"Ano naman pong kondisyon?" tanong ko sa kanila. Nag-abot naman ng isang black folder yung isang lalaki na medyo matanda na.
Agad ko itong binuksan at bumungad sakin ang picture ng sampung lalaki na--mukhang mga barumbado. "Hija, maiwan ka muna namin ha?" sabi sakin ni Lolo Seng at lumabas sila kasama ng mga men in black.
"EXO brothers" yan ang unang nakalagay. Tch, hindi naman mga ka gwapuhan-- pero ayps lang pero ulit, ayoko sa kanila!
"Chanyeol" binuklat ko yung mga pictures niya, ano ba yan ang sagwa puro naka derp! At same time napatawa ako, ang pangit kasi. Haha, marunong daw mag-gitara, matangkad. 19 years old. Yun lang nakalagay, sus wala bang mas interesting dito!?
"suho" pfft, gwapo na sana ito ang pandak naman, maputi siya matalino daw tapos 19 years old din at rich kid! Yun lang, sus pakielam ko ba kung ilan taon na yan? Pakielam ko ba kung ano ang pangalan niyan? Pakielam ko ba kung gaano katangkad yan! Bwiset!
Binuklat ko lang hanggang dulo ng folder at naka-agaw pansin yung G-Dragon, tangna pangalan ba yan? Dragon? Saan lupalop ng mundo yan napulot?
"Don't go near him" nakikipag-gaguhan ba sila sakin? Beware of him? Ganito bang mga tao ang aalagaan ko? Wag na lang, kakain na lang ako ng kamote maghapon at magbibilad sa palayan.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko yung mga men in black kasama sina lolo at lola.
"Hindi ako papayag" sabay bato ko ng folder, ayoko magsayang ng oras kasama ang mga taong yan.
"Please, Spring tanggapin mo. Sa oras na mabago mo sila kahit ano puwede mong makuha kahit magkano"-- sabi ng isang gwapo--matangkad na lalaki, naka white shirt naman siya at black pants. Ngayon ko lang siya nakita hindi siya kasama sa pumasok sa bahay namin. Pero, kailangan nito ng leksyon.
Lumapit ako dito hanggang sa maging magka level ang mukha namin "Sa tingin mo ba lahat ng bagay ay nabibili ng pera?" niyakap ko siya--mabango naman pero sa pagkayakap ko sa kanya binuhat ko 'to at binagsak sa lupa at saka inabot ko ang kanang kamay ko.
"Gago ka ba!?" singhal nito sakin, tangna na 'to naghahamon pa yata ng trashtalk.
"Hindi ako gago, pero ikaw gago" at binigay ko rito ang pinaka-matamis kong ngiti.
"Fine kung ayaw mo di wag, lupa niyo din naman ang manganganib" Huh!? Lupa namin?
"Gago ka ba? Ibig mong---"..., "Oo tama kapag hindi ka pumayag lupa niyo ang magiging kapalit" pag-putol niya sa aking sasabihin.
"Tinatakot niyo ba kami?"
"Hindi, nagsasabi lang ako kung anong kayang gawin ng pamilya namin" pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa maukha ko, porke't ba mayaman sila kaya nilang bilhin lahat!?
"Sige papayag ako baguhin ang mga tao na yan"
Lumapit ako muli sa kanya "Pero wag mong kakalimutan kung sino ang nasa harap mo".., nakita kong at nag smirk siya at sige gwapo siya "Spring, Spring Flame is my name"
Kinuha ko ang black folder at umalis na. Pumunta na lang ako sa dulo ng palayan, meron kasi ditong hindi kalakihang ilog pero malinis, kung minsan dito na ako nagpapalipas ng gabi kapag naiinis ako. Paano nila kami nakilala? Nakakabwisit! Tapos kukunin nila lupa namin kapag hindi ako pumayag.
Hinawakan ko ulit ang folder ngayon ko lang nakita ang logo na 'to "MITSUWAKI GROUP OF COMPANIES?''--- tangna totoo ba 'to?
Napatayo ako, ito yung kompanya kung saan pangarap ko makapasok--balang araw. Pero hinayupak, sila ang may-ari nun!? Kinapa ko ang maliit na dala kong bag at nakalagay dun ang magazine ng Mitsuwaki. Sa pinaka huling pahina nito nakita ko ang litrato nung lalaking mayabang kanina, nakangiti ito na para bang sobrang bait!
Pota ang plastik! Nakakabwisit! ang sarap nila ibalibag! Nakakainis tapos nakakabwisit ulit! Pero alam niyo yun mas nakakainis "SIYA SI WILLIAM TROY FRIDGE?" napalupagi na lang at sumandal sa malaking bato. Siya pala yung taong hinahangaan ko sa pag de-design ng mga jewelries! Sa sobrang inis ko tinapon ko sa ilog yung bag ko!
Kinapa ko yung braso ko at yung bracelet na bigay ni Lolo Sneg!
Tek, wala na, na-aogs na! Sobrang lamig ngayon palibahasa kasi magpapasko na. At dahil sa tinatamad ako dito na ako matutulog.
******
Nagising ako sa sikat ng araw at ngayon ko lang na realize na kailangan ko ng umuwi.
"Lo! La! Nandito na ako" at bumungad sa harap ng bahay namin ang----
"Pota! Nandito na agad kayo!?" tangna! Nandito na kaagad ang sampung lalaki na yun? Wow. Great. Just Great!
"Yan ba? suho tara na bili na lang tayo ng Gucci bags!"
"Siya ba? Tara na lang 'man chicks, wala naman akong mapapala sa isang 'to. Boring ang buhay!"
"Yeol, hanap tayo ng bilihan ng bubble tea"
"Tangna yan ba? Makikipag-basag ulo na lang ako, TOP tara. Pheww!"
Tangna hindi pa nga ako nakaka move-on sa nangyari kahapin nadagdagan na agad ng mga taong ganto! Sige, welcome to my life.
Bright idea! Ang talino mo talaga Spring Flame! Bravo! agad akong lumapit sa gilid ng bahay namin at kinalagan ng tali ang tatlong naglalakihan aso namin.
"AAAAAAAAHHH" sabay-sabay nilang sigaw.
"Sige go lang! Run devil run! Run for your life!" tawa lang ako ng tawa habang sila takbo ng takbo, halos magkanda sala-sala yung mga paa nila sa pilapil! Epic nga nung Suho yata bumaba siya sa likod nung G-Dragon ba yun kaya yun sabay silang nalaglag sa putikan. Yung isa na naka mohoks Taeyang yata mangalan nun, nahuhuli siya tumakbo ang bagal palibhasa kasi ang liit!
Dahil mukhang matatagalan ang palabas umakyat muna ako sa puno at nagsimula ng magtatalak ng tawa!

BINABASA MO ANG
Spring Flame
FanfictionI was born during Spring season, and my surname is Flame then I am SPRING FLAME. Welcome to my simple life--welcome to my crazy life together with this ten boys (c) 2013