Chapter Eight" Ate , gising na po " Naramdaman ko ang bahagyang pang yugyog ni Ella sa braso ko.
" Ella...limang minuto pa.." sabay tagilid ko at nagtalukbong ng
kumot. Grabe parang kapipikit ko pa lang ah . Hindi ko pa nga ata kayang tumayo eh ang sakit ng mga binti ko ." Eh Ate kanina ka pa ganyan ng ganyan eh . Sige ka mahuhuli ka nyan sa klase nyo "
" Heto na po tatayo na "
Labag man sa loob ko tumayo ako at agarang pumunta sa banyo . Tsk! Paniguradong malaki na naman ang mga eyebags ko nito.
----
Pagkatapos kong maligo ay pumunta agad ako sa kusina para magluto ng kakain namin . Hindi ko na rin muna tinanggal ang tuwalyang nasa ulo ko. Para naman matuyo at hindi mabasa tong uniform ko. Medyo matagal na rin kasi akong hindi nagpapagupit eh.
Magsisindi na sana ako sa de bomba naming kalan ng biglang dumating si Ella .
" Oh Ate , Anong gagawin mo ? "
" Ano pa ? Edi magluluto "
" Eh .... Ate nakalimutan ko pong sabihin sa inyo..na.... Wala na po tayong gaas "
" Ha ? Ganon ba ? O sige. Maghahanap lang ako ng mabibilhan ng gaas . Tapos pag hindi pa ako dumating sa loob ng sampung minuto. Bumili ka na lang sa labas ng makakain mo ha ? Kumuha kana lang doon sa wallet ko "
" Sigurado po kayo ate ? "
" Oo naman . Mamaya pa naman yong klase ko eh . Oh sige mauna na ako "
" Sige po "
Habang naglalakad ako sa eskinita namin . Ay hindi ko mapigilang mapahikab dahil sa Antok . Hindi ko rin tuloy mapigilang hindi maalala ang mga nangyari kagabi .
Flashback
Habang Nirereview ko ang mga Rules and Regulations about sa papasukan kong trabaho. Ay Tinanong nya pa ulit ako ng isang beses kong Hindi ba daw talaga kami magkakilala . Pero syempre deniny ko ulit yon . Ewan ko ba ! Kung bakit ako nahihiyang aminin at sabihin sa kanya na mag-kakilala kami . Siguro dahi--
* Tok !
*Tok!
*Tok!
BINABASA MO ANG
Not In Rush [ On-going ]
HumorRisha stephanie sy Walang ibang ginawa kundi ang unahin ang nakararami kaysa sa kanyang sarili. Roswell Rusty Rivera Isang lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba tanging sarili lamang ang iniintindi. Pano kaya kung ma encounter nila ang...