" Ang saya noh ! " sabi nya saken ng hindi lumilingon . Nakatingala sya . Nakatingin sa mga ulap .
" Oo nga ee ! Bukas ulit ? " tanung ko sa kanya .
" Sorry . Pero baka ito na din yung last nating pagkikita ? " this time tumingin na sya sakin na may lungkot sa mga mata nya .
" Huh ? What do you mean ? " takang taka kong tanong sa kanya .
" Bukas na yung flight namin . Sa Canada na ko titira dun na din ako mag aaral ee . " haist ! nakakalungkot naman .
" Ganun ba . " yan na lang yung nasabi ko .
" M.J tara na ! " sabay kaming napatingin dun sa babaeng sumigaw .
" Pano na yan . Sige mauna na ko . Bye na . " pumunta na sya dun sa babaeng tumawag sa kanya . Nag wave na din ako ng kamay .
Yung saya ko kanina napalitan ng lungkot . Ewan ko ba . Hindi naman kami gaanung magkakilala . Hindi din naman matagal yung pagsasama namin pero nakaramdam ako ng sobrang lungkot . ="((
Yun na yung huli naming pagkikita . Araw araw akong bumabalik nun sa park . Inaantay ko kasi baka bumalik sya . Pero miski anino nya hindi ko na ulit nakita .
-- END OF FLASHBACK --
" Baby gising na ! " may narinig akong tumatawag sakin .
" Wui . Baby ko wake up na . " unti unti kong binuksan yung mga mata ko . Si mommy yung tumatawag sakin . Tae ! Nakatulog na pala ako . Hindi man lang nakakain ng dinner kagabi .
" Tayo na dali . Anjaan sa baba si Jasmin . " hinihila na ko patayo ni mommy . Anong gingawa ni Jas dito . Pagkakaalam ko wala kaming pasok ngayon .
Naghilamos na ko . Pag baba ko nakita ko si Jas na nakaupo sa may sofa namin .
" Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ? " wala ng bati bati . Inistorbo nya tulog ko ee .
" Utot po . Utot ang nagdala sakin dito . " oh diba ! Mga bastusing bata .
" Kaya pala ang baho . " sabay takip ko sa ilong ko .
" Hahaha ! Oh ! ito ! " may inabot na invitation card sakin si Jas .
" Anong gagawin ko dito ? " nagtataka kong tanong . Tinatamad kasi akong magbasa kung anong nakalagay ee .
" Kainin mo ! " nakasimangot nyang tingin sakin .
" Hahaha ! Sige nga ! Kainin mo ! " sabay lagay ng card sa bibig nya pero napigilan nya ko .
" Tungunu mo talaga ! Basahin mo kasi ! Bobobohan lang tayo ? " sabay batok sakin . Opo ganyan po kami araw araw .
Binasa ko yung nakalagay sa card . Birthday nga pala ng kuya ni Jasmin . Taray engrande ! Mayaman !
" Ano punta ka ? " tanung sakin ni Jas . Umoo na lang ako . Makikikain lang naman ako ee . Tsaka sa sabado pa naman kaya keri na yun !
Thursday ng hapon pumunta kami ni Jas sa mall . Bibili kami ng gagamitin naming damit sa birthday ng kuya nya . Formal atttire daw ee . Medyo natagalan pa kame kasi madaming magagandang dressed mahirap pumili . Nang makapili na kami nag ikot ikot pa kami . Nagtutulakan kami ni Jas sa daan kasi madaming gwapo ngayon dito sa mall . Kinikilig kami . Ganun talga . Mga malalanding bata ee .
" Aray ! " sa pagkukulitan namin may nabangga kaming lalake .
" Sorry ! " sabay naming sabi . Nahulog yung mga pinamili ko kaya tinulungan nya ko . Nang makatayo na ko tumingin ako dun sa lalake . Shocks ! Ang gwapo .
" Ms. sorry ulit ha . "
" Naku ! ako dapat ang magsorry sayo . Hindi kasi ako tumitingin sa daan ee . Pasensya na ulit . " tae ! nakakahiya ! Si Jas kasi ee .
" Ok lang . Sige mauna na ko . " nagsmile ulit sya sken at lumakad na papalayo .
" Teh ! Ang gwapo noh ! " sabay yakap sakin ni Jas .
" Gaga ! Ang likot mo kasi ! Nakakahiya kaya ! " inalis ko yung pagkakayakap nya sakin .
" Sus ! Kunyare pa ! Kinikilig ka lang ee ! " sige ! Mang-asar pa .
" Ewan ko sayo ! Tara na ! Uwi na tayo . " hinigit ko na sya palabas ng mall . Ang landi kasi ee .