Inisip ko ang lahat nang nangyari. Kung pano ito nagsimula. Simula noong pagpasok ko pa lang.
May naaalala akong may sumigaw ng "ingat" pero hindi ko ito sigurado dahil malabo na ang ala ala ko sa nangyari.
Ang alam ko lang ay pagpasok ko napatingala ako at may nakitang paso pabagsak sa ulo ko pero hinarangan ni Matt ang ulo ko gamit ang braso niya kaya siya yung natamaan.
Pero paano naman bumagsak yung paso? Nagkataon lang ba talaga na ako yung dumaan?
Pagtingala ko andoon na sa harapan ko ang mga magulang ni Matt nakatalikod sila sa akin at nakaharap kay Matt.
Maya maya ay may dumating na stretcher. inilipat nila si Matt sa stretcher para dalhin sa ospital.
Tumayo ako para sumama sana dahil nag aalala ako kay Matt. Pero sinabuhan ako ni Mark na siya na ang bahala, I-tetext niya daw ako kaagad kapag nasa ospital na sila at kung ano ang resulta. Hinatid ko sila hanggang sa labas ng school at hinintay na maka alis na sila.
Umakyat ulit ako ng clinic dahil kailangan ko ng letter dahil late na ako sa klase ko sa hapon.
Bigla akong nahilo at sumakit ng sobra ang ulo ko. Bumagsak ako sa sahig ng clinic at inalalayan naman ako agad ng nurse ng school namin at ihiniga sa kama ng clinic.
****************************************************
//After 2 Hours//
"Oh gising ka na." - Nurse J.
Hindi ko siya sinagot dahil medyo nahihilo pa ako at wala pa sa lagay na makakasagot ako dahil bangag pa ko satulog ko.
Inabutan niya ako ng gamot at tubig para sa sakit sa ulo ko. Kinuha ko ito sakanya at ininom.
Binigyan niya ako ng papel na sent home para umuwi na ako at magpahinga dahil baka atakihin ako ng asthma ko.
Kinuha ko ito sakanya pero ayoko munang umuwi. Mas gugustuhin ko pang manatili sa school kasya umuwi.
Pero wala ako sa lagay para maglakad lakad. Kaya nagpasya na akong umuwi na lang.
(Sa Bahay)
Pag bukasko pa lamang nang pintuan ay sumalubong na sa akin ang titako.
"Bakit nandito ka!?"
"Nahihilo pa ako. Sent home ako."
"Sent home?! Naginarte ka nanaman no! Hilo? Maya maya ay mawawala din yan! Kaartihan mo!"
Hay nako ano bang mawawala sakanya kung umuwi ako? Hindi naman siya ang nagbabayad ng tuition ko.
Huminga ako ng malalim at dinaanan ko na lang siya pa-akyat sa kwarto ko. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko habang dinadaanan ko ang tita ko.
Pag dating ko sa kwarto ko nag palit na ako ng damit pang bahay at uminom muna ng gamot para sa uloko at isang gamot na pinapainom sa akin lagi ng mama ko, bago matulog.
***************************************************************************************************
Nagising ako ng 2 ng madaling araw at nagutom dahil hindi na ako ginising ng tita ko para kumain.
Ang titia ko ang nag aalaga sa akin dahil nasa abroad lagi ang aking mga magulang. Dito na din pinatira ng tita ko ang dalawang anak nita. Si Melissa at Ken. Kasing gulang ko lang sila at pumapasok din sa paaralan ko ang Bae University.
Umakyat ako ng may dalang jar ng cookies at isang baso ng gatas. Ginawa ko na ang mga homework ko para bukas dahil tuloy tuloy ang tulog ko kanina.
*Riiing~ Riiing~*
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Mark. Agad ko itong sinagot.
- Hello?
- Meari! Buti gising ka pa!
- Ah oo.
- Pasensya na hindi ako nakatext sa iyo kanina dahil ang dami kasing ginawa sa ospital. Pero ok na si kuya huwag mo nang problemahin pa.
- Ganun ba. Salamat naman. Pwede ba akong bumisita bukas?
- Pwedeng pwede! Papasok ako ng school bukas. Sabay na lang tayo pumunta sa ospital.
- O sige. Salamat ulit.
- Walang anuman.
At binaba ko na ang tawag.
Author's Note:
Updated!
Thankyou po sa lahat ng nagbabasa ng story ko!!! :D
Bansai!
BINABASA MO ANG
The Way We Are [On-Hold]
Novela JuvenilPagkatapos makaranas ng isang painful breakup, nagbago lahat ng katauhan niya. Ang noong mabait ay sumama. Ang madaming kaibigan noon ay nag-iisa na lang. Nang maka move on na siya sa ex niya nag kakaroon ng araw na mawawalan siya ng gamit niya at p...