Chapter One

9.4K 56 19
                                    

i.

.....

Don't play with fire.

Kung ramdam mo na umaaligid sa'yo ang trouble, lumayo ka na habang maaga pa. Play safe kumbaga. Kesa naman mahirapan kang tumakas sa gulo kapag malala na.

Iyan ang pangaral sa akin ni Papa nang unang beses akong masangkot sa gulo noong bata pa ako. Simula noon ay sinunod ko ang payo niya at lagi itong nasa isip ko.

Then how?

Just how did I find myself in this mess?

"How's your food Babe?" Napatingin ako sa boyfriend ko bago ibinalik ang tingin sa plato ko na konti lang ang bawas.

'And how's your wife Babe?' Iyan sana ang gusto kong sabihin, sa halip ay isang mahinang 'Fine' ang lumabas sa bibig ko.

"Okay ka lang ba?"

Isang simpleng tango lang ang isinagot ko.

' Okay lang ba ako?!'

Gusto kong tumawa ng malakas, gusto ko siyang sigawan at sampalin at batuhin ng kung ano mang pwedeng ibato. Gusto ko siyang saksakin ng hawak kong kutsilyo at saka siya tanungin kung okay lang siya. Ang dami kong gustong gawin pero kahit isa doon ay wala akong magawa. Nanatili lang akong nakaupo ng tuwid at nakatitig sa plato sa harap ko. Ang magaling kong boyfriend ay isang napakalaking manhid dahil tuloy pa rin siya sa pagkain habang ang Girlfriend niya ay halata namang wala sa mood para mag-celebrate ng Anniversary.

Ang boyfriend kong ginawa akong tanga sa loob ng isang taon. Ginawa akong kabit sa loob ng isang taon. Sino pa ba ang gugustuhing mag-celebrate ng isang taong relasyong puno ng kasinungalingan?

Hindi ko gustong mag-celebrate so bakit ako nandito ngayon? Bigla akong napatayo at gulat na napatingin sa akin si Drew.

"I have to go. Excuse me. " Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako ng restaurant.

Pagkasakay sa taxi ay agad kong tinawagan ang bestfriend ko.

"Ai."

"How did it go Luna?" Napabuntong hininga ako saka isinandal ang ulo ko sa upuan.

"Di ko kinaya. Iniwan ko siya sa resto." I wonder kung anong ginawa ng lokong 'yun pagkaalis ko. Sinundan niya ba ako o uuwi na siya sa asawa niya.

"Nasabi mo ba? Did you confront him?"

Hindi agad ako nakasagot dahil alam kong magagalit siya sa sagot ko. Bago kami naghiwalay kagabi ay nagpromise akong kokomprontahin ko na si Drew.

"Hayy Luna. What are we gonna do with you, huh?" ramdam ko ang pagkaawa sa boses niya.

"Inom tayo."

"Ha.ha. Kung makaaya akala mo naman umiinom siya ng alak."

"Pwede kong simulang uminom ngayong gabi. Ayoko ng umiyak Aika."

"Okay, okay. Get here fast, nagsimula na ako e."

"Be there in 10. Bye."

.....

"Shit siya, ang sakit!"  Nasuntok ko ang throw pillow sa sakit na nararamdaman ko. Nakaupo kami sa sahig at napapalibutan ng nagkalat na unan.

Napagalitan na din ako ni Aika dahil nasipa ko ang mga boteng wala ng laman.

"Akala ko ba ayaw mo ng umiyak?" Tanong ni Aika habang inaabutan ako ng tissue.

"Ang sakit nga kasi. Ikaw kaya ang lokohin ng lalaking pinagkatiwalaan mo." Binato ko siya ng unan na yakap ko ng umismid lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kabit (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon