Chapter 1

3 0 0
                                    


Scarlet Grey Osorio

"Bilisan mo nga diyan, ang bagal bagal."

"Eto na nga o kinukuha ko na yong bag ko o ano pa o-- aray naman!"

Makapang kutos naman to parang hindi babae yung kausap.

"Palibhasa bitter." bulong ko habang nakangisi.

Nakalabas na si Kuya sa kwarto habang ako naman ay inaayos ang suot ko. First day of school ngayon pero hindi ko sinuot yung uniform ko. Bakit ba? Yung mga freshmen nga hindi naka uniform kaya siyempre pati rin kaming mga seniors no.

Huling sulyap sa salamin and done! Palabas nako ng kwarto ng isara ko ulit ito.

Bakit?

Muntik na akong matamaan ng tsinelas! At yung kay Papa pa! Walang'ya tong si Kuya ah!

Mabilis akong bumaba at hinanap si Kuya. At ayon ang langya, pasarap sarap sa pagkain.

Nilapitan ko siya at mabilis na binatukan. At siyempre mas malakas siyang bumatok sakin kaya tumakbo na ako papunta kay Mommy na kasalukuyan na– nag pepedicure?

"Mommy? Kailan ka pang natutong mag pedicure?" tanong ko habang inuusisa yung paa niya. Malinis naman yung pag kulay niya sa kuko ng paa niya. Walang mintis.

"Good morning din Sweetie. Wala namang masama kung i-try ko diba? See ang galing ni Mommy!" sabi niya habang nilalapit niya sa mukha ko yung paa niya na agad na namang inilayo ko.

Minsan iniisip ko na may mental issues si Mommy. Ang childish niya minsan eh.

"Eh diba pumupunta ka naman sa salon para mag papedicure?" hindi niya ako tinignan at abala pa rin siya sa paa niya.

"Alam mo sweetie male- late kana sa first day mo kaya shoo. Lumabas na si Gus kaya sumabay kana sakanya." aniya habang inuusisa yung mga-- ano nga ulit yun? Cutics? Basta yung pang pakulay ng kuko.

Hinalikan ko si Mom sa cheeks and kumaway naman ako kay kay Papa na nanood ng NBA. Boys.

Patakbo akong lumabas at buti nalang hindi pa umalis si Kuya. Akala ko iiwan niya ako dahil sa binatukan ko siya. Ayoko pa naman mag commute.

Pumasok nako sa kotse at umupo katabi ni Kuya na kasalukuyang may kausap sa phone. Sino kaya? Baka si Drake.

Sumulyap sakin si Kuya Gus at sinenyasan niya ako na mag seatbelt na ginawa ko naman.

Pinaandar na ni Kuya ang kotse niya habang nasa tenga pa rin yung phone. Alam niya bang bawal ang mag cellphone habang nag dri-drive? Tsk pasaway.

"O sige kita nalang tayo nina Seph sa parking-- ge bro." binaba na ni Kuya ang phone at sumulyap sakin.

"Hindi kita masasaby mamaya pag-uwi. May pupuntahan pa kami nila Drake. Mag commute ka nalang okay? O di kaya sumabay ka nalang kina Louie."

"Sus sa bar naman ang punta niyo." ganyan talaga sina Kuya Gus. Bar agad ang diretso after class. Mas gugustuhin ko pang ma adik nalang sila sa DOTA.

"Sus sus sus. Mamimiss mo lang ako eh." sabi niya habang ginulo ang buhok ko.

Nag hirap ako sa pag ayos nito! Ugh!

"Aish! Asa ka naman. Nakakasawa na kaya yang pagmumukha mo." sabi ko habang inaayos ulit yong buhok ko. Aish panira talaga tong si Kuya.

Tumawa lang siya habang pinapark ang kotse niya. Nandito na pala kami? Iba na talaga pag may kotse. Tsk dapat mag pabili nako kay Papa. 18 naman ako ah? 1 year gap lang naman kami ni Kuya Gus kaya dapat meron din ako. Hindi porket college na siya siya lang pwede? Tsk hindi pwede yon.

Bumaba agad ako at saka sumunod si Kuya. Tinawag siya nina Drake at Seph kaya lumapit kami. Kilala naman nila ako so okay lang.

"Dude! Buti naman nandito kana. Kanina na pang nag mamaktol tong si Drake." sabi ni Seph habang tumatawa. Sinamaan naman agad siya ng tingin ni Drake.

"Eto kasing si Grey eh ang bagal." sabi naman ni Kuya at umakbay sakin.

Nag make face lang ako at saka tinanggal ang pag kaka-akbay niya.

"Hindi parin talaga nag babago." sabi ni Seph habang ginulo na naman ang buhok ko!

Agad ko naman siyang hinampas sa braso at sinamaan siya ng tingin. Tsk bakit ang hilig nilang manggulo ng buhok?! Meron naman sila kaya guluhin nila yong kanila! Mga pwerwisyo.

"Tama na yan. Pumunta na tayo sa Gymnasium, magsisimula na yung program." sabi ni Drake at nauna nang maglakad.

"Ba't ang sungit non?" tanong ni Kuya.

Nag kibit balikat lang si Seph atsaka sumunod.

"Sabay ka nalang samin. Baka makita mo sina Louie don."

Umoo nalang ako atsaka sumunod sa sakanila.

* * *

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon