Chapter 3: Just a Dream

80 8 8
                                    

Chapter 3: Just a Dream

"Yeeeeeeeihh!!!"

"Waaaaaaaahh!!!"

Grabe, sakit talaga sa tenga mga tili ng mga babaeng 'to! Tsk! Pero di ko din naman sila masisi, kahit mga teachers naman hindi mapigilang mapatili sa t'wing makikita kami ng mga tropa ko. Sino nga ba naman ang hindi mapapatili sa MP3? Ang Most Popular Trio ng Kenataford Academy. Binubuo ng tatlong most handsome, most coolest, most powerful, most wealthiest, most valuable, most in most at lahat na ng most sa buong eskwela. 

Si Moks Boom, tahimik pero kayang magpaibig ng isang daang babae sa isang titigan lang. Kahit pa madalas yang nakayuko, kitang kita parin ang kapogian nito, mula sa kanyang mapang-akit na mga mata hanggang sa mapupulang mga labi. walang babae ang hindi tatamaan ng palaso ni kupido.

Si Mae...este...Moy Pyo naman, medyo mabaho ang pangalan nya pero kabaligtaran naman ito ng itsura nya. Syempre gwapo din 'tong tropa kong 'to. Medyo maangas nga lang at masungit, pero kahit ganon, tumitili parin ang mga girls kahit sungitan pa nya. 

Pero kahit anong tinik nitong mga mokong na 'to sa chix hindi pa rin nila 'ko kayang talbugan. Ako ang leader e, ang pinaka sa lahat. Kung sa kanila daan-daan, sakin libo-libong girls ang nagtitilian. Aaminin ko, ako ang dahilan kung bakit laging mapanghi ang aming pang-elite na Kenataford Academy. Kasalanan ko ba kung maihi sila sa kilig sa t'wing dadaan ako? Kaya naman namimigay nalang ako ng free diapers para hindi naman masyadong mag-amoy panghe ang pang-elite naming paaralan. 

Kenataford Academy. Ang eskwela para sa mga pinakamayayamang anak mayaman sa bansa. Mga born with a diamond spoon ika nga. Magaganda naman ang mga girls dito pero di ko sila trip. Syempre as usual, commonly, naturally, kornily...ang babaeng magugustuhan ko ay yung plain, hindi kagandahan, nerd, weird, mahirap, hampas lupa at di ko alam kung anong milagro ang nangyare at nakapasok sya sa pang-elite na academy na'to. Iskolar...siguro...malamang. Malakas ang kutob ko na makikilala ko na sya. 

"Ay tae ng kalabaw!" Napatigil ako sa aking paglalakad ng biglang may bumunggo sakin.  "Ouch! How dare you to bump me! Are you deaf? Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Inis na sabi ko.

Bumulong sakin si Moks. "Are you blind? dapat yun..."

"Ssh.. Wag kanang kumontra dyan pogi naman ako kaya ayos lang yun"  Hinarap kong muli ang tontang nilalang na nakabunggo saken. "Sino kang hampas-lupa ka?! Ang lakas naman yata ng loob mong banggain ako?"

"A-ako p-po s-si M-mickan R-rivera po..." Dama ang kaba sa boses nya.

"Uh? Bakit ganyan ang lastname mo? Diba dapat pang korea novela? yung tipong chu, park, lee, yoon, dok, abutsikek,  syongkuayla, mekorikong-kaba akowela. Saka ba-"

"Kilala po kita, ikaw po si Bebong Dantes; ang pinaka-most popular sa buong Kenataford Academy,"    ^_~    

"...binangga kita kase sabi po ng writer e, para daw po magtagpo ang landas natin na magiging simula ng pagtatagpo ng ating mga puso." Nag-puppy eyes pa sya para magpakyut.

"T-talaga?" Medyo nauutal na tanong ko. Parang hindi ako makapaniwala kahit alam kong gasgasado na ang ganitong plot. Tumango naman sya, para talaga syang tuta. Ngayon ko lang napansin na cute din naman pala talaga sya. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, ito na yata ang senyales na natagpuan ko na ang babaeng magpapaibig sakin. Ang pagaalayan ko ng aking buhay, pangarap pagsikap para sa bansang Pilipinas. Dagat ma'y tatawirin, panganib ma'y susuungin. Tubig man at langis, langit man at lupa'y pagtatagpuin. Lahat ay gagawin, magkabila man ang ating mundo. 

N/p: Magkabilang mundo by Jireh Lim.

Magkalayong agwat

Gagawin ang lahat

Mapasa'yo lang ang

Pag-ibig na alay sa'yo

Ang awit na to ay awit ko sa'yo

Sana ay madama

Magkabila man ang ating mundo

"Ikaw na nga," Hinawak ko ang kanyang pisngi. "ang hinahanap ng puso" Hinawi ko ang bangs nya. "Ang siyang magbibigay ng saya ng tamis

At lambing sa buhay ko.." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at konting kembot nalang ay magtatagpo na ang aming mga labi. Napapikit ako, damang-dama ko ang mainit na hininga nya... 

*koo-koo koo-koo*

Napamulat ako dahil sa pamilyar na tunog. Ang alarm clock ko. 6:00am on the clock. Hay... Panaginip lang pala.

L?PNY! (NKI Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon