CHAPTER 2
Pagkauwi ko inayos ko na yung mga pinamili namin ni Jas kanina . Bigla kong na alala yung nabangga kong lalaki . Ewan ko ba biglang pumasok sa isip ko yun ee . Siguro gwapo kaya hindi ko malimutan . Pero bakit ganun pakiramdam ko matagal ko na syang kakilala . Parang may na aalala ako sa kanya .
" Hoy Eunice ! Ang lalim ata ng iniisip mo aa. " oo nga pala hindi pa umuuwi itong si Jas.
" Yung lalaki kanina. " sabi ko habang nag-aayos ng gamit .
" Anong lalaki? Madami tayong lalaking nakita kanina ee. "
" Yung nabangga ko. " sabay harap sa kanya .
" Ayiee ! Hindi nya malimutan. " panunukso nya .
" Ewan ko ba feel ko matagal ko na syang kilala ee. "
" Ngek ! Don't tell me iniisip mo na sya yung kababata mong si MJ. Naku Nice! Tigilan mo na yan. Naalala mo ba nung hayskul tayo? Yung lalaking Mark Joseph napagkamalan mong si MJ . Yung 1st year college nating classmate napagkamalan mo ding si MJ yun kasi Mike John yung pangalan. Lahat ng may initial na MJ iniisip mong kababata mo. Pati ba naman yung lalaki kanina? " halatang asar na asar na sakin ngayon si Jas . Oo tama sya . Nararamdaman kong si MJ yun . Tss! Bakit ba hindi ko sya makalimutan !
" Hayaan mo na nga lang madami ka ng sinbe ee. " yan na lang yung nasagot ko . Ayoko ng humaba yung usapan tungkol kay MJ nalulungkot lang ako .
******
Nandito ako ngayon sa may seven eleven namimili ng kung anu-anong pagkain . Lalabas na sana ko nun dahil nakabili na ko ng biglang may tumawag sakin .
" Ms. sukli mo po. " may lalaking nag abot sakin ng barya. Teka nakita ko na toh aa sya yung...
" Hahaha! Ikaw ulit. " nagsalita ulit sya . Oo tama sya nga yung lalaking nabangga ko sa mall .
" Hehe! Oo nga ee. " ewan parang biglang lumakas tibok ng puso ko .
" Ito yung sukli mo. Nagmamadali ka masyado ee. " sabay abot sakin . Nagmamadali talaga ko . Tumakas lang ako sa bahay ee .
" Salamat. "
" Pare tara na. " bigla syang tinawag nung lalaki sa may cashier, kaibigan nya ata .
" Sige na mauna na ko . Salamat ulit ha. " tumalikod na ko at naglakad papalayo . Malakas talaga tibok ng puso ko ee . Siguro kinkabahan ako kasi tumakas lang ako sa bahay . Haist ! ewan !