Mari

20 4 0
                                    

Ilang araw na akong walang ganang kumain. Napapansin na nga rin nila papa iyon. Ayoko pa sanang lumabas ng kwarto ng pumasok si mama ng hindi manlang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Marianne, kumain ka na sa baba." Seryosong sabi niya. Naka takip lang ako ng unan sa mukha at hindi siya pinansin. Nag tulog tulugan lang ako at hindi gumalaw.

"Sige na, hindi naman ako galit sa iyo eh." Sabi niya sa akin pero hindi parin ako gumalaw.

"Uyy, wala ka manlang bang sasabihin sa sinabi ko? Sige galit na ako sayo."  Dagdag niya pa at nag kunwaring galit ang boses saka ko narinig na may lumakad. Nag tanggal naman agad ako ng unan sa mukha.

"Pero ma kasi, may sentimental value na sa akin yung phone na iyon eh. Nandon lahat ng memories namin nila marie at marivic. Pati number nila. Mga number ng mga kaibigan ko noon. Yung mga kanta ko. Videos. Pati nag iisang kopya ko ng tatlong movies ng narnia, nandon din. Wala na iyon sa laptop ko." Di ko namalayang may luha na palang pumatak mula sa mata ko.

Totoo naman eh. May sentimental value na sa akin yung phone na iyon. Siguro nga di pa umaabot ng 3 or 4 years yung phone ko na iyon, pero syempre iba parin kasi kapag nakasanayan mo na. Lahat ng mga mahahalagang bagay, nandon naka save.

Umupo si mama sa tabi ko.

"Mari, hindi porket nawala yung phone mo, nawala narin lahat ng mga memories niyo. Minsan kasi, may kailangan talagang mawala para maranasan mo namang mamuhay sa panibago." Sabi ni mama at inayos yung buhok kong nag sabog sa mukha at dumidikit na dahil sa mga luhang umaagos.

"Pero ma, ayokong kalimutan bestfriend ko." Sabi ko at ngumuso. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng malakas na batok.

"Baliw! Di ko sinabing kalimutan mo sila marie at marivic. Ang sinabi ko lang may napapalitan. Gaya ng mga bagong pictures at music. May mga bagong music na ngayon na pwede mo ng i-download ngayon. Yung mga pictures, pwede naman ulit kayo mag picture ng bago ngayon. Atlis, bago na. Hindi na luma na kagaya nung nasa phone mo. Ilang taon na ba iyon? 4 years na iyon diba?" Paliwanag niya sa akin habang hinahaplos ko yung ulo kong binatukan niya.

Alam ko naman talaga yung ibig niyang sabihin eh. Wala lang. Minsan lang kasi naging ganyan si mama. Yung tipong mag sasabi siya ng ganyang kalalim na mga bagay bagay.

"Ikaw dinadaan mo ko sa drama mo. Tara na, ilang araw ka ng puro kape at cereal o kaya naman ay tinapay lang ang kinakain." Sabi niya at tumayo na muka sa kama ko. Ngumiti nalang ako.

"Ma, kelan mo ko bibilhan? Para makagawa na ako ng bagong memories." Sabi ko kay mama at ngumiti na-cute.

"Magtigil ka marianne. Hindi ibig sabihin ng sinabi ko ay bibilhan kita." Sagot ni mama kaya napatawa ako ng malakas.

Buhay na buhay parin talaga yung paniniwala kong may mabait ang loob na naka pilot sa phone ko. Umaasa akong may mag babalik non kahit alam kong sa panahon ngayon ay imposible na.

Alas dos na ng madaling araw pero eto ako ngayon sa terrace namin, nag kakape. Ang lakas pa ng loob kong mag stay dito at maliit na ilaw lang anh gamit ko. Parang lamp shade nga lang yung ilaw eh. Wala pa namang ilaw tuwing gabi dito sa parte ng street namin kaya madilim talaga. Tanging gate lang namin ang may ilaw sa taas. Kitang kita ko pa yung loob ng kwarto sa tapat namin.

Minsan lang magka tao doon dahil palaging naalis yung may ari noon. Nag iisa nalang kasi siya at gumagala nalang para naman ay may magawa.

Ibanaba ko ang hawak kong libro na Parang kayo pero hindi ni Noringai. Nababaliw na ata ako dahil kinikilig ako sa mga sinasabi niya pero hindi naman dapat dahil dapat ang nararamdaman ko ngayon ay inis o kaya nama'y nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya rito.

L I K E D #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon