Chapter 3

12 0 0
                                    

JENZY POV

Hindi ako makatulog ng maayos. Wala kasi akong katabi eh. Di ako sanay .

Bumababa nalang ako para kumain. Nagugutom na mga alaga ko.

Pagbaba ko nakita ko nagtatalo parin yung dalawa pero sa Sandwich na. Lahat ata ng bagay pagtatalunan nila eh. Di nalang ako lumapit sa kanila kasi gutom na gutom na talaga ako.

Dumiretso na ako sa kusina. Nagtimpla muna ako ng juice tapos kasalukuyan akong nag iinit ng tubig para sa Pancit Canton . Yan lang kasi ang alam kong lutuin e .

Idedrain ko na yung niluto ko ng may narinig ako papalapit sakin. 

Pag lingon ko ....

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH. Magnanakaaaw" sabay naming sigaw

Wait. Sya yung bumangga sakin sa hallway nung nakaraang araw!

"Anong ginagawa mo dito?" sabay parin kami

Grabe. Hindi ko alam magnanakaw pala sya. Ang pogi pa naman nya. YUCK, di na sya pogi ngayon.

"Dito ako nakatira TANGA! Ikaw ang anong ginagawa dito? Magnanakaw ka pala . Grabe!" ako yan

"Asan ang magnanakaw?" biglang sumulpot si Insan at si Jonas

Wushuuu. Buti nalang dumating sila

"Ayan oh!" sabay ulit kami nung magnanakaw

Bakit ba lagi nalang kaming sabay? Lintek naman oh! Tsaka, wow huh! Ako pa ang tinurong magnanakaw.

"Pffffffffffftttttttt HAHAHAHAHHAHAHA" Insan at Jonas

Uso ba mag duet ngayon? o______o 

Ano bang tinataw tawa nilang dalawa eh napasok na nga kami ng magnanakaw . Ang wierd .

Lumapit si Jonas dun sa magnanakaw. Shet, bakit sya lalapit dun?

"Jonas! Wag ka lumapit dyan! Bka saktan ka nyan. Mamaya may dala pala yang baril o kaya kutsilyo!" pinigilan ko si Jonas

"Hoy babae! Anong magnanakaw? Gago ka ba? Sa muka kong to?" sabay turo sa muka nya -_______________-

"Eh kung hindi ka magnanakaw, anong ginagawa mo dito? Sige nga?" ako

Lumapit sakin si Insan at kinuwento kung bakit nandito yang magnanakaw na yan! Cobbie pala pangalan nya. Pangit -___-

Nandito na kami sa living room ngayon

"Pahiya onti bukas bawi" magnanakaw/Cobbie

"Lul. Tumahimik ka dyan ah!" ako

"Ako tatahimik? Hindi pwede. Kakanta pa ako eh" magnanakaw

"Maganda ba boses mo?" ako at nilakihan ko mata ko

"Ah, so hindi mo tlaga ako kilala?" sya 

Makulit din ito eh no?

"Putik! Wala akong kakilalang magnanakaw!" sabay tayo ko para pumunta sa taas. Ayoko na dito -_____-

"TANGA! Ako lang naman si Peter Cobbie Reyes! Ang champion ng Singin Contest sa school last year!" pagmamayabang nya

Wait. Woahh. Sya pala yun. Maganda kaya boses nya? Hindi kasi ako nanonood ng mga ganyan eh

"Oh? Talaga? Amazing. Tch! -__________-" humakbang na ako pagkatapos kong magsalita

"Eh ikaw. Maganda ba boses mo?" magna

Aba! Hinahamon ba ako nito? Gago to ah!

"Shit! Insan, hinahamon ka oh!" insan sabay turo kay magna

"Labanan mo!" sulsol ni Jonas

"Magkakaroon tayo ng deal." tumayo si Magna "Pagnatalo kita sa kantahan magiging alila kita ng isang buwan" sabay cross arms

"At pagnatalo kita?" ako at tinaas ko yung isa kong kilay

"Magiging alila mo ko." sya

"BOOOM! Ayos yan!" Jonas

"Go Insan!" Insan Alvi

Tumingin ako sa kanila. Nagchecheer pa amputik -____-

"SIGE!" sabay tingin ko kay Magna

"Yun!" insan at Jonas

Wait! Shit! Pumayag ako. Lintek, wala ng atrasan to.

Mag-antay ka lang magna , tatalunin kita . Akala mo ah!

"Magkaron din tayo ng deal Allison" sabi ni Jonas

"Ano yun?" insan sabay harap kay Jonas

"Pag si Cobbie ang nanalo ako ang pipili ng kanta pag yang pinsan mo ang nanalo ikaw ang pipili ng kakantahin natin" jonas

Pinagpustahan pa kami -___________-

"SIGE DEAL" excited na sigaw ni insan

Pagtingin ko kay magna nakasmile . Hmm! Sayang talaga kagwapuhan nya!

Aalis na sana ako ng...

"Ay wait! San pala magaganap ang paliksahan?" si insan yan kaya napatigil at napaharap ulit ako sa kanila

"Oo nga" sabi ni Jonas

Di naman halatang excited itong dalawang to no?

"Alam ko na! Sa ---" may sinabi syang mall. May private room daw don na pwedeng rentahan at may videoke sa loob -______- Great!

"Tama! Dun nalang!" Jonas

Putik! Yung ngiti netong dalawa abot tenga. Parang kanina halos magpatayan sila tapos ngayon, aba! Magkasundo na

Ang WEIRD talaga -____-

Biglang tumayo si Magna

"Uwi na ako. See you tomorrow" sa akin sya nakatingin. "Uy bro! Sabay tayo bukas ah!" si Jonas naman kinakausap nya

See you tomorrow? What the, bukas agad? 

Tatanungin ko sana si Magna kaso baka sabihin nya natatakot ako kaya umakyat nalang ako sa kwarto.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

COBBIE POV

Ngayon lang may umo-o sa hamon ko. At babae pa huh! Good luck nalang sa kanya. May magiging alila na naman ako Yes!

*RINNNGGG RIINNGGGG *

May tumatawag

Sinagot ko

"Hello"

"Uy bro, galingan mo bukas! Magpractice ka hah!" si Jonas pala

"Tch. Di na kelangan." ako

"Yabang mo gago!" 

"Haha. Yan lang ba sasabihin mo?" ako

"Oo. Ge bukas nalang"

*TOOT TOOT*

Gago talaga yun! Tumawag lang para dun? Tch . Magpractice daw ako? Huh! Kahit di ako magpractice mananalo parin ako.

Matutulog muna ako para gwapo ako bukas HAHA!

( a/n : Sorry sa boring na POV ni Cobbie XDD Hahha. Thanks readers :* )

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon