Chapter Four

128 5 3
                                    

Chapter Four

* * * *


"WOOOOH!" Hiyaw ni Karlos nang matapos na siya sa kanyang part para sa prod nila mamayang tanghali. Parang avid fan lang kung makatili at pumalakpak ito sa kanya eh nasa iisang prod lang naman silang dalawa na kasali ang dating nakasama niya sa show na TVK na sina Lyca at Darlene. Natatawang umiling siya ss kalokohan ni Karlos.

Katatapos lang ng rehearxsal nila at mamayang tanghali ay magsisimula na ang show na ASAP. Nagmamadaling bumaba sila sa stage dahil aayusan pa sila sa dressing room atsaka may susunod pa na magbablocking sa stage.

"Galingan natin mamaya!" Sabi pa ni Darlene sa kanila at saka nag-fighting pose. Tumango naman sila sa bata.

"Sige ba!" Ganting sigaw niya saka sinunod din ang pose ni Darlene. Habang pababa sila ay patuloy pa din sila sa kanilang kwentuhan at biruan. At dahil sa mabiro palagi si Karlos hindi talaga mawawala ang tawa nila kahit na umabot na sa pagiging korni ang kaibigan niya.

Ang mga singkit niyang mga mata ay unting nawawala sa tawa to the point na hindi na niya masyado nakikita ang kung ano ang nasa paligid niya ngayon at naluluha na nga siya dito. Agad naman niyang pinawi ang luha, their laughter subsided and that made them quiet for a moment. Nagtaka siya nang wala ni isang nagsalita sa kanilang apat until JK elbowed him.

"W-What?" Medyo hindi pa siya nakamove-on sa kwento ni Karlos sa kanila kaya may konting bungisngis pa sa labi niya. Nakita niyang bumagal ang paglakad ng kaibigan nito.

Hindi sumagot si JK subalit nakanguso lang ito na tila may tinuturo. Sinundan naman niya ito ng tingin at nang malaman na niya kung sino ang tinuro nito ay napatigil siya sa paglalakad at nahuhuli siya sa sa lakad ng tatlo. Nagtaka naman sila Lyca at Darlene sa dalawa kaya dinaluhan nila ang mga kuya nito.

"I said I am not!"

"Woah woah! I have a blushing sister! Niiiice."

Narinig niyang pabirong nagbangayan ang dalawa habang naglalakad ito papalapit sa kanilang apat. Mukhang sila ang tinutukoy kanina na susunod na magbablocking sa kanila. And Darren seemed to freeze on his feet and his brain cells starts to panic all of a sudden at the fact na papalapit ang Legaspi twins sa kanila-- Mavy and Cassy Legaspi.

"Ehem. Darren." Mahinang tumikhim si JK na may halong panunukso sa tinig nito. Hindi halos magalaw ni Darren ang ulo niya upang lingunin ito dahil napukol ang kanyang tingin ng katagpo nila at kahit hindi niya lingunin ito ay sense na niya ang ngisi nito.

Kumapit si Lyca sa braso niya, "Kuya Darren? Okay ka lang po ba? Tulala ka po ata."

Lumapit din si Darlene sa kanya sabay abot sa tenga niya at bumulong, "Kuya, diba si ate Cassy po iyan? Iyong crush mo? Ang ganda po niya!"

Lihim siyang sumang-ayon sa sinabi ni Darlene. Napakaganda nga nito at mas lalo pa itong gumanda na ngayo'y nakita na niya ng malapitan. Tinignan niya ang suot ni Cassy at tama nga siya, si Cassy iyong nakita niya sa rehearsal magkatugma kasi ng suot nito sa nakita niya kanina. Naalala naman niya ang pagngiti nito sa kanya kanina.

Kinagat niya ang janyang ibabang labi pero hindi niya mapigilang hindi ngumiti sa naalala niya. Pambihira. Kinikilig siya.

Yumuko nalang siya para hindi mapansin ng mga ito ang di matagong ngiti niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pasulyap-sulyap siya sa katagpo nilang kambal.

"Ewan ko sayo, Peter! Hmp!"
He saw how Cassy stomped her foot and walked pass by her twin. He also witnessed how red her face is and stormed off. But to Mavy, he appeared to be not affected by her action but smirked instead. May konting gulat sa mukha ni Mavy pero agad iyon napawi and that smirk widened when he finally noticed him. Mukhang ngayon palang sila nito napansin, busy kasi sa pakikipag-asaran sa kakambal nito at ganun din siguro kay Cassy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INTO YOU (CassRen)Where stories live. Discover now