KABANATA II

16 0 2
                                    

Kabanata II

May napupusuan ka ba


Nasa loob ako ng silid-aralan. Nagbabasa ng libro at kung ano ano pa. Gusto ko lang manlibang para may magawa naman ako. Nakita ko rin na may kana kanya rin ginagawa ang mga kaklase ko. May nagbabasa, naglalaro, nakikipagkwentuhan at kung ano ano pa. Nagsimula nanaman ako magbasa ng kahit ano habang hinihintay an gaming guro na dumating. Nakita ko naman na pumasok na ang grupo nila Gab at mismong si Gab. Naguusap sila papasok at ng nagtama ang mata naming ay agad ako nagiwas ng tingin sabay balik ulet sa libro na aking binabasa. Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin kong medyo huli na ang aming guro sa pagpasok sa aming silid-aralan. Akmang tatayo n asana ang president ng aming klase para puntahan an gaming guro ng biglang pumasok ang isang mukhang matandang na guro. Hindi man siya ang aming guro para sa una naming klase pero nagsibalikan pa rin ang aking ga kaklase para magbigay galang na rin sa pagpasok niya.

Nag lahat kami ay nakabalik na sa aming upuan ay nagsalita na siya. "magandang araw sa inyong lahat!" bati nito sa amin. "magandang araw rin po" aniya naming. Tumango lamang siya. "Wala ang iyong guro sa ngayon at may inaasikaso pa siya kaya ako muna ang papalit sa kanya sa araw na ito. May problem aba don?" aniya. "wala po" sabi namin. Napailing na lang ako. "ngayonipapakilala ko sa inyo ang mga bago ninyong kaklase" napatingin siya sa pintuan na pinasukan niya at tinawag isa isa... Lahat kami napunta ang atensyon sa mga pumasok. Madami dami rin sila, mga babae at lalake. Yong isa maganda pero mukhang mataray, yong isa naman maganda rin, sweet, makulit at mukhang matalino tingnan, yong isa naman ay sakto lang pero may tinatagong ganda, yong isa naman na lalake ayu matipuno at gwapo, yong isa naman ay gwapo, matangkad, ang ganda ng mukha... at yong isa naman ay matangkad, gwapo at halos perpekto na tingnan. Isang napakagwapong lalake. Nakuha niya ang atensyon ko lalo na dahil sa mata niya, maganda, nakakaakit, malalim tingnan, kulay brown at mahaba ang pilik mata. Hindi ko namalayan na sa sobrang titig ko sa kanya ay nakatitig na rin siya sa akin, Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Ako ba talaga ang tinitingnan niya o yong babae sa liod ko? Jane naman! Wag masyadong assuming! Masakit masaktan. Hay naku! Kung ano ano nanaman lumalabas sa isip ko.

Nagsimula na ang bulungan ng mga tao, sa sobrang ganda at gwapo ba naman nila, hindi na ako magtataka kung makilala sila agad sa unibersidad na ito. Hindi ko namalayan na nagsalita na pala ang guro. "Nakikita niyo naman ang baguhan natin. Magaganda at gwapo, para makilala natin sila ng husto..." bumaling siya sa mga bago. "magpakilala kayo" tumango lamang sila at binigyan ng daan ng guro ang isang babae para makapunta at makasalita sa unahan.

":Hi! Venus po" ngiti niyang sambit. "Hi! Minerva po ang pangalan ko. Sana maging magkaibigan tayong lahat" masayang wika nito. Sumunod yong isang babaeng na para bang babaeng bersyon ng lalakeng tinitingnan ko kanin. "Hello po sa inyo.. Diana nga pala" sabay ngiti nito.

Sumipol ang ibang lalake at nagtawanan ang iba. Maganda ang mata ni diana katulad ng lalakeng tinitingnan ko kanina. Baka naman magkapatid sila? Tapos na magpakilala ang mga babae at alam kong pakatapos nila magpakilala ay madami ng nagkakagusto sa kanila lalo na't magaganda naman talaga sila. Sunod naman yong mga lalake na. Nauna yong matipuno at medyo gwapo magsalita. "Hi! Ako nga pala si Vulcan" sabay ngiti niya. May narinig akong tumili at bulong bulongan na sabing 'ang gwapo daw' sunod naman ay yong gwapo, matangkad na lalake, halos parehas lang sila nong lalakeng tinitingnan ko kaso lumamang lang talaga yon dahil sa ganda ng mata. "Mercury" sambit nito sabay tango. Mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae. Pero ito ang mas grabe, hindi pa nagsasalita yong lalaking maganda ang mata ng biglang lalong lumakas ang bulong bulongan nila, usap usapan, tilian ng mga babae kong kaklase. Napatawa naman ang guro. "Mukhang madami agad nagkakagusto sayo ah" sambit nito, ngumisi lamang yong lalake. "Apollo nga pala" sabay ngiti niya at lalong lumakas ang tilian. Apollo? Yan pala pangalan niya.

"Pasensya na nahuli ako" sabi nong isa na mukhang baguhan pa lang at hingal na hingal nong pumasok. Nagbulongan ulet ang mga kaklase ko. Tumango ang guro sabay sabing "magpakilala ka" tumango yong lalake. "Mars" sambit nito na siyang nagpatili sa madla.

Recess ng usap usapan pa rin ang mga bagay bagong transferees at kaliwa't kanan sila ay pinaguusapan, hindi ko naman sila masisisi dahi sadyang gwapo at magaganda sila. Inaayos ko ang mga gamit ko at hindi ko namalayan na may lumapit nap ala sakin. Patuloy pa rin ako sa pagaayos ng gamit.

"Hi! Pwede makipagkaibigan? Ako si Diana!" sabay ngiti nito. Sa ngayon sa kanila na nakatuon ang atensyon ko. "Minerva nga pala" "Venus" Isa isa nilang pakilala. Ngumiti rin ako. "Jane" tpid kong sabi tumango naman sila. 'Ganda naman ng pangalan mo" sambit ni Diana "Yong pangalan ko lang" sabi ko dahil yon naman talaga ang totoo "maganda ka rin naman" sambit ni Venus sabay ngiti. "salamat, kayo lang nagsasabi sakin nyan" ngumiti lang sila. Maya maya pa'y dumating na rin ang mga lalake pero isa lang nakatuon ang mata ko. Kay Apollo...

"Mars" "Vulcan" "Mercury" parang may kakaibang ngiti ito. At ang huli... "Apollo" sabay tango niya sakin. Hindi talaga maalis ang tingin ko sa kanya. 'jane nga pala" sabi ko ulet. Tumango naman sila. "Pwede bang gabayan mo kami mamayang ng uwian? Sama sama tayo!" sabi ni Minerva sabay ngiti. Napaisip ako. Baka naman dahil doon magkakaroon na akong kaibigan. Ngumiti ako sa aking naisip.

(dyos at dyosa)

"Apollo ano ba! Nakatunganga ka na lang ba jan?!" wika ni Aphrodite. Napatingin ako kay Apollo na nakatingin ng maigi kay Jane. Teka lang...hindi kaya may gusto ito kay Jane..? hmm... Napatingin sa banda naming si Apollo at tumango. Lumabas kami ni Apollo para kumain at iniwan ang iba sa loob ng silid-aralan. Nang kasama ko si Apollo ay masyado siyang tahimik hangang sa makabili kami ng pagkain ay ganon pa rin siya. Ilang sandal pa ang katahimikan ng bigla siyang nagsalita. "Posible kayang ang katulad natin ay magkakagusto sa...isang tao lamang?" tanong niya bigla. Nagulat ako.kahit mismo ako hindi ko masagot ang tanong na yan kahit nga ako nahihirapan e.

"bakit mo natanong yan Apollo? May napupusuan ka ba?" sagot ko naman. Umiling lang siya. Nakita kong dumating na si Aphrodite at ang iba kasama si Jane. Masaya silang lahat at hindi ko mapigilan na mapangiti kapag nakikita si Jane. Masaya ako na nakikitang masaya siya.

"Jane!" sigaw ng isang babae, may mga kasama siya at lumapit sila ng bahagya kay Jane. "bakit?" nagaalinlangang tanong ni Jane. "Ikaw baa ng sumira ng libro ko?!" sigaw ng babae. "huh? Wala akong alam!" Wag mo akong lokohin! Sino pa ba ng gagawa niyan?! Eh ikaw lang naman ang walang kwentang tao na nakilala ko na posibleng gumawa nyan!" sigaw nito. Sa mukha ni Jane ay para na siyang iiyak. Napatayo kami ng sabay ni Apollo. "Excuse me lang ah! Walang kwenta? Baka ikaw? Sinisisi mo siya sa salang hindi naman niya ginawa!" aniya ni Athena. Napatingin naman yong babae kay Athena. "Ikaw naman! Isa ka rin walang kwentang studyanteng bago! Kaya wag kang magpatapang tapangan na akala moa lam na lahat! Feeling maganda!" aniya. "bakit?! Tingin mo maganda ka?! Oh please... mukha ka ngang unggoy e!" sabat ni Aphrodite.

Nagtawanan ang lahat ng estudyante na naroon at nasaksihan ang pangyayari. Nakita ko ang inis sa mukha nong babaeng kasagutan nila samantalang umiiyak pa rin si Jane habang nandon si Artemis para alalayan siya. Unti unti kaming lumapit ni Apollo para matigil na sila at nakita kong tiningnan ni Artemis kami ni Apollo na nakataas ang kilay. Tiningnan ko si Ares, ngumisi lang siya at bumaling ang tingin saamin ni Apollo sabay baling ulet kay Jane. May balak nanaman siguro ito... tinaas niya ang kanyang kamay at pinitik ito kaya ang nangyare ay biglang tumayo si Jane galing sa kanyang upuan at lumapit don sa babae. Nagulat ang babae sa kanyang pagtayo na para bang hindi niya inaasahan ito.

"Ano ba problema mo sakin Anne?! Parati na lang ako! Wala akong ginagawa sayo! Hindi ko lubos na maisip kung ano ba talaga ang problema mo sakin! Nagsimula lang ang lahat ng naging kaibigan ko si Gabriel o mas lumala pa don!" sigaw niya. "Hindi ka niya tinuring na kaibigan hiprokita ka! Wag kang feeling jan!" ngumisi lang si Jane. "Yon na nga e. hindi naman niya ako tinuring na kaibigan, ano pa ba ang pinuputok ng butsi mo?" napatigil yong Anne at naging tahimik ang mga tao sa paligid. "gusto mo siya, sayo na siya at wala akong pakielam! Saksak mo pa sa baga mo!" sabay alis niya. Ngumisi lang sila Hephaestus, Aphrodite, Athena, at Artemis sabay sumunod kay Jane. Lumapit naman ako kay Ares at tinapik siya habang tawa ng tawa sa nangyare. Buti na lang at ginawa niya yon. Sumunod kami nina Ares at Apollo sa kanila at iniwan yong Anne na nakatunganga at hindi makapaniwala sa nangyari, tahimik pa rin ang mga tao at nagsimula na magbulongan.

Ilang Sandali [Mythology Boys series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon