Kabit

12.9K 73 17
                                    


Kabit.

Kabit ang tawag sa mga nakiki-epal sa isang relasyon. Ito ang tawag sa mga taong pumapatol sa isang taong nakatali na sa iba, o kahit hindi pa nakatali - basta sa isang taong pagmamay-ari na ng iba.

Paano ba masasabi na kabit ang isang tao? Kapag aware ba siya na may original at ayos lang sa kanyang makihati sa atensyon ng taong mahal niya? O kapag wala siyang kaalam-alam na hindi siya nag-iisa sa puso ng mahal niya? Kapag ba, puro physical attraction lang? O kapag may involved na feelings? Kapag ba umaasa siya na hihiwalayan ng karelasyon niya ang original para sa kanya? O kapag nagtatanga-tangahan lang siya? Kapag ba may nakukuha lang syang benefits kaya siya pumatol sa taong bawal o kapag isa siyang martyr na handa magbigay ng lahat-lahat kahit walang kapalit?

Ano ba ang tingin mo sa isang kabit? Mang-aagaw? Malandi? Makasalanan? Makasarili? Tanga? Martyr?

Madali para sa atin ang husgahan ang mga tulad nila dahil para sa atin, mali ang ginagawa nila. Kahit saang anggulo mo pa tignan, mali talaga.

Alam ko na hindi lang sila ang hinuhusgahan sa ating lipunan. Halos lahat naman ng uri ng tao ay hinuhusgahan - mayaman o mahirap , babae man o lalaki, hetero o homo, bata o matanda, lahat na. It's because a person cannot please everyone, meron at meron pa ring masasabi na negative tungkol sayo. Isa ding dahilan kung bakit natin hinuhusgahan ang isang tao ay dahil hindi natin maintindihan kung bakit nila ginawa iyon o kung bakit sila ganoon.

I'm not saying na wala tayong karapatang manghusga. Ikaw yan, kung iyan ang nararamdaman mo o naiisip mo, wala na akong paki.

I'm not saying that we should accept cheating. Kahit ano pang baluktot na dahilan meron sila, mali talaga.

Ang akin lang naman......

Naisip mo ba kung totoong pagmamahal ang meron sila? Naisip mo ba kung masaya sila sa relasyon nila? Naisip mo ba kung bakit nagtya-tyaga sila sa may sabit na? Kung bakit pinagsisiksikan nila ang sarili nila sa taong hindi kayang iwanan ang original nila?

Naisip mo ba kung ano ang nararamdaman nila? Iyong...... nasasaktan na siya dahil sa taong mahal niya tapos marami pang galit sa kanya?

" Eh anong paki ko? Ginusto niya iyon, magdusa siya !! "

Siguro iyan ang madalas na reaksyon ng ibang tao.

Paano nga ba sila napasok sa isang magulong sitwasyon? Pinili ba nila o ginusto ang maging isang "Kabit" ?

Pwede naman nilang iwasan hindi ba? It's all a matter of choice. Pero doon sila masaya kaya GO lang sila.

Hindi nyo talaga maiintindihan hangga't hindi nyo nararanasan.

Ako? Hindi ko sila hinuhusgahan. Naiintindihan ko ang sitwasyon na kinalalagyan nila........

Hindi ako nagmamalinis. Hindi ako nagbabait-baitan. Naiintindihan ko talaga. Bakit?

Dahil isa akong KABIT.

------------

Kabit (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon