Chapter 29: Near

142 10 2
                                    

Third Person's POV

Naunang lumabas ang grupo ni Jungkook na kinabibilangan nina Rachelle, Levi at Jimin.

Nakatago yung mga weapons nila pero yung katana ni Levi, si Jungkook muna ang nag hawak lara hindi masyadong halata.

Kasi nga, nakadisguise siya bilang sundalo.

"Oh, san mo yan dadalhin?" Tanong ng isang Scientist na nakasalubong nila kaya agad silang kinabahan.

"U-Uh, pinapalipat sila ng kulungan. May kailangang gawin sa kanila" palusot ni Jungkook at mukha namang naniwala yung scientist.

Nagsimula na ulit silang mag lakad ng tahimik. Kinikilabutan sila sa mga nakikita nila.

Naglalakad kasi sila sa isang corridor tapos bawat kwarto lugar na yon ay kita dahil transparent yung salamin kaya kitang kita yung mga pinag eeksperimentuhan ng mga scientist.

"Liliko tayo dyan pakanan tapos deretso lang. Yung unang pinto na makikita natin sa kaliwa, yun na yung storage room na may daan palabas" sabi ni Levi at nag madali naman silang maglakad papunta rito.

Samantala, sina Cheska naman ay nandun pa rin sa kulungan.

"San tayo dadaan?" Tanong ni Rapmon habang nakatingin dun sa may blue print.

"Dito na lang. Iikot pa nga lang tayo" sabi ni Amielle.

"Uhh, guys, may nalaman din pala ako." Dugtong pa ni Amielle.

"Ano yun?" Tanong ni Trisha.

"May nalaman kasi ako kay papa na may naperfect na silang cure para dito.." sabi ni Amielle.

"ANO?!" Sabay na sabi nina Larah, Trisha, Sophia at Jhope.

"Shhhh. Teka. Nasabi ko lang kasi sa inyo noon na may cure pero hindi la nila napeperfect pero ngayon, sure na. Naperfect na nila yun." Sabi ni Amielle at nagsitanguan naman ang mga kasama niya.

"Okay ganto. Kailangan natin makuha yung cure na yun pero bago yun, puntahan muna natin sila Jungkook. Tara na!" Sabi ni Rapmon at lumabas na sila sa pinagkukulungam nila.

Pasimple silang naglalakad at kunwari ay hatak hatak ni Elyssa at Rapmon ang mga kasama nila.

Para hindi maghinala ang mga tao.

Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa nakaratin sila sa kinalalagyan nina Jungkook.

"Oh! Ayan na pala kayo ehh! Tara na!" Sabi ni Jimin at bubuksan na sana yung pinto ng exit pero pinigilan siya ni Rapmon.

"Teka lang!" Sigaw ni Rapmon.

"Oh, bakit hyung?"

"May kailangan pa tayong kunin" sabi ni Trisha at tinignan naman siya nina Levi ng nagtataka.

"Kailangan nating kuhanin yung cure para matigil na tong kalokohan na to. Sila rin kasi ang may pakana nitong outbreak na to dahil sa pagkamakasarili nila." Sabi ni Amielle na mah halong galit at pagkasuklam dahil ama niya ang nangunguna dito.

"Okay. So pano natin kukuhanin?" Tanong ni Rachelle.

"Ako, si Amielle at si Rapmon na lang ang kukuha nun" sabi ni Cheska.

"Oo nga. Kami ni Cheska ang magpapanggap na scientist at si rapmon yung kunwaring dadalhin namin. Alam ko kung nasan yung lab ehhh. Pati may mga kaibigan din ako dito na tutulong satin. Maiwan na lang kayo dito. Saglit lang naman to ehh" sabi ni Amielle na sinang ayunan naman ng lahat.

Nagpalit na sina Cheska at Elyssa ng damit at lumabas na sila.

Kunwari ay hila hila nila si rapmon.

"Kailangang gawin natin to ng mabili oh shit!" Sabi ni Amielle sabay yuko ng mabilis.

May mga sundalo kasi na nagtatakbuhan. Alam na nila na may nakatakas sa mga nakakulong.

"Kailangan na talaga nating magmadali!" Medyo pasigaw na sabi ni Amielle. Tumakbo na silang tatlo at dali daling pumasok sa isang laboratoryo.

"Saan dito yun?" Bulong ni Cheska kay amielle at sumunod na lang sila kung saan pumunta si Amielle.

Nakapunta sila sa isang kwarto at mukhang wala pa namang nakakapansin sa kanila.

"maghanap Lang kayo diyan sa drawer guys!" Sabi ni Amielle kaya nagmadali na silang hanapinyung formula para makagawa ng cure.

Ilang sanali pa at nahanap siya ni Amielle.

"Guys! Tara na dali! Nahanap ko na!" Sigaw ni Amielle at bubuksan na sana nila yung pinto pero may nagbukas nito mula sa labas.

"Diba dit— HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DITO?! TEKA! YAN YUNG CURE AHH!" Sigaw nung babaeng pumasok at narinig siya nung ibang scientist kaya nag puntahan ang mga ito sa kanila.

"Shit! Guys! Kailangan na nating umalis!" Sabi ni Rapmon at tumango naman sina amielle at cheska kaya tumakbo na sila palabas dala yung papel na pinagsusulatan nung cure.

"Wag niyo silang hayaang makatakas!" Sigaw nung tatay ni Amielle at hinabol na sila nung mga sundalo.

*************
A/n: haluuuuu!!! Kamusta po yung chapter na to??? Sorry kung ngayon lang ang UD. Enjoyyyy!!!

Dedicated ito sa friend kong may birthdayyyyy!!! baeshMe

Surviving The Apocalypes(Bts Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon