Kim

10 3 2
                                    

"Ano ba naman yan kim. Kung ikukumpura mo nanaman ako sa ex mo, please lang. Tigila  na natin to." Inis na sigaw niya sa akin. Nasa loob kami ngayon ng kwarto ko. Ang tagal kasi naming hindi nag kita dahil sa pinag bakasyon siya ng tita niya ng isang buwan sa bahay nila sa laguna. Pero akala okay kami, kaso eto ngayon. Nag sisigawan kami dahil lang sa simpleng pictures.

"Ano nga kasing ibig sabihin nito? Sino siya? Bago mo?" Galit na sigaw ko sa kanya pabalik. Marahas niya akong tinignan at ilang saglit kang ay naramdaman kong lumapat ang malamig niyang palad sa pisngi ko. Agad akong natauhan. Nakita ko ang unti unting pag tulo ng mga luha niya sa pisngi niya.

"Kahit kelan hindi kita niloko, kim. Kaya wag mo akong makumpara sa ex mong niloko ka." Huling sabi niya at lumakad palabas ng bahay. Mas lalo akong natauhan ng malakas na sumara yung pinto. Hindi siya ang nag sara non. Malakas ang hangin dahil umuulan na sa labas.

Napaisip ako. Kanino nga ba nang galing itong pictures na to? Tinignan ko yung likod at laking gulat kung kaninong pangalan ang naka sulat doon. Pangalan ni Jaz ang nandon at may caption na, "Nakita ko sila sa isang resort malapit sa bahay nila lola dito sa laguna. Ikaw na ang bahalang mag isip jan.". Naka akbay lang naman yung lalaki kay anne at nag tatawanan sila. Inis kong tinapon yung picture sa trash bin katabi ng study table ko. Alam ko ang gustong gawin ni jaz. Gusto niya kaming sirain ni anne. Ano? Nag sawa na siya sa pang limang lalaking nakita kong kahalikan niya?

Agad akong napapitlag ng makarinig ng malakas na kulog. Saka ko naalala si anne.

Sht! Wala siyang dalang payong.

Tumakbo agad ako palabas ng kwarto at bumaba sa sala. Palabas na ako ng tawagin ako ni mama.

"Kim, anong nangyari kay mari? Umiiyak iyon bago lumabas." Nag aalalang sabi ni mama.

"Ma, maliit na away lang po iyon. Aayusin ko na po ngayon na. Kanina pa po ba siya naka labas?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo. Sige na, sunduin mo muna. Basang basa na iyon panigurado."

Di ko na sinagot si mama at tumakbo na palabas ng bahay. Hinanap ko siya sa kung saang lugar o man maisip na dumaan siya. Nasa dulo na ata kami ng street namin at nawawalan na ng pag asang makita siya ng matanaw ko siya sa may tulay na naka upo sa upuang bato. Mabilis ko iyong tinakbo at parang may kung anong kumirot sa puso ko ng makita kong yakap niya ang tuhod niya at naka tungo. Alam kong umiiyak parin siya dahil sa pag taas baba ng balikat niya.

Hinawakan ko siya sa braso kaya nag taas siya ng tingin sa akin. Tumayo siya at hihilain na sana ang braso pero nauna akong gumalaw. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap. Nakababa ang kamay niya at ako lang ang naka yakap sa kanya. Ibinaon ko nalang yung mukha ko sa balikat niya.

"I'm sorry please. Sorry kung nag hinala agad ako. Sorry kung lagi kong nababanggit si jaz to the point na nag mumukha na palang ikinukumpara kita. Sorry kung--"

"Kim, kung lagi tayong ganito, mag pahinga na muna tayo. Nakakapagod na eh." Putol niya sa pag sasalita ko.

Umiling ako kahit alam kong di niya nakikita.

"Sorry kung lagi kitang napapaiyak. Sorry kung lagi kitang nasasaktan. Sorry sa lahat." Nag simula naring tumulo yung luha ko. Mabuti nalamang ay naka yuko ako at hindi nakikita ni anne yung pag iyak ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang piangtutulak sa akin para mapahiwalay ako sa kanya. Ayaw ko man ay hinayaan ko siya para makita niya ako ng harapan.

"Pero kasi kim, sobrang sakit na eh. Lagi nalang tayong ganito. Pictures lang iyon. Hindi iyon katulad ng pag kakahuli mo kay jaz. At isa pa, pinsan ko iyong lalaking iyon. Close kami kaya ganon kami sa isa't isa. Please kim, mag pahinga na muna tayong dalawa. Pagod na pagod na ako." Paliwanag niya pang ulit sa akin. Napaliwanag na niya iyon kanina, pero sadyang naka sara ang utak ko at ayaw makinig sa kanya.

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. Hindi ko na talaga mapigiling umiyak.

"Sige, papayagan kitang magpahinga, pero anne, please, walang mag hihiwalay, pahinga lang please?" Pakiusap ko sa kanya. At mukhang wala na siyang magawa at huminga nalang siya ng malalim saka nag iwas ng tingin.

Medyo lumayo ako sa kanya pero hindi ko iniwan yung kamay niya. Di ko tinanggal yung pag kakahawak ko ng mahigpit.

"Tara na, ihahatid na kita." Sabi ko sa kanya ng hindi naka tingin. Nag simula na akong mag lakad at sumunod naman siya. Hawak ko ang kamay niya habang nag lalakad kami.

Sobrang bilis naming nakarating sa bahay nila dahil narin siguro sa sobrang tahimik naming dalawa. Basang basa pa kami sa sobrang lakas ng ulan. Nang nasa tapat na kami ng bahay, dire-diretso siyang pumasok at hindi manlang ako nilingon.

Napabuga nalang ako ng hangin. At tumalikod na ulit para mag lakad na. Hahakbang na sana ako ng marinig kong may tumawag sa akin mula sa likuran. Agad akong napalingon. Nakita ko siyang may dalang payong at jacket.

"Mag payong ka at mag jacket." Simpleng sabi niya at inabot sa akin. Mag sasalita na sana ako ng tumalikod na siya at pumasok na ulit sa loob.

Napangiti nalang ako kahit hindi niya pinansin ng matagal. Sinuot ko yung jacket na binigay niya at nag payong. Medyo nabawasan din naman ang panlalamig ko. Nag lakad na ako pauwi sa bahay.

Mabuti nalanga at naiwan ko yung phone ko kundi nabasa ito.

Naligo muna ako saka nag bihis. Nang matapos na ay humiga ako sa kama saka kinuha yung phone ko. Sinubukan kong i-dial yung phone niya pero walang nasagot. Napahinga nalang ako ng malalim.

Nagulat naman ako ng mag vibrate yung phone ko at may text message na na-recieve. Pagkakita ko ay pangalan ni anne ang naka register. Mabilis ko itong binasa.

Can we have a space? Give me just one day. Only one! Then let's meet the day after tomorrow.
3:59 PM

Napapikit ako dahil sa text niya. Hindi ko kaya!

Okay then.
4:01 PM

Tanging reply ko at sinend na. Pero di ako tumigil sa pag tatype.

Remember the day na natapunan mo ako ng ice cream sa shirt ko? Inis na inis ako sayo non. May lakad kasi dapat ako non kaso di ako natuloy dahil kinailangan ko pang mag bihis at nalate ako dahil don. Then the other day na nakita kita sa arcade games, na inis din ako non dahil halos abutin ka na ng isang oras sa pag lalaro ng tekken. Nang lapitan kita, nakita kong ikaw yung naka banggaan ko. At imbis na mainis, na-cool-an ako sayo ng matalo mo ako sa tekken. Never pa kasi akong natalo ng mga kaibigan ko sa tekken non. Kahit na sino, ikaw palang. Tapos nung naiwan mo yung phone mo doon, wala sana akong balak na kunin yon kaso, bigla akong naintriga sayo. Pinakialaman ko, and it turned out na ako yung wallpaper mo. Nakakatawa lang isipin. Hindi kita kakilala pero ikaw, kilala mo pala ako. Thanks to your friend? After that day, nang masimulan kitang maka-text at makatawagan, unti unting may nag babago. I really liked you back then. Unti unti kong narerealize na nahuhulog na pala ako. Akala ko may mag babago nung umamin ako sayo. Akala ko iiwas ka. Akala ko di mo na ulit ako itetext pero nag kamali ako. May magandang naidulot pala yung pag amin ko. At eto yon, kung anong meron tayo ngayon. Sana, pag katapos ng isang araw, may magbago man sa atin, hindi pangit ang kalabasan. Sana maganda ang mangyari sa atin pag tapos ng pag papahingang to. I love you, anne. I miss you!
4:16 PM

Huminga muna ako ng malalim saka pinindot ang send button. Matapos masend ay inilapag ko na yung phone ko sa kabilang bahagi ng kama. Niyakap ko yung unan ko at pumikit. Itutulog ko nalang muna ito. Kung pwede lang sana na matulog nalang ako at sa araw kung kelan kami mag kikita na ako magising.

Sana nga maayos na ito. Hindi ko naman siya nagustuhan ng walang dahilan eh. Lahat ng mga bagay ay may dahilan. Kaya naniniwala akong balang araw, malalaman ko kung anong dahilan kung bakit ko siya minahal.

*

END!

L I K E D #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon