RISHA'S POV
" BILI !! NA PO KAYO SARIWA PO ITONG PANINDA KO!!"
" ale bili na po kayo sariwa po ito oh!!"
Ikinumpas lang nito ang kamay sa paraang tumatanggi ito sa alok ko ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.
Haiishhh!! Naman wala pa akong benta !! Hapon na pero 250 pa lang ang kita ko . Bibili pa ako ng pagkain namin tapos magbabayad pa ako ng pwesto. ipambabaon ko pa. Eh wala nang matitira nito sakin !!.
Nakita ko ang palinga linga kong suki na parang may hinahanap dito sa palengke ....... Naku linggo nga pala ngayon !! Siguradong bibili yon ng ilulutong paninda sa tindahan nito .
Kinuha ko ang pansin nito at agad namang tumingin sa gawi ko .
" ikaw talagang bata ka eih kahapon nandon ka lang sa unahan ah panong naparito ka?" sabi nito habang tinitignan ang mga paninada ko .
" eh aling susan naunahan na po kasi ako eih . tsaka mas malaki po ang ibinayad ng nakauna sa akin . Kaya ayun!! Sa laki ng ibinayad nila kay aling mina sila yong pinapwesto" muntik pa nga akong paalisin ni aling mina dito sa palengke kung hindi ko lang pinagbigyan ang suhestion nyang dito na lang ako sa parteng dulo.
" Si Mina talaga napaka garapal pagdating sa pera hayaan mo !! Pag may bakanteng trabaho sa karinderya ko ikaw ang una kong sasabihan"
" Naku!! Aling susan marami pong salamat . Aasahan ko po yan ha?"
" Oo naman ! Ikaw pa! eih malakas ka yata sakin. o sya sige magkano ba ang kilo nitong mga isda mo 't papakyawin ko na ng makapagpahinga ka na at may pasok ka pa bukas"
Binigay ko ang presyo at nagpasalamat kay aling susan . Napaka bait nya talaga ang swerte swerte ko't nakilala ko sya . Itinuring ko na nga rin syang ina eh . Dahil.sa pag aalaga nya sakin nong panahong iniwan ako ni papa . lumusong ako non sa ulan kahit napakalakas nito . Nagising na lang kasi akong wala na sya sa tabi ko . Hayy hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga ang alam kung bakit nya ko iniwan.
Niligpit ko na lang ang mga gamit ko sa paninda at pumunta kay aling Mina para bayaran ang pinaokupa nyang pwesto sakin . Dumaan na rin ako sa isang restaurant para bumili ng makakain namin . Nasarapan kasi si ella ng una akong bumili dito kaya dito na lang ako bumibili ng pagkain .Pero habang pumipili ako ng bibilhin. narinig ko pa ang bulungan ng dalawang taong nasa likod ko.
" ewww.... Gross hindi ba niya naamoy ang sarili nya ? Ang lansa !"
BINABASA MO ANG
Not In Rush [ On-going ]
HumorRisha stephanie sy Walang ibang ginawa kundi ang unahin ang nakararami kaysa sa kanyang sarili. Roswell Rusty Rivera Isang lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba tanging sarili lamang ang iniintindi. Pano kaya kung ma encounter nila ang...