kabanata IV
Mahal kita
Lumipas ang isang buwan at ganoon pa rin nangyari. Pero ito lang ang masasabi ko, sa loob ng isang buwan don naman kami parati naguusap at nakikipagkwentuhan ni Apollo. Nong unang tatlong buwan ay puro tinginan lang kami, ngayon ay nagagawa na naming magusap. Masaya ako, lalo na ng napagtanto ko ang nararamdaman ko sa kanya.
"Apollo!" Kausap ko si Apollo tungkol sa mga bagay bagay. "bakit?" aniya. "tawag ka ni..." napasulyap muna si Mercury sakin bago ibaling kay Apollo. "basta sumama ka kay Vulcan" tumango lang si Apollo at tumingin sakin sabay ngiti at umalis na. Ngayon ay natira na lang ay si Mercury at ako. Walang nagsasalita sa amin. "dalawang buwan na lang pala" bigla niyang sinabi, nagtaka ako sa sinabi niya. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.
Sa sumunod na araw ay naghahanda kami para sa nalalapit na pasko. Abala ang lahat sa paglalagay ng mga dekorasyon sa loob ng silid-aralan. Yong iba ay masasayang nakikipagkwentuhan at kung ano ano pa. Masaya na rin ako. Isang buwan na lang at pasko na.
"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Apollo. Ngumiti lang ako at tumango. Magkasama kami ngayon, punong puno ng pawis ang noo ko. Pinunasan niya ang pawis sa bandang noo ko. Seryoso siya habang ginagawa yon. Lumakas ang tibok ng puso ko. "Ingatan mo ang sarili mo lalo na kapag wala na ako" napatigil ako. Ano ibig niyang sabihin? "Anong sinasabi mo?" ngumiti lang siya sakin pero may halong lungkot sa mata niya. Kinakabahan tuloy ako.
Dalawang linggo na lang at pasko na. Masaya ang lahat dahil sa nalalapit na pasko pati na rin ako pero sila venus at ang iba pa kasama si Apollo, habang tumatagal ay mas lalong nalulungkot sila. Isang beses ng tinanong ko sila at ang tanging sagot nila ay "Wala jane, May natandaan lang kami." Aniya ni Venus. Ano kaya ang natatandaan nila? Hindi ko na tinanong dahil hindi naman nila sinasabi at ayaw ko naman silang pilitin.
Dumating ang araw ng Christmas party namin sa sarili naming paaralan, masaya ang lahat. Nagbigayan ng regalo. Masaya sila Venus pero alam kong panandalian lamang.
Hangang sa isang beses...
"Jane may ipagtatapat ako sayo" aniya ni Apollo
Lumakas ang pintig ng puso ko...
"Jane, Mahal kita"
(dyos at dyosa)
"tito, pinatawag niyo daw po ako" sabi ko. Bumalik ako sa aming lugar para makausap si tito Zeus. "oo Apollo" sabi niya bago humarap sakin. " Alam ko ang mga kaganapan sa lupa at ang nakikita ko sayo ay nagkakagusto ka na sa isang mortal" napayuko ako.sa sinabi niya. Tama siya. "Wala na bang ibang paraan para maging pwede kami?" aniya ko. Umiling lang siya. "Alam mo naman Apollo na hindi pwede ito sa atin na ang dyos ay dapat lamang sa dyosa at ang dyosa ay sa dyos lamang, pero kung sakali man, pwede mo yon labagin pero may kapalit..." napatingin ako sa kanya. "hindi ka na magiging isang dyos at magiging isa ka ng mortal, hinding hindi ka na makakabalik dito kahit kalian." Mahal ko si Jane pero ayoko talikuran kung saan ako nagmula. Anong pwede kong gawin?
Sa nakalipas na araw ay alam naming lahat na alam ni Jane na malungkot kami pero hindi naming sinasabi sa kanya ang rason lalo na ngayon na malapit na kaming umalis. "mamimiss ko siya" sabay iyak ni Athena. Tumango kaming lahat at walang magawa. Dumating ang araw na Christmas party naming, masaya ang lahat. Napagdesisyon ko rin na yong araw na iyon ay aaminin ko na sa kanya ang totoo. "Jane, mahal kita" binalot ng katahimikan, tanging ihip ng hangin at tunog ng ibon ang naririnig. "p-paano?" nauutal niyang sinabi. "hindi ko alam pero bigla ko na lang ito naramdaman" biglang tumulo ang luha niya na agad ko naman ito pinunasan. "may ipagtatapat ako sayo". Ito na..dapat niya itong malaman.
BINABASA MO ANG
Ilang Sandali [Mythology Boys series #1]
Proză scurtăIlang sandali sa ating buhay. Hindi natin alam kung kailan siya darating. Akala mo siya na..hindi pa pala. Ilang Sandali tayo nagmahal..hindi natin alam kung hangang saan lang o hangang kailan lang. Sa maikling panahon na nagsama, nauwi sa pagmamaha...