PrologueNagawa mo na bang mag tiwala sa unang tagpo pa lang? Yon bang nakausap mo lang saglit, tapos nagkataon pa na pareho kayo ng mga hilig ay binigay mo agad yung trust mo sa kanya? Well hindi yung 'trust' ng brand ng condom ha? Pero yung tiwala mo na iniingatan ng lahat na akala mo mababasagin na pigura na kapag binasag mo ito sa unang pagkakataon ay mahirap ng ibalik? Kagaya nung sakin.
Nakasama ko lang siya sa isang araw, hindi ko namalayan na binigay ko na pala lahat ng tiwala ko sakanya. Eh sino ba kasi yung hindi? Eh halos parehos kami ng hilig sa art at sa iba pang bagay kagaya nang music. Tapos magkasundo pa kami sa ugali– oh diba perfect? Kaya ayon, pati mga sikreto ko alam niya. Kahit yung lalaking gusto ko, kilala niya.
Pero? Sinulot niya.
Iniisip ko pa naman na bestfriend yung turingan namin. Yun pala ginamit lang niya ko.
Ang tanga lang.
Well, buhay nga naman. Ang hirap mapredict.
* * *
Meh. First time po so sorry kung boring.

BINABASA MO ANG
Treacherous
ChickLitCliche but true. Old but new. Everything in here is Treacherous.