Chapter 1

341 8 0
                                    

Chapter 1

“Ay, aray!” sabi ni Haya nang mauntog siya sa bubong ng jeep habang pababa siya.

Buti nalang at pababa siya nauntog at hindi pasakay kung hindi pagtitinginan na naman siya ng mga kasakay niya.

Hindi kasi miminsang nauntog siya sa pesteng bubong.

Ewan ba niya kung bakit panay ang untog niya sa bubungan ng jeep at hindi pa rin siya nagtatanda kahit na tinubuan na yata ng kalyo ang ulo nya kakauntog.

Hay <insert bunting-hininga here> :)

Papasok na siya sa gate ng school nila habang hinihimas-himas niya ang ulong nauntog kanina ng marinig nyang may tumatawag sa kanya.

“Haya! Haya!” sigaw ni Amarra aka Am-am ang kanyang best friend at classmate na may kasama pang pagkaway-kaway ng dalawang kamay.

Parang nalulunod lang at himihingi ng saklolo. Napano kaya 'to?

“O baaaket? ‘San ang sunog?”

“Eto naman!” sabi nito ng makalapit sabay hampas sa balikat niya.

Eto talagang si Am-am kung makahampas ‘kala mo wala ng bukas eh.

“Eh bakit nga?” tanong nya habang hinihimas ang balikat nya ng isang kamay, habang ang isa naman ay sa ulo nya.

Talaga naman, umagang-umaga at first day ng kanilang junior year eh puro bugbog na sya.

Mukang ‘di ‘to magandang pangitain ah.

“Tumingin ka ‘don. Dali!” nanggigigil pa nitong sabi sabay turo sa may kaliwa namin.

Tingin naman ako habang nakahawak parin sa balikat kong hinampas ni Am-am at sa ulo kong nauntog sa jeep.

At ‘don ko unang nakita ang isang napakagandang pangitain na magpapanatili sa’king gising hanggang sa kalaliman ng gabi.

At magpupuno ng mga panaginip kong pang Star Cinema Love Story and dating.

Ang bad boy transferee ng St. Bernadette High.

Maniwala Ka SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon