Mysterious Guy

118 1 0
                                    

Gising padin ako at kinakalikot ang aking Cellphone, nagfe-facebook ako nang mga oras na iyun.

medyo na iirita nadin ako dahil sa mga nagme-message sa akin,

"urghh!~" tanging sabi ko,
nakakainis kasi wala pang isang oras nakakaabot na ng 100 friend request tapus nagme-message pa kaya di ko alam kong anong uunahin ko.

di naman ako Famous, di ko alam... basta simula lang nang naging active ulit ako sa Facebook naging ganto na, madami nagme-message pati friend request kaya naman medyo nakakapagtaka.

puro mga lalaki ang nagme-message saakin puro di ko kilala, panay lang ako add.
ayuko pa naman sa lahat ay lalaki, ewan ko kung bakit.
ayuko sa tao, takot pala ako.

ang ginagawa ko Accept Friend request pati ignore, base sa DP.
di porket pangit or Jeje i-ignore syempre ang ginagawa ko tinitignan ko muna Profile nila tyaka ko i-add, pero kung meron akong nakita na di maganda sa Profile neto ignore ko agad.
mas maganda na ang safe.

habang nagscro-scroll ako ng mga newfeeds may mga nagme-message sa akin.

tinatanong kung taga saan ako.
sinasabi ko lang pagtinatanung ako ng ganun. "di po ako nagbibigay ng Personal Info sorry."

di naman ako snob, actually liker nga ako sa mga message, ayaw ko naman iseen kaya like nalang..

pagtapus kong replyan yung nagmessage,

may napansin akong isang post sa isang School Group.

tungkol sa isang lalaki na Mysterious daw, anime ang Profile neto, medyo snob ito pero magaling ito sumulat ng mga stories, mahilig sa Anime, Admin sya ng School group na yun.

agad kong binuksan yung post na yun para naman malaman ko ang pinag-uusapan nila, medyo nagtataka lang talaga ako,

binabasa ko yung mga comments at napag-alaman kung "Leo." ang pangalan neto.

kaya naman hinanap ko ang pangalan niya at BINGO!

tama nga sila Anime nga yung Profile niya.

tinignan ko ang Profile niya at agad akong nabighani sa aking nakita,
totoo ngang magaling siyang manunulat, ang lalim ng mga salitang kanyang ginagamit lalo na sa English.

nakakatuwa.

kaya inadd ko siya sa facebook, di naman ako mahilig magsend ng friend request minsan lang.

nang nagrefresh ako ng newfeeds ko,

agad tumambad saakin ang post niya sa Group.

Leo D.
8:36 pm

"Since marami pa dito ang 'di ako kilala at wala akong magawa.
Ask me anything. Personal or whatevs. :v"

-Admin
32Likes   75Comments

ang daming nagcomment kaya naman naki-uchuso ako.

di ko alam kung snob siya kasi unti lang yung nagcomment na nireplyan nya, yung iba like lang.

binabasa ko pa ang mga comment nila sa kanya.

paunti-unti nararamdaman kong gusto ko siyang makilala, gusto kung malaman kung bakit meroon siyang Cold personality katulad ko.
ewan ko ba..

hindi sapat ang nalaman ko sa Comment kaya naman inistalk ko ulit facebook niya.

nakakatuwa talaga mahilig sya sa Anime,
nalaman ko ding 17 palang sya.
isang taon lamang ang agwat niya saakin 16 palamang ako sa ngayun.

hindi ko masyadong naiintindihan kung bakit ganun sya, nakakapagtaka lang saakin dahil ngayun lang ako nagkaroon ng interest na makilala ang taong ayaw ipakilala ang sarili nya sa publiko.

Maikling kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon