Stupid love

83 1 3
                                    

hindi ko inakala na magkakaroon ako ng gantong pakiramdam sa tuwing nakikita ko siya, para bang nagslo-slow motion ang buong paligid kapag pinagmamasdan ko ang kanyang mga ngiti, ang singkit netong mata sa tuwing siya ay tumatawa, ang moreno netong balat at ang medyo kulot netong buhok.

sa mura kung idad at isipan hindi maalis saaking isip ang salitang.
"Crush ko siya."
paghahanga ngaba o pagmamahal na ang nararamdaman ko sa kanya.

sa mga araw na nagkikita kami sa palaruan, hindi maalis sa aking mga mata ang lalaking aking hinahangaan.

magaling sya sa larong Volleyball at hanga ako sa galing nya sa paglalaro neto.

ninais ko man syang lapitan ngunit laging may halong takot at hiya ang aking nararamdaman.

"baka hindi nya ako pansinin, o baka naman ayaw nya saakin."

natatakot akong baka hindi nya ako magustuhan, isang batang babae na hindi naman kagandahan, gusgusin at iyakin, mahina din ang damdamin pero alam ko sa sarili ko na gusto ko sya, at gagawin ko ang lahat para magustuhan din nya ako.
kaya lagi nalamang akong naka-upo sa malaking bato pinapanood ang lalaking hinahangaan ko.

lumipas ang mga taon at ako ay tumungtong sa Highschool.

kasama sya sa inspirasyon ko sa bawat araw na lumilipas.
ngunit matagal na panahon nadin kaming hindi nagkikita, tinatanong ko sa sarili ko.
"Kamusta na kaya sya?" "Ganun padin kaya ang itsura nya? may girlfriend na kaya sya?" paulit-ulit na tanong sa isip ko.

yung batang lalaki na kaidaran ng aking nakakatandang kapatid yung lalaking hinahangaan ko, saan na kaya sya?

labang naglalakad ako dala-dala ang libro ko na pagkarami-rami hindi ko napansing may tao akong nakasalubong.

at

"BUGSH!!!"

parehas kaming natumba sa lapag.
nagkalat ang mga gamit ko at nalipad ang mga papel na nakaipit sa libro ko.

nilingon ko ang taong nakabanga saakin, ngunit laking gulat ko kung sino ito.

"Sorry ah. tulungan na kita." pag-alok neto at nilahad nya ang kanyang kamay hudyat na nagaalok na tulungan akong tumayo.

inabot ko naman ang aking kamay at hinila nya ako dahan-dahan patayo.
nakatitig lamang ako sa kanyang mata.

di ako makapaniwala kung sino man ang taong ito.
unti-unti niyang dinampot ang mga libro sa lapag, at inabot ito saakin, kitang-kita sa kanyang pagkilos ang isang lalaking maginoo,.

"s-salamat." pag-aanlinlangan kong sabi.
"walang ano man, sorry ulit ah." nakangiti netong sabi, at inabot ang isa kung libro at napahawak ito sa aking kamay.

napatingin ako sa kanyang mata, sya nga.

sya nga ang lalaking matagal ko nang hinahanap at lalaking hinahangaan, at ngayun nasa aking harapan.

unti-unting nagslowmotion ang paligid, rinig ko ang pag-awitan ng mga ibon, ang pagtunog ng kampana, ang paglakas ng ihip ng sariwang hangin habang nakatitig sa kanyang maamong mukha.

"ikaw... nakita na kita nuon parang sa.....sa....-" napakamot sya sa kanyang ulo habang nag-iisip magsasalita na sana sya ng putulin ko ang kanyang pagsasalita.
"sa palaruan." nahihiya kung sabi.
"kilala na kita mga bata palamang tayo-nun, pinapanuod kita sa laban nyu nakakatuwa nga na nagkita muli tayo." masaya kung sabi na may halong hiya.
pakiramdam ko parang kumukulo ang tyan ko na parang may mga paro-parong naglalaro sa loob ng tyan ko.

"Teka haha oo nga ano ikaw ba yung batang babae na lagi naka upo sa malaking bato at naglalaro mag-isa?"
nagulat ako sa sinabi nya.

"natatandaan mo pala ako kahit hindi tayo nagkakausap nuon." ramdam ko ang pag-lalaro ng paro-paro sa loob ng tyan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maikling kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon