Chapter 2

1 0 0
                                    


Nakatayo lang kami nila Kuya malapit sa may entrance. Ayoko ko ngang makipagsiksikan don sa gitna ng mga students don no.

"Tsk. Wala rin na man bagong sasabihin ng mga teachers eh. Pareho pa rin naman silang sinabi last year kaya layas nako dito." sabi ko kila Kuya na nakikinig sa harapan.

Seryoso? Tss.

Tinanguan lang ako nila Kuya kaya lumabas nako ng Gym. Hindi ko rin naman makita sina Louie at Klaire don.

Naglibot libot lang muna ako sa campus hanggang sa mapadpad ako sa bulletin board malapit sa Administrations Office.

"Volley ball team? Masubukan nga." sabi ko habang hinihimas ko pa ang chin ko.

"Bagay ka ron."

Napalingon naman ako sa nag salita. Ba't ang gwapo naman nito? Ako ang kausap niya? Teka.

"Anong sabi mo?" tanong ko. Malay ko ba.

"Uh sabi ko bagay ka-- ron?" turo niya pa don sa poster ng volleyball.

Tinitigan ko lang siya. Bakit ba? Ang gwapo kaya niya. Atsaka wala akong masagot sa sinabi niya. Dapat ba akong mag pasalamat? Like duh.

Tinanguan ko lang siya at di nako nag salita. Wala rin naman siyang ibang sinabi kaya tumingin tingin ulit siya sa bulletin. Siguro transferee to. Ngayon ko lang nakita tong pagmumukhang to eh. At kung kumilos naman akala mo bagong silang na ngayon lang nakakita ng bulletin. Halos pumalit na yong mukha niya sa sobrang dikit niya don eh.

"Alam mo ba kung nasaan ang Bldg. 4 Rm. 1?"

Ha? Ano raw?

"Hm?" tanong ko. Masyado na ata akong nakatitig sa kanya kaya hindi ko napansin na kinakausap niya pala ako.

Which is nakakahiya.

"Alam mo ba kung nasaan ang Bldg. 4 Rm. 1?" tanong niya ulit na nakangiti.

"Ah sa likod nitong building ay makikita mo yung soccer field at harap ng soccer field ang bldg. 4. Makikita mo rin agad yon dahil may sign naman." sabi ko habang nakatingin sa noo niya. Di ko ugali na tumitingin sa mata ng kausap lalo na kapag hindi ko naman kilala.

"Oh thank you. Kanina pa kasi ako nawawala dito eh." sabi niya habang kinakamot ang batok niya na akala mo'y nahihiya.

Napatawa naman ako sa naisip ko. Ang cute lang.

"Ganon ba. Uh sige una nako sayo ha? Hanapin ko pa room ko." hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumalikod nako sakanya.

Come to think of it? Hindi ko pa alam ang room ko! Hindi naman kasi ako tinawagan nila Louie eh! Aish yan ang napapala kapag pinapasa sa iba yung responsibilidad na kailangan ikaw ang gumawa. Katulad ng ginawa ko. Pina-ayos ko kila Louie yung enrollment papers ko since nasa Austria pa kami noong bakasyon. May connections naman siya dito kaya madali lang yung proseso. Palibhasa Dean ang Tita.

Pero kahit na! Tinatanong ko naman siya kung na ayos niya yung pag enroll at sabi naman niya oo. Pero ba't di niya sinabi sakin yung room ko? Aish naman Lou.

Tinawagan ko si Lou at agad naman niya itong sinagot.

"Grey! Nasaan kana? Ba't wala kapa?" tinanong pa talaga niya ha?

"Kung sinabi mo kaya sakin yung room ko eh no? Anyway, anong room ba ako?" tanong ko at huminto ako sa likod ng Bldg 1. Dito sa may soccer field at nakita ko yung nakausap kong lalaki kanina na papasok na sa Rm 1 ng Bldg 4.

"Duh nag tanong ka ba? Well dito sa may Bldg 4. Rm 1. Bilisan mo at may pumasok na gwapo!" tili niya kaya binaba ko na.

Hindi naman sa bastos ako pero ganon talaga ako kapag hindi matino yong kausap ko. Sanay naman sina Lou sakin eh kaya no problemo.

Pero wait? Sabi niya Bldg 4 Rm 1? So ibig sabihin kaklase ko yong lalaki?

Tinignan ko ulit yong Bldg 4.

"Edi wow. Sigurado naman akong siya yong sinasabing gwapo ni Lou kanina. Pero pakialam ko?" sabi ko habang dumadaan sa soccer field. Wala naman nag lalaro so okay lang kahit mainit. Tiisan na lang Grey.

Lagi naman akong nag titiis eh. Lahat tinitiis ko nalang kahit masakit. Laha--

Okay biglang hugot. Nababaliw na talaga ako.

Nakarating na ako ng building kaya dumiretso agad ako sa Rm 1. Pagpasok ko nakita ko agad si Lou na kumaway sa direksiyon ko. Wala si Klaire? Lumapit agad ako sa kanya.

"Si Klaire?" tanong ko habang inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom.

Nakita ko yong lalaki kanina pero iniwas ko agad. Baka kung ano ang isipin non.

"Hindi natin siya classmate eh. Nasa Rm 10 siya. Kinausap ko na si Tita pero di raw pwede. Pero okay lang ang daming gwapo dito eh! At kaklase natin si Kyle Evans!" sabi niya habang tinutulak tulak ako na akala mo naman na pinapaalis mo.

But she's not Louie Alcantara if she's not like that. She used to do that hampas - hampas thing kapag nakakakita siya ng gwapo. Buti nalang sanay nako sakanya.

"Kyle Evans? The MVP?" umoo naman siya na parang kinikilig.

Si Evans? Mukhang magiging maingay tong room nato.

* * *

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon