Mari

9 4 1
                                    

Gising ka na?
3:49 AM

Ibinaba ko yung phone ko at uminom ng kape. Malaking mug yung gamit ko para marami. Alam ko kasong matatagalan nanaman ang usapan namin eh. Tumayo ako mula sa upuan at kumuha ng kumot at hotdog na unan mula sa kama ko. Pag balik ko sa upuan kanina'y nakita kong naka bukas yung ilang ng phone ko na sa tingin ko'y may nag text. Pagka upo ko ay ibinalot ko sa katawan ko yung kumot at iniyakap ang hotdog na unan. Inabot ko naman yung phone at tinignan ang reply niya.

Zzzzzzzzzz
3:58 AM

Napatawa ako sa reply niya. Baliw din to eh. Mag rereply ng 'zzzzzz' tas kunwari ay tulog. Baliw din naman ako, bakit ako umaasang mag rereply siya kung tulog pa pala siya.

Siguro dahil gusto ko na siyang maka-text? Kaya ako umaasa?

Ah, ge, tulog ka muna jan. Nainom na ako kape eh. Good mornight!
4:00 AM

Sabi ko nalang sa kanya. Mag babasa nalang ako ng libro. May libro kasing ipinahiram sa akin si xyke nung nakaraang linggo at nasa kalahati palang ako. Tuwing umaga lang kasi ako nag babasa. Kapag na byahe ako papasok ng school. Fresh kasi utak ko kaya napasok lahat ng binabasa ko.

Alas kwatro na ng umaga. Nag uusap kasi kami kagabi at bigla ko siyang natulugan nung mga 11 na ng gabi. Antok na antok na kasi ako non at nabanggit ko naman sa kanyang pagod na pagod ako dahil nag practice kami ng sayaw na ilalaban namin. At kaninang 3:30, saka ko lang nakita yung mga text niya. Sunod sunod pa iyon, halos isa or dalawang segundo lang din ang mga pagitan. Puro 'tulog ka na?', 'gino-good time mo lang ata ako eh', 'nay, tinulugan ako oh' at 'sige na nga, good night. See you sa panaginip'.

Napatawa pa nga ako non eh saka ko siya ni-replyan. Nag sorry ako dahil naka tulog ako sa sobrang pagod. Di naman siya nag reply. Maaga ako nagising dahil gusto kong magbasa ng libro. Dapat ay mag rereview ako para sa long quiz namin mamaya pero tinatamad talaga ako. Kaya mas pinili ko na munang mag basa ng fictional book. Kung fictional nga ba ang Parang Tayo Pero Hindi.

Nag babasa ako ng libro at kakalipat ko lang ng page ng mag vibrate yung phone ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting excitement at umaasang siya yung mag tetext kaya naman mabilis ko itong kinuha at agad na nalaglag ang balikat ko ng makita kung sino yung nag text. Bestfriend ko pala. Si joy.

Morning bes! Mamaya ah, 711 tayo kita kita. See yah!
4:16 AM

Nag reply nalang ako sa kanya ng 'sige' at ibinaba na yung phone ko. Alasyete pa naman ang klase namin kaya okay lang na mag hayahay pa akod ito sa terrace namin. Mga alasingko na ako maliligo. Naka inom na naman ako ng mainit eh.

Painom na sana ako ng kape ng mag vibrate muli yung phone ko. At sa pangalawang pag kakataon, hindi na ako nabigo.

That was just a joke. Just trying to make you laugh? Morning. Nagawa kasi ako ng notes kanina eh.
4:25 AM

Ngumiti nalang ako sa naging sagot niya.

Oh! Sige na, mag gawa ka na muna ng notes mo. Baka kailanganin mo yan.
4:29 AM

Sagot ko sa kanya na walang pagka sarkasimo pero mali ata ang naging dating sa kanya dahil sa naging reply niya.

Luh, tampo agad siya oh. Tapos na ako mag sulat. Tsaka mas gusto kitang maka usap no. Pwede namang gawin yon mamaya eh. Patapos na kasi ako kanina nung nag text ka kaya tinapos ko nalang.
4:34 AM

Parang may kung ano akong naramdaman sa kaloob-looban ko nang mabasa ko yung text niya sa akin. Madalas ko yong maramdamang tuwing bumabanat siya. At alam ko kung ano iyon dahil minsan ko na ring naramdaman iyon.

Ewan ko sayo!
4:38 AM

Pagka reply ko ay uminom muna ako ng kape at saglit lang din ay nag vibrate ng muli yung phone ko. Akala ko nag reply lang siya pero ng makita ko iyong Caller I.D at nakalagay yung phone number niya ay agad akong napa ayos ng upo. Ini-slide ko lang yung screen at itinapat na sa tenga ko yung phone.

"Hello!" Parang naninibagong bati ko sa kanya. Usually, masaya akong babati sa kanya ng, 'hello!' or 'hi!'. Pero ngayon, ang daming tanong sa isip ko.

[Hello! Anong ginagawa mo?]

"Wala naman. Nainom lang ng kape at nag babasa ng libro."

[Ah, anong libro? Ayy teka, pag sasabihan lang kita. Kape ka ng kape. Sa tuwing nag uusap tayo ng gabi, nag kakape ka. Pag ikaw nag kasakit, siyempre di ko maiiwasang sisihin yung sarili ko dahil kinakausap kita hanggang madaling araw kaya napapa kape ka nalang. Nakaka matay yan. Pag ikaw inatake sa puso.] Panenermon niya sa akin kaya napatawa ako.

"Okay lang ako, ano ka ba. Natural na sa akin ang pag inom ng kape. Paborito ko kaya to." Sabi ko sa kanya at uminom muli sa kape ko.

[Hay naku, napaka tigas talaga ng ulo mo. Nung una ayaw mong makinig sa akin na matulog ng maaga. Oh sige na, ano ng title ng binabasa mo?]

"Parang TAYO pero HINDI--" Agad akong napatigil ng marealize ko yung sinabi ko.

Hindi iyon yung title ng libro

Napaisip ako. Pano pala kung alam niya yung librong yom? Nakaka hiya. Pinandiinan ko pa naman yung 'tayo' at 'hindi'. Nakakainis!

[Sinong author? Ngayon ko lang narinig yang title na yan ah.] Sagot niya. Nakahinga naman agad ako ng maluwag. Hindi niya siguro nahalata na hindi naman talaga iyon ang tamang title.

"Di ko mabasa eh. Sesend ko nalang sayo sa messages." Sabi ko nalang sa kanya.

[Sige!]

"Sige na. Kailangan ko ng maligo. Papasok na rin ako eh. Ba-bye!" Paalam ko sa kanya.

[Ganon ba? Gusto pa sana kitang maka usap ng matagal eh. Sige, bye na. Ingat ka ha.]

Ibinaba ko na iyong tawag at saglit na natulala sa kawalan. Naiisip ko kasi yung mga linyang sinabi niya. Saglit din akong napahawak sa dibdib ko. Alam kong hindi na tama yung nararamdaman ko. Unang una sa lahat, hindi ko siya kilala. Nakaka usap ko lang siya. At pangalawa, malay ko b kung ping ti-tripan niya kang ako? Mga tao ngayon, puro pag papaasa nalang ang ginagawa sa mga babae eh. Alam ko pakiramdam niyan, nangyari na sa akin yan eh.

Kian, kian ang pangalang sinabi niya sa akin. Ni apelyido or pangalawang pangalan wala siyang sinabi. Kaya hindi ko manlang siya ma-search sa FB. Pati na sa phone number. Hindi ko naman pwedeng ire-search yon dahil number ko ang ginagamit niya.

Noong una, akala ko si kim yung naka pulot nung cellphone ko. Ang huling naalala ko kasi, inilapag ko iyon sa arcade ng tekken. Nag dadalawang isip pa nga akong i-add siya para matanong ko siya pero sa dulo, hindi ko na ginawa. Tapos yung sa may tulay, tatanungin ko dapat siya non kaso, baka isipin niyang siya ang sinisisi ko kaya hindi nalang. Okay na ako sa nakapag usap kami ng maayos. Dahil nung natapunan ko siya ng ice cream, nagka inisan kami.

At dahil na-bored na ako, nag open nalang ako ng FB. Matagal narin pala akong di nakakapag open pati twitter at instagram dahil nga nawala yung phone ko.

Pagka open ko, friend request agad yung napansin ko. May lima kasing nag add sa akin at kasunod non ay mga messages at notifications na. Una ko nalang binuksan yung friend request at ganon nalang din pagka gulat ko kung sino unang una ang nag add sa akin.

    Kim Pellarez
|Confirm|Delete|

L I K E D #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon