Part 2: New Life

12.9K 362 27
                                    

### Danilla's POV

Pagkadating ko sa Pinas, agad akong sinalubong ng assistant ni Daddy.

"San po si Daddy?" tanong ko, akala ko susunduin ako ni Daddy.

Ano ba Dan, ano ba ini-expect mo?

Pagdating ko pa lang dito, ambigat na ng pakiramdam ko.

----(fast forward)----

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

*Kringgg* *Kringggg*

Bumangon agad ako sa higaan at naligo na. Pagkatapos magbihis, bumaba na ako para kumain. I checked the time; it's already 11:00 in the morning.

Napagdesisyonan kong pumunta sa mall para bumili ng glasses at foundation na kakailanganin ko pang disguise as a nerd.

@mall

Buti na lang may malapit na branch ng TECHIGHNOLOGY dito. Ito pala ay pagmamay-ari ko. May class ito: A, B, C, and D.
- Ang class A, naka-display sa mall na pwedeng bilhin ng kahit sino.
- Class B, dapat may ID na pwedeng bilhin. Hindi basta-basta nabibili dahil bawal i-display sa mall; andito yung ibang weapons na binebenta namin. Binabackground check namin lahat ng nagpapa-ID at tinitingnan ang mga purpose nila.
- Class C, para sa personal na kilala namin at members ng gang namin lang makaka-purchase.
- Class D, para sa mga big clients na kami na mismo maghahatid ng binili nila since andito yung mga pinaka-delikado.

Ngayon, bibili ako ng glasses na pang-nerdy. Pagkapasok ko sa store, agad naman nila akong binati at nag-bow.

"Good morning, Miss Danilla," bati ng manager, nakangiti.

Ang alam lang nila ay VIP client ako. Hindi nila alam na ako ang may-ari.

"10124," sabi ko.

"Okay po. Habang inaantay nyo po yung 10124, dito po muna kayo sa VIP room mag-antay," sagot ng manager.

"Ito na po, Milady," sabi ng manager matapos ang ilang sandali.

Medyo maliit yung store dito, pero okay na rin kasi may 5 rooms sila. Isang pang-VIP at apat para sa regular customers. Since medyo kakaiba mga products namin, naka-design talaga na lahat ng store may rooms for customers kung saan may privacy sila at ma-try nila yung products in private.

Sinuot ko agad yung glasses na inabot sakin ng manager. Yung glasses nakalagay sa box then may another box pa. Pricey talaga to. 1 million, isang glass nito.

Pagkasuot ko, mukha ko nakikita ko na pipili ako ng looks ko. Bale pagpipilian ko kung ano gusto kong looks then kusa ma-aassemble yung glass. Sa suot kasi nababago yung looks ng tao. Nakuha ko ang ideya nito kay Leo na mahilig sa glasses. Andami niyang glasses na pare-pareho lang naman ang purpose. Kaya instead na bibili ka ng iba't ibang glasses, itong isang glass magkukusang mag-assemble sa gusto mong looks.

Napili ko yung parang nerd lang (simple lang siya). Yung parang magmumukha akong matanda o matured ako or mukhang pangit na nerd ako.

"Ma'am, pili po kayo ng gusto nyong looks para ma-program at ma-assemble ng glass nyo sa desired looks nyo," sabi ng manager.

Alam ko naman about dito kasi ako ang nag-imbento nito. Napili ko yung pangatlo na magmumukha akong pangit na nerd.

"Ang glasses pala na iyan ay kapag nabasag ay mag-assemble ulit," sabi ng manager, nakangiti.

"I'll buy three," sabi ko.

"Okay po, Ma'am," sabi ng manager.

"Also, foundation 871, lima," sabi ko.

Yung foundation 871 ay hindi basta-basta natatanggal ng tubig lang. May specific na pang-erase lang ito na doon lang ma-eerase. Nakuha ko ang ideya nito sa durian. Kahit anong sabon mo sa kamay mo, di mawawala ang baho ng durian pero pag nilagyan mo ng tubig ang balat ng durian at doon ka naghugas kamay, mawawala ang amoy. Yan ang magic sa balat ng durian.

"Ma'am Danilla, 8.3 million po ang total," sabi ng manager.

Pricey but worth it. Naglo-longlast yung products namin. Yung foundation aabot ng 6 months bago maubos.

"Okay," sabi ko, sabay abot ng card ko. Kinuha naman niya at ni-swipe at binalik agad sa akin yung card, then may pinapirmahan lang sa akin.

Since medyo marami akong binili, hinatid nila ako ng mga staff nila sa labas.

Kahit na maliit yung store dito, maganda pa rin ang service.

Pagka-uwi ko sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto para i-review ang mga school na pag-eenrolan ko.

**Bakit nga pala ako napunta sa pagpapanggap as nerd?**

**(Flashback)**

Pagkadating ko sa Pinas, tumawag si Daddy.

"Ano ba ginagawa mo? Sabi ko doon ka lang sa Austria," sabi ni Daddy.

"Daddy, di po pwedeng namiss ko lang po si Mommy?" sabi ko, sabay buntong-hininga. Humugot ako ng lakas para sabihin ang mga susunod kong sasabihin.

"Ilang years ko na po siyang di nadadalaw sa puntod niya. Ikaw rin. Si Mommy lang po ang nawala, bakit ikaw rin Daddy nawala? Ngayon na na-confirm ko na talaga. Imbis na kamustahin mo ako, ni-question mo lang ang pagpunta ko dito," sabi ko.

"Prinoprotektahan lang kita," sabi ni Daddy.

"Sa ginagawa mo, mas lalo akong ginagahang mag-stay dito," sabi ko.

"Alam ko di na kita mapipigilan. Ito ang mga kondisyon ko sa pag-stay mo dito. Wag kang kumuha ng atensyon. Dapat walang makakakilala sayo. Mag-disguise ka as nerd. Kahit na sa Europe ka sikat, may tendency na may makakakilala sayo. Magpapadala ako bukas ng new identity mo rin. Wag mo rin gamitin ang real name mo," sabi ni Daddy. Pagkatapos niyang sabihin ito, agad niya akong binabaan ng tawag.

**(End of flashback)**

Habang nire-review ko ang mga skwelahan na magagandang pag-enrolan, may isang school na nakakuha ng atensyon ko. Familiar ang logo ng school na ito.

San ko ba ito nakita?

Sumasakit ang ulo ko.

Pahinga muna ako. Dami kong iniisip recently kaya siguro sumasakit ang ulo ko.

--------------------

**Don't forget to vote and leave a comment, readers. You're free to suggest anything, comment on my works, or ask anything. Susubukan kong sagutan.**

The Queen of Gangsters is the Mysterious Geek.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon