Risha's P.O.V" Ate , Si Aling Susan po ?" tanong ko sa nakita kong babae sa karinderya ni Aling Susan . Bahagya pa akong tumingkayad para hanapin si Aling Susan at kung may nakapaskil na ba sa karinderya nito ang mga salitang " Wanted Tindera " o kung ano pa man .Ngayon na kasi ako nagbabakasakali
Na makahanap ng bagong trabaho." Ay.. Naku! Ineng Kaaalis lang . Sayang at hindi mo naabutan"
" Ah...Ganun po ba .... Sige po babalik na lang po ako sa mga susunod na araw. Paki sabi na lang po na dumaan ako" Sayang naman at hindi ko pa naabutan si Aling susan . Debale meron pa namang bukas.
" oh sige ineng , ano bang pangalan mo? "
" Isha po "
Nagpasalamat ako at tuluyan ng umalis . Martes pa lang naman kaya makakahanap pa ako nito ng trabaho. Teka ....
Pano Kaya kung maghanap muna ako ng sideline. Tutal naman malayo pa ang biyernes tsaka hindi naman ako sigurado kung may maibibigay ba na trabaho sakin si Aling Susan. Tama yon ang gagawin ko!.
Umuwi muna ako saglit sa bahay para gumawa ng resume .
" Ella..? Tulongan mo naman ako oh.... Gagawa ako ng resume "
Grabe napagod ako don ah... Init init pa .Nakita ko ang pitsel na nasa ibabaw ng lamesa na paramg malamig ang laman. Kaya naman uminom ako. Teka... Bakit parang ang tagal ata bumaba ni Ella.
" Ella .. Andito na si ate "
wala pa ring sumasagot . Baka naman tulog Pero Imposible kahit nga nong bata pa yon hindi ko mapatulog sa tanghali eh . Ngayon pa kayang malaki na sya.
Lumabas ako ng bahay at pinuntahan si kuya Rowel . Sigurado kasi akong may alam ang isang to eh.
Tok !
Tok !
Tok
" Kuya!!!!"
" MAY ACTIVITY DAW SILANG GAGAWIN NG MGA KA -GRUPO
NYA!!" sigaw nito mula sa loob . Tsk! Pupusta ako tulog pa yon at nagising lang ng kumatok o ng tinawag ko. Hahaha kawawa naman ang kuya ko. Sa bar kasi sya nagtratrabaho kaya ang resulta laging puyat . Tsaka bouncer kasi yong trabaho nya don.Aalis na sana ako kaya lang biglang bumukas yong pinto.
" San ka naman ba kasi nanggaling ha ?" antok na antok nitong sabi sakin.
" Naghanap ng sideline " " May matutulong ka ba kuya ha ?"
" Meron sana .. Bilang waitress " Yey! Sabi ko na ng-
" Kaya lang pang-umaga ka ..at pang-gabi naman ang trabaho na sinasabi ko . Kaya hindi pwede " hmp! hindi mo ako mapipigilan kuya wahahaha.
BINABASA MO ANG
Not In Rush [ On-going ]
UmorRisha stephanie sy Walang ibang ginawa kundi ang unahin ang nakararami kaysa sa kanyang sarili. Roswell Rusty Rivera Isang lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba tanging sarili lamang ang iniintindi. Pano kaya kung ma encounter nila ang...