✓Chapter 9: Thieves

235 18 4
                                    

Jungkook's POV

Kasama na namin ngayon sa loob ng van sina audrey at jannah. Tahimik ang lahat.

Dahil na rin siguro sa pagkawala ng kaibigan nila.

Kahit si Rachelle at Trisha na pinaka maingay at energetic sa kanila ay tahimik din.

"U-uhmm.. Mag gagabi na. San tayo tutuloy?" Awkward na tanong ni jin hyung na patuloy pa rin sa pagdadrive.

well, kung ako din siguro ang nasa katayuan niya, awkward din para sakin ang magsalita sa gantong awra.

"Mag hanap ka na lang dyan ng subdivision. Sigurado akong meron" sabi ni namjoon hyung.

Tumango naman si Jin hyung at pinagpatuloy ang pagdadrive.

Napatingin ako sa mga babaeng nandito sa loob ng sasakyan.

So cheska na katabi ni namjoon hyung ay natutulog.

Si Larah naman ay maluha luha habang nililinis yung baril niya.

Si Audrey at Jannah na nakayuko lang at tahimik na umiiyak.

Si sophia na pinapatahan ni suga hyung. Ceasefire ata sa bangayan yung dalawa ngayon.

Si Elyssa na nakatulala lang sa labas ng bintana. Katabi naman si V hyung na nakatingin lang sa kanya. Malalim ata ang iniisip.

Si Rachelle na nakasandal kay Jimin hyung at tulog.

Si Trisha naman na pinatatahan din ni Hobie Hyung.Sila kasi ni Leeroy ang pinaka close.

At etong katabi ko. Si Amielle. Nakatanaw sa labas habang tahimik na umiiyak.

Patuloy lang sa pag agos yung luha niya kahit pilit niya itong pinupunasan.

Di ako sanay na ganto sila. Madalas kasi na maingay sila at nag tatawanan. Hays.

"Nandito na tayo" basag ni Jin hyung sa katahimikan.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nasa tapat kami ng isang bahay.

Wala rin masyadong zombies. Pero kailangan naming mag ingat.

"A, ok ka na?" Tanong ko kay amielle na hinahanda na yung kutsilyo niya pati yung baril niya ay sinuksok niya sa may pants niya in case na kailanganin.

Ngumiti siya sakin pero halata mong malungkot siya at tumango.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla kong hinila si amielle at niyakap.

"A-ano.. B-bakit?..." Halos hindi niya alam ang sasabihin sa akin dahil sa gulat.

"U-uhmm. Sorry. Gusto ko lang pagaanin loob mo" nahihiya kong sabi sa kanila

Nag simula nang mag babaan ang mga kasama namin.

"Ok lang. Salamat." Sabi niya at ngumiti ulit. Pero this time, totoo na.

Bumaba na kami ulit at naging alerto dahil baka mamaya ay may sumugod bigla saming mga zombies.

madami kaming nakikita pero di siguro nila kami napansin dahil madilim.

Walang mga zombies ang nakakita samin kaya dali dali kaming pumasok sa bahay na to.

Pag bukas ng pinto bigla namang may tatlong zombies na lumabas kaya agad yung binaril ni Jimin hyung, Larah at namjoon hyung.

Surviving The Apocalypes(Bts Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon