Bakit ganun ? Lage na lang kami nagkikita nung lalaking yun . Haist ! hindi ko man lang natanong yung pangalan nya . Sana magkita ulit kami ....
-- At the party --
WOW ! Iba talaga pag mayaman noh ! Ang sosyal . Nandito na pala ako ngayon sa birthday party ng kuya ni Jas . Sabe hindi lang daw birthday yung icecelebrate ngayon . Engagement party din daw to ng kuya nya tapos nung girlfriend nya .
" Tara punta tayo kay kuya. " hinila akong bigla ni Jas papunta sa kuya nya .
" Hai Kuya ! " ng makita namin yung kuya nya bigla itong yumakap sa kanya .
" Hello kuya Justine Happy Birthday po. " pagkasabi ko nun bumeso ako kay kuya. Ang bango nya talaga . Hahaha ! ang landi ko . Crush ko kasi si kuya Justine kaso naunahan na ko ng girlfriend nya kaya ayan malapit ng ikasal .
" Pare ! Happy Birthday. " may lalaking dumating at bumati din teka kilala ko toh aa !
" Hi Ms. ! nandito ka din pala. " nagulat sya nung makita nya ko . Nagkita ulit kami nung poging lalaki yung nabangga ko sa mall, tapos yung nag-abot ng sukli sakin sa seven eleven .
" Hindi po. Wala ko dito. " nakita na nga ko tapos sasabihin na andito pala ko . Adik lang ?
" Hahaha ! Magkakilala naba kayo? " biglang nakisingit si kuya Justine .
" Nagkita kame ng dalawang beses pero hindi ko alam yung pangalan nya. " yung lalaki yung sumagot .
" Dalawang beses? " nagtatakang tanong ni Jas . Hindi ko pa kasi nasabe na nakita ko ulit yun sa seven eleven .
" Nagkita kasi kami nun sa seven eleven . Naiwan ko kasi yung sukli ko sa pagmamadali kaya inabot nya sakin. " pag-eexplain ko .
" Ganun? Ito nga pala si Eunice Salazar and my little sister Jasmin . Girls this is Mark Jim Lopez friend ko. " si kuya na ang nagpakilala samin . Teka ! Mark Jim ? edi MJ yung initial nya . Haist ! ito nanaman ako .
" So MJ yung nickname mo? " nagtanong bigla si Jas . Uwaah ! nabasa nya yung nasa utak ko . Good girl !
" Hindi nila ko tinatawag na MJ Jim ang tawag nila sakin. " ha? bakit Jim ? Hindi ba pwedeng Mark ?
" Bakit Jim ? Hindi ba pwedeng Mark? " uwaaaa !!!!!!!! ang galing talaga ni Jas !
" Hindi. " maikli nitong sagot .
" Mga bro ! sorry na late ako ha. may inasikaso lang ako saglit ee. " may dumating ulit na lalaki .Bakit andaming gwapo !!!!!!!!
" Hi girls ! Mark Jayson Cruz nga pala but you can call me Jayson. " bigla syang nakipagkilala samin . MJ din sya .
" So alam nyo na kung bakit hindi namin sya tinatawag na MJ o kaya Mark. " sabi ni kuya Justine .
" Aa ok. " yan na lang yung nasagot namin ni Jas . Habang nagtataka si Jayson sa nangyayari .