Chapter 3

1 0 0
                                    


May pumasok na tatlong clown-- I mean girls na akala mo naman ikinaganda nila ang paglagay ng mga kolorete sa mukha. Seriously? Okay lang naman yung polbos at lip gloss lang ba't kailangan pa ng makapal na make- up?

Eh ba't pinapakialaman ko pa? Tss.

"We're the most lucky girls in here! Kaklase natin si Kyle!" tili nung isa na naka mini-skirt at hanging shirt na may print na 'Cumback is real' with matching 3 inch heels.

Anong Cumback? Diba dapat 'Comeback'?

Cum? Diba yun yong ano-- uh yon basta yon.

"Saan kaya siya uupo? I wish ka-seatmate ko siya!" dagdag pa nong isa na wala naman pinagbago sa suot nong isa. Tag hirap na talaga sa tela.

"Well ako lang dapat makakatabi ni Kyle. So you girls, sa likod ko lang kayo. Got that?" sabi nong-- well medyo matino naman siya sa kanyang suot na skinny jeans though sleeveless top yong suot niya with matching 4 inch heels lang naman. Mahahalata mo talaga na siya yong pinaka leader sa grupo nila. Hm. Queen Bitch.

"Eto na pala yong makakasundo mo eh." sabi ko kay Lou na ikina ngiwi lang niya.

"Mas gusto ko pang maka hang out yong mga geeks kesa sakanila no." sabi niya sabay irap.

Napangisi ako. Exactly.

Girly si Lou pero hindi siya yong tipong lantad yong pagkaka- girly niya dahil sa simple niyang pananamit. Mas prefer niya kasi yong mag jeans with matching flats and any tops na babagay sa suot niya. Hindi niya trip mag shorts sa school. Besides, sa kilos at pananalita pa lang niya halata mo nang girly na girly siya.

Kaya agad silang nakasundo ni Klaire Emily Llego. Intimidating si Klaire nong first day namin last year. Siguro dahil sa suot niya na casual dress matching with Primadonna shoes. Sa kilos pala niya halatang edukada. Wow? Edukada? Eh ang lakas rin man trip non eh. Lagyan ba naman ng suka yung kinakain kong canton? Eh di ka kaya mabaliw don. Pero okay naman siya dahil nga sa kanyang bubbly personality. At mapagkakatiwalaan talaga siya sa lahat ng bagay.

Biglang umingay na naman yong tatlo kaya napalingon kami sa kanila. Di talaga mawawalan sa isang school ang mean girls.

And of course dumating na yong pinaka hihintay ng lahat. The Great Kyle Evans.

At siyempre ano pa ba? Tadtad naman ako ng hampas at tulak tong katabi ko.

"Ano ba Lou! Kumalma ka nga! Akala mo naman papansinin ka non." sabi ko habang hinahawakan ko yong mga kamay niya. Pero langya yinuyugyog naman niya ako.

"Eh kasi naman eh! Ba't kailangan niyang mag pa gwapo?! I mean gwapo na siya pero ihhhh!" sabi niya yinugyog naman ako.

Umiling na lang ako sa kinikilos ni Lou at lumingon naman ako don sa panggulo.

Oo. Panggulo talaga siya. Ginugulo niya ang mga isipan ng mga babae. Walang'yang karisma.

Gwapo siya Oo pero sobra naman ata yong pagiging mahangin niya? Pangiti ngiti pa siya habang papunta sa kanyang napiling uupuan.

Sa harap ko.

Nasa second row kasi kami ni Lou. Kaya nasa harapan ko siya.

Ba't diyan siya nakaupo? Pwede naman siya sa ibang upuan. Magiging magulo at maingay tuloy yong pwesto namin.

At di nga ako nagkakamali.

"Hi Evans! Pwede ba akong tumabi sayo?" sabi nong leader ng tatlo. Queen Bitch.

"Sorry girls pero ayoko ng may katabi eh." sabi ni Kyle sabay wink sa kanila.

Tumili naman yong assuming na akala mo naman may sinabing nakakakilig tong kumag nato. Nag wink lang nag hysterical na? Seriously?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon