Chapter 2

16 1 0
                                    

Nang napahiga na si Matt sa sahig agad akong gumalaw sa kinakatayuan ko at inalayan ko ang ulo ni Matt para hindi ito tumama sa sahig.

Tumingin ako sa paligid ko para humingi ng tulong nang makita ko si Mark, ang kapatid ni Matt.

Tatawagin ko na ang atensyon niya pero sa mukha niya parang nasaksihan niya ang nangyari dahil mabilis siyang bumaba sa hagdan at lumapit sa amin.

"Kuya! Kuya!" sigaw ni Mark habang inaalog si Matt na nakahiga ang ulo sa hita ko habang nakaluhod ako.

Agad niyang kinuha ang dalawang kamay ni Matt at ipinatong sa balikat niya para pasanin siya. Tumakbo na kami palabas ng canteen paakyat sa clinic.

(Sa Clinic)

"Mam! Emergency po!" sigaw ko at ikinwento sakanila ang nangyari habang hinihingal ako dahil inunahan ko nang tumakbo paakyat si Mark para sabihan ang mga nurse.

Agad namang nakahabol si Mark dahil myembro siya ng track and field kaya mabilis siyang nakatakbo paakyat kahit na pasan niya si Matt sa likod niya.

Pagpasok ni Mark ihiniga niya agd si Matt sa kama ng clinic at chineck-up kaagad ng nurse si Matt.

Dinapa ng nurse si Matt at inangat ang polo ni Matt para tignan ang likod ni Matt kung saan tumama ang nahulog na paso.

May isang malaking pasa si Matt sa kanyang batok at nang nakita ito ng nurse agad niyang sinabi kay Mark na tawagan ang mga magulang nila, sabihin ang nangyari at kailangang dalhin si Matt sa ospital ngayon din at ipatingin doon.

Lumabas si Matt sa may pintuan ng clinic para tawagan na ang mga magulang nila habang nakatayo lang ako sa tabi nang kausapin ako ng nurse namin.

"Umupo ka muna at inumin mo ito" inabot niya sa akin ang baso na may tubig at ininum ko ito.

Author's Note:

I'm stuuuuck! o.0

Heeelp!! TT___TT

The Way We Are [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon