yun. Sure ako hindi ka sasama. Bitter much pa din kayo sa isa’t isa?”

Tinaasan ko siya ng kilay

“obvious?”

“sabi ko nga! Obvious masyado. Mukhang gulat din siya nung nakita ka niya eh”

Napalingon naman ako nun kay Dennis. Mabuti na lang hindi siya nakatingin sa akin.

Humarap ulit ako kay Honney

“Bitter pa nga kayo. Basta enjoy the stay na lang.  isipin mo na lang na wala siya. Para wala na tayong problems!”

“oo na. tayo na nga” hinila ko na siya papuntang sasakyan namin.

Nakarating na kami sa resort.

Psh! Naalala ko tuloy yung time na una kong nakita si Dennis.

It was funny though..

(kung naalala niyo pa ang chapter 1. yun yun ok?)

Ang daming nangyari sa araw na yun.

Nakakain ako ng maanghang, bumili ako ng ice cream, nabangga ko si Dennis. Hinabol ako ng aso nauntog ako sa poste.

*sigh*

What more could I ask?

Napaka bad trip nung araw na yun sa akin. Hehe. Pero enjoy naman ako nun.

So eto na, nag check in na kami sa hotel na nandun.

Pagpasok namin sa kwarto namin.

Tulog kaming lahat.

……………….

Nagising ako mga 5 p.m na..

Medyo madilim na rin sa labas.

Lahat ng kasama ko. Tulog pa rin.

Naisipan ko muna ang mag lakad-lakad sa resort.

Paglabas ko naman ng kwarto ko, nakita ko din naman si Dennis na papalabas lang din sa kwarto niya.

Deadma kami sa isa’t isa.

Pero pareho lang pala kami ng dereksiyon na pupuntahan.

Hindi na lang ako umimik.

Bahala siya!

Hmp!

Galit ako. Galit ako. Grrrrr.. rawr!

“O Rizalyn, anak nandito ka din pala?!” napalingon ako nun sa nagsabi nun.

“ma?! What are you doing here?” may kasama naman ang mama ko. Halos ka edad lang niya.

“nakapag decide kasi ako na makipag hang out sa bestfriend ko na si Martha. Say hi to your tita Martha”

“hello po” bineso ko naman yung kasama ni mama.

“oo nga pala, Dennis anak. Ba’t di ka umiimik diyan? At tsaka dito pala ang punta niyo ng kaibigan niyo? Say hi to you tita Marie”

o.o

napalingon naman ako nun kay Dennis.

“He-hello po tita.” Bineso naman ni Dennis ang mama ko.

Waaaaaaaiiiitt!! 

Ibig sabihin ang mama ko at mama niya mag bestfriends?

Wow ha! As in wow!

“magkakilala ba kayo ng anak ko huh? Dennis?” tanong ni mama

“uhmmm….” Tumingin sa akin si Dennis.

Ano ba dapat sabihin niya? ‘opo, ex ko nga po siya eh.’ Or I dedeny niya ako.

Hmp! Bahala siya.

“opo, magkakilala po kami”

“naku! Mabuti naman at hindi na kami mahihirapan na ipakilala kayo sa isa’t isa.” Sabi ni Mama

“oo nga eh, pwede na talaga natin gawin yung mga pangarap natin”

“eyiiiiieeee~~” si mama at mama ni Dennis.. kinikilig???

Ano bang pinag uusapan nila?

“Rizalyn anak..” lumapit si mama sa akin, tapos hinawakan ang mga braso ko.

“I want you to meet you future husband” hinarap ako ni mama kay

 Dennis..

Nang dahil sa ice creamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon