The End?

42 5 12
                                    

"Ayaw mo ba talaga saken?" Tanong ni Mickan.

Habang ang lahat ay masayang nagpapalitan ng regalo, heto kami, sa isang parte ng Kenataford academy na kami lang dalawa. Nagda-dramahan.

"Hindi naman sa gano'n.." Napakamot pa 'ko sa model ng Head&Shoulders kong buhok.

"Ano pa ba ang kulang sa'kin? Sabihin mo nga? S-saan ba ako nagkulang?" Tuluyan ng bumagsak ang mga basang butil sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko din namang nakikita s'yang ganito kaya niyakap ko nalang sya para kumalma ng kaunti.

Pagkatapos ng ilang segundong pangingibabaw ng kanyang hikbi sa katahimikan sa pagitan namin, naisipan kong magsalita. Korni na e. Para matapos na 'to.

 "Maganda ka Micks... Mabait, magaling kumanta, sumayaw at magdrawing. Nasa'yo na ang lahat. Walang lalaking hindi mabibighani sayo. Kahit ako... Pero.. sa tingin ko, hindi pa tayo handa para sa gano'ng sitwasyon. Natatakot akong baka hindi natin kayanin. Baka sa huli, pareho lang tayong masaktan. Natatakot ako..."

"Duwag ka? Kaya ba ayaw mo ay dahil takot ka? Lalake ka ba talaga?"

"Hindi naman yan ang sukatan ng pagiging lalake. Hindi rin ako duwag. Oo...siguro takot nga ako. Takot akong masaktan...ka." Bumuntong hininga muna 'ko bago tuluyang bigkasin ang huling linya na napulot ko lang sa news feed ko sa Fb.

"Our love is a right thing but at the wrong time.. wait until the right time and everything will be alright."

"Cut!" Sigaw ng direktor. "okay, okay, very good guys."

Nagliwanag ang buong set. Lumabas mula sa damuhan ang mga camera man at iba pang crew at cast. Kung tatanungin mo 'ko kung bakit nasa damuhan sila ay hindi ko rin alam. Trip nila e, walang basagan.

Tapos na ang shooting ng 'Young Love', ang pelikulang naglalayong magbigay ng aral sa mga kabataan. Ang pelikulang magpapakita ng ibat-ibang kulay ng musmos na pag-iibigan. Hay...makakauwi na rin sa wakas.

"Kongrats!" Bati sa'kin ni Mickan. "Galing ng acting mo kanina ah. Apir!" Tumama lang sa hangin ang apir nya.

"Asan nga pala si Eyang, yung F.A. ko?" Tanong ko sa kanya.

 "Ba't siya ang hinahanap mo? Nandito naman ako..."

Umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi nya, sinakop ang buong espasyo ng aking bungo at dumaloy patungo sa aking puso, dahilan para bumilis ang tibok nito.

Parang gusto kong kiligin pero pinilit ko parin ‘yong wag ipahalata.

 “A… e… Syempre, hahanapin pa ba kita e nandito ka na nga? Hahanapin pa ba kung hindi naman nawawala? TunguLungs? Isip-isip din pag may time. Saka F.A. ba kita? Gusto mong magbitbit ng gamit ko? ”

“Sungit mo naman!”

Hindi na ‘ko sumagot. Tumalikod na lang ako dahil pakiramdam ko ay namumula na ang aking pisngi.

“Uuwi na ‘ko..” Sabi ko nalang.

“Bebong...”   Narinig ko ang tawag nya pero hindi na ‘ko nag-abalang lumingon pa. Hindi ko kaya. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at ayokong bumagsak sa harap nya.

“I love you”

Narinig ko yo’n. Dinig na dinig ko kahit mahina lang ang pagkakasabi nya. Hindi ko alam kung paano magre-react. Na-Stun ako. Mga ilang Segundo… Hindi, mga ilang minuto siguro.

This is the moment! Kailangan ko na rin yatang sabihin na... Pero bigla akong natigilan. Parang pamilyar ang mga pangyayari. Hindi kaya ito yung tinatawag nilang Déjà vu?

Paglingon ko...

Kayakap ni Mickan si Eyang.

Bago tuluyang matagpo ang kanilang mga labi... Ayokong ituloy.Hindi kaya ng sikmura ko. Pumikit nalang ako. Naghintay sa pagsigaw ng direktor ng 'Cut', pero tila wala akong narinig.

The End?

Depende kung may hihitit ng katol at mangangahas gumawa ng panibagong sequel ng sequel ng NKI.

L?PNY! (NKI Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon