May mga taong saglit mo lang nakasama .
Pero kahit ganun maraming masasayang bagay kayong nagawa .
Minsan may mga taong magatagal mo ng hindi nakikita .
Pero kahit na kailan hindi mo sila kinakalimutan .
Mahirap umasang magkakatagpo pa kayo ng taong mahalaga sayo na ilang taon nyong ndi na nakita .
Pero sabi nga nila walang masamang umasa .
****
THE HANDKERCHIEF
CHAPTER 1 ...
" Mommy ! San nyo po nilagay yung puti kong panyo ? " tanung ko kay mommy habang hinahalughog yung mga gamit ko .
" Anung puting panyo ? Madami kang punting panyo jan aa . " sigaw ni mommy .
" Yung white na may black dots . " hindi pa rin ako tumitigil na halughugin yung gamit ko . Hindi pwedeng malawa yun .
" Aa . Ewan ko ? Tanungin mo yaya mo . Sya yung nag-aayos ng gamit mo ee . Tsaka madami kang panyo . Iba na lang muna yung gamitin mo . " umalis na si mommy may work pa kasi sya . Tsk ! san ko hahanapin yun ? tae naman !
Nga pala hindi nyo pa pala ako kilala . Ako nga pala si Eunice Salazar . 2nd year collage na sa *** University . Education yung curse ko . Gusto ko kasi maging katulad ni mommy at daddy . Parehas na nga silang prinsipal . Syempre sa mag kaibang school . 17 years old na ko . Single and ready to mingle . Hahaha ! Anladi ko no ? xD
Papunta na sana ako ng school kaso napansin kong wala yung handkerchief ko . Kaya bumalik ako sa bahay . Hinanap ko sa cabinet ko pero wala . Sa study table ko wala din . Dun sa lalagyanan ko ng abubot wala din ! Tsk ! Asan na ba kasi yun ? Kakalaba pa lang yun ni yaya kahapon ee .
Sa totoo lang halos lagi kong ginagamit yung panyo na yun . May sentimental value kasi sakin yun ee . Hanggang ngayon mukha pa din syang bago kasi lagi kong pinapalabhan . Mamahalin na sabong panlaba yung binibili ko para lang sa panyo ko na yun . Ayoko kasing kumupas yun .
Tinigil ko na muna yung paghahanap sa panyo ko . Malalate na din kasi ako ee . Nag hihintay din si manong sa baba . Tss . San ko ba nailagay yun ? Napaka careless ko naman . T^T
--- At school ---
Nandito na din ako sa skul . Buti na lang at wala pa yung prof ko pag pasok ko . Ayokong mapagalitan .
" Oy teh ! Ang aga nakasimangot ka ? Anong meron ? " patatanong ni Jasmin . Si Jasmin bestfriend ko yan . Classmate ko din sya . Na inspire kasi sya sa Kuya nya . Teacher yung kuya nya sa isang Academy .
" Haist ! Nawawala yung panyo ko ee ? " malungkot kong sabi sa kanya . Sabay upo sa upuan ko .
" Huh ? Anong panyo ? " nagtatakang tanong nya .
" Tanga tangahan tayo ? Alam mo naman yung panyo na lagi kong gamit diba . " haist ! Kabwisit tong bruhang ito . Alam naman nya yun ee . Alam nya din kung bakit yun sobrang halaga sakin .
" Ito naman ang HB malay ko ba kung bago na yung favorite mo . "
Hindi na ko nagsalita kasi pumasok na yung prof namin .
Kinuha ko yung notebook ko ng mapansin ko na may nakaipit dun . Teka .
" Yes ! Nandito lang pala ! " napasigaw ako sa sobra saya . At dahil sa pag sigaw ko napatingin silang lahat sakin . Tss. =_=
" Ms. Salazar ! " sigaw nung prof ko .
" Sorry po Sir " napayuko na lang ako sa ginawa kong kakahiyan . Ang gaga ko talaga .
" Oy ! Anyaree ? " natatawang tanong ni Jasmin .
" Nakita ko na kasi yung panyo ko . Nakaipit lang pala dito sa notebook ko. " Pag- eexlain ko .
" Hahaha ! Kala ko kasi kung anung nangyari sayo ee . " tawa pa teh ! Tawa pa . =_=
" Ms.De leon anong nakakatawa ? " whahahaha ! Yare ka ! Nahuli kasi ni prof na tumatawa si Jasmin ee .
" Wala po . " hahaha ! alam ko na yung pakiramdam ya kanina . Hahaha ! nakakatawa .
4 subjects lang kami ngayon . Hindi muna kame umuwi ni Jas gumala lang muna kami . Buti na lang nagdala kami ng damit . Hindi kasi pinapapasok yung studyante sa mall ee . Tsaka baka isipin nila na nag cucuting kame . Ayun bili dito . Kain dun . Lakad kung saan saan . Nakakapagod nga ee .