Chapter 5: Papa Yag

47 6 4
                                    

Chapter 5: Papa Yag

Hindi po sya DJ.Pramis.

Nagising ako sa isang kwartong amoy antibiotic, isang babae na mukhang alalay ang nahihimbing habang nakaupo sa isang mono block. Nakatingala. Nakanganga, kita ang ngala-ngala. Malakas ang hilik at malakas din ang agos ng masangsang na laway mula sa kanyang bibig. 

"Yikes!" Nasambit ko at napabalikwas sya at napatingin sakin. "Oh, gising kana pala." Bungad nya.

"S-sino ka? Do i know you? Do you know me? Sino ako? Who am I? Nasaan ako? Ospital ba 'to? Bakit ako nandito?" Sunud-sunod na tanong ko.

Binatukan nya ko. "Wag ka nga dre! Wala kang amnesia, gasgas na yan e. tsk!"

"Ganun ba? Hehe... Kaw naman, di ka mabiro."  Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad sa kanya...pero biglang naglaho ang malapad na ngiti ko nang may maalala akong isang importanteng bagay...este hayop pala. "Nga pala, nasaan si badang?" 

Sumeryoso ang mukha nya. "Nasa kabilang kwarto, comatosed, malala ang natamong pinsala ng puso nya, kailangan nya ng heart transplant." 

"Pero, malabong makahanap tayo ng pusong aakma kay badang, walang chimiwawa-guinea-pig dito, kailangan pa nating mag-time travel sa 51th century para du'n ipagamot si badang."

"Edi magtravel tayo! Gusto ko yan, i love outing, y'know!"  May kislap sa mga mata nyang sabi.

"Pero hindi yun ganun kadali." Napabuntong hininga muna 'ko bago nagpatuloy. "Kailangan ko ng malaking halaga, pambili ng magic orb na gagamitin ni Madam Damin bilang pangunahing sangkap sa mahiwagang sopas sa malaking kawa na gagawa ng portal patungong 51th century." Bakas ang panlulumo sa mukha ko. "Sa kasamaang palad, hindi sasapat ang pera ko para dun."

"Alam ko na!"  In'abot sakin ni Eyang ang aking phone capsule. "Pumayag kana sa labtim nyo ni mickan, siguradong papatok, kikita ka ng malaki siguradong sasapat na yun para sa magic orb na yan."  Wagas ang ngiti ni eyang, tila ba masaya pa sya sa mga pangyayari.

Nag-isip ako sandali... 

Two seconds later.

"Para kay badang!" Hinablot ko ang capsule sa kamay nya, agad kong pinisil at pagkatapos mapawi ang bughaw na usok mula dito, agad kong dinial si manager sa aking z-os holographic phone. 

"Hello, manager. Payag na'ko..."

L?PNY! (NKI Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon