Simula

64 2 2
                                    

Simula

Tulungan natin siya

"Ang panget mo naman! Ang bobo mo pa! sinalo mo na ata lahat lahat ah!"

"Feeling maganda kasi yan tuloy ang nangyari!"

"gold digger pa! pwe! Gagawin talaga ang lahat para makuha lang ang yaman na inaasam"

Sa unang araw ng pasukan ito agad ang insulto na naririnig ko sa bawat hakbang ko papunta sa aking silid-aralan. Wala akong nagawa kundi hayaan na lang sila. Oo, masakit minsan pero hinayaan ko na lang sila. Anong magagawa ko? Kahit hindi naman talaga totoo. Hindi yaman ang habol ko kay Gabriel kundi pagkakaibigan pero hindi ko naman alam na pinaglalaruan lang niya ako at pinagtatawanan dahil hindi naman talaga kaibigan ang turing niya sakin kundi isang laruan.

Isang araw na nasa silad-aklatan ako at nagbabasa ng isang libro tugkol sa mga dyos at dyosa. Paborito ko talaga itong libro. Iniisip ko kung totoo talaga ang mga ito pero hindi naman talaga totoo. Lumapit sakin si Gabriel at kasama ang mga barkada niya na nakangisi sakin na para bang may masamang balak. Napailang na lang ako. Binaba ko ang libro na aking binabasa na naramdaman ko ang presensya niya sa harap ko. Tiningnan ko lang siya para hintayin ang sasabihin niya.

"Hi jane!" ngumiti siya sakin na para bang may masamang balak

"Hi rin. Bkt pala? tanong ko

"wala naman. Makikipagkaibigan lang." aniya

"sige" tumayo siya sakin at lumayo na kasama ang barkada niya.

Ng makalabas sila ng pinto ng silid-aklatan, kitang-kita ko pa rin ang tawanan at pag high-five niya sa mga barkada niya. Ako siguro pinaguusapan nila. Binalik ko ang aking mata sa libro na aking binabasa. Wala naman masama kung makikipagkaibigan siya sa akin. Wala naman yon kaso sa akin. Wala naman akog ginagawang masama.

Dumating ang araw na pakatapos ng klase ay hinihintay ako ni Gab na lumabas at sumabay na pauwi sa kanya. Kitang kita ko ang galit at inis sa akin ng mga babaeng estudyante habang kasabay sa paglalakad kay Gabriel. Nagkibit balikat na lang ako sa nangyari. Siguro tinotohanan niya talaga ang pagiging pagkaibigan namin. Kaibigan nga ba?

Sa sumunod na araw yan rin ang nangyari hangang sa dumating ang araw na ako ay laman ng balita sa buong paaralan na puro hindi katotohanan.

"masyado kasing feeling! Akala naman papatulan siya ni Gabriel!"

"Hindi naman sila bagay e!"

"Tingin ko pinaglaruan lang siya ni Gabriel!"

Yes! Tama kayo. Pinaglaruan at niloko lang ako ni Gabriel. Isa siyang playboy at hindi siya makikipagkaibigan sa katulad ko. Mahirap, hindi matalino at higit sa lahat ay panget. Hindi katulad ni Gabriel. Mayaman, gwapo, pero matalino? Hindi lang ako sigurado.

Akala ko pagkatapos ng taon at bakasyon na ay makakalimutan na nila ang tugkol sakin. Pero nagkakamali ako. Dahil kahit halos dalawang buwan ang bakasyon at ngayon pasukan na at unang araw pa ng klase ay hindi pa rin nawawala ang balita tungkol sakin. At wala na akong magagawa don.

Dire diretso ako umakyat ng hagdan papunta sa aking silid-aralan kahit pinatitinginan ako ng mga tao at nagbubulong-bulongn sila. Ng makarating ako sa aking silid-aralan at umupo sa may bakanteng upuan. Napansin kong medyo maaga pa ang oras at konti pa lang ang estudyante sa loob na may kanya kanya silang ginagawa. Ilang minuto ang nakalipas na pinagdesisyon kong umidlip muna sa may armchair ng aking upuan habang hinihintay ang aming guro sa pagdating.

Ilang sandali may naramdaman ako na para bang tinamaan ako ng bola sa aking ulo. Napagising ako at napahikab dahil sa antok na aking nadarama. Napatingin ako sa bolang tumama sa aking ulo at tumingin sa unahan. Nakita ko si Gab kasama ang mga barkada niya. Nakaupo sila sa unahan ko at yong isa ay nakaupo pa sa armchair. Kinuha nito ang bola na tumama sa aking ulo at lumingon sa akin.

"bawal matulog sa klase" aniya sabay ngisi niya.

Tumngin lang ako sa kanila at nakita kong umirap at inikotan ng mga babae ako at may narnig akong nagsabing 'buti nga yon sa kanya'. Ilang sandali ang nakalipas at dumating na ang aming guro. Nagsibalikan sila sa kanilang upuan at natuloy na ang klase.

Ako nga pala si Jane Merrie G. Alleje. Isang grade 12 student. Labing pitong gulang pa lamang at pumapasok sa isang malaking unibersidad bilang isang scholar lamag kaya kailangan kong magaral ng mabuti para hindi mawalan ang scholarship ko kahit medyo nahihirapan ako sa pag-aaral.

Ito ang buhay ko...

(dyos at dyosa)

"kawawang nilalang, kawawang bata"

Nakatingin kami sa isang malaking salamin at nakikita ang mga kaganapan at pangyayari sa lupa. Pero isang pangyayari lang ang natuonan ko ng pansin.

"Ano gusto mong gawin natin sa batang yan Zeus?" tanong ng aking kapatid na si Poseidon. Napailang na lang ako at napaisip sa sinabi niya. Paano kaya? Gusto ko talaga siya tulungan e.

"Zeus! Zeus!" nagulat ako sa sigaw ng aking asawa na si Hera. Galit at mukhang nagseselos nanaman. "may problema nanaman ba?" inosente kong tanong. "wag mo ako idaan sa pa inosente mong yan! Ano? May babae ka nanaman ba?! May nagustuhan ka nanaman ba at pupunta ka sa lupa? Haa?!" masyado talaga itong selosa. Natawa naman ng malakas sina Poseidon at Hades.

"Hindi sa babae yan! Sa bata! HAHAHA!" aniya ni Hades "bata?! Sa bata ka papatol?!" sigaw ni Hera. "tutulungan lang naman e..." aniya ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Hera habang si Poseidon at Hades ay patuloy pa rin tumatawa. "anong nangyayare dito?" dumating ang isa kong kapatid na si Hestia. "Si Hera kasi, nagseselos nanaman" sabay tawa ni Hades "Hindi mo ako masisisi Hades! Ginawa na yan ni Zeus noon pa man!" giit ni Hera. Tumaas ag kilay ni Hestia. "May tutulugan lang ako" giit ko.

Napatingin ako ulet sa malaking salamin kung saan nakikita ko ang isangbatang babae na inaaway ng ibang bata. Napatingin na rin silang lahat sa akingtinitingnan. "Tulungan natin siya." Aniya ni Poseidon. Tumango ako. "Pa! SiAthena po!" sigaw ni Hermes. Dali dali kaming pumunta sa kinaroroonan nila paramalaman kung anong nangyari. 

Ilang Sandali [Mythology Boys series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon