Chapter 2

204 39 50
                                    


Risha's POV

" ella !! Bilisan mo sa pag - aayos baka mahuli na tayo sa klase !!!"

" opo ! Ate , nandyan na po!" maya -maya pa nakarinig na ako ng mga nagmamadaling yabag papuntang hagdan . Binigay ko na rin ang baon niya .hindi kasi kami magsasabay papunta sa school. medyo malayo ang sakayan papunta sa north valley high school . Ganun din papuntang north valley university.

Nagsabay na lang kami papuntang labasan .at dahil am session kaming dalawa. wala pa gaanong tao .

" oh ella, pag- nagparecite ang teacher mo magtaas ka kaagad ng kamay kung alam mo ang sagot ha ? Tapos wag ka-"

" oopps! . .... Ate naman eh! ginagawa mo naman akong grade school nito eh!" sabay kamot nito sa sariling buhok.

" bakit ? Hindi ba ? Eh grade school ka naman talaga eh . Tandaan mo grade 10 ka pa lang "

" pero hindi na po ako elementary"

" oh sige na nga suko na ako. Oh ayan may tricycle na .mauna ka nang sumakay .maghihintay na lang ulit ako ng Panibagong tricycle .baka hindi mo na maabutan ang Flag ceremony"

" sige po ate mauna na po ako "

Tinanaw ko ang papalayong tricycle na sinakyan ni ella . Hindi ko akalaing ang laki laki na niya . Proud ako sa kanya dahil hindi sya katulad ng ibang kabataan na naligaw ng landas .

Pagkadating ko sa room nagtaka ako dahil lahat ng kaklase ko naka pila sa labas .

" ahmm... Excuse me anong meron? Bakit kayo nakapila sa labas?"

" gagawa ng seat plan ! Ewan ko ba ! May pa seat plan seat plan pang nalalaman eh college naman na tayo" nagpasalamat ako sa babaeng pinagtanongan ko . Sabay silip sa loob ng room namin. Mga sampung minuto pa kami naghintay .hanggang sa lumabas na ang isang babaeng sa tansya ko ay nasa 50 + lang .

" okay class now you can enter inside" sabay alis nito. sigawan naman ang mga kaklase kong lalaki samantalang ang mga babae naman dali - daling pumasok at humanap ng magandang pwesto .ang iba naman ay tahimik lang na pumasok.

Humanap na rin ako ng mauupuan at dahil nahuli akong pumasok sa may bandang pangatlong hilera ako naupo. sakto namang may bakanteng dalawang upuan malapit sa bintana .

Pero teka ! Akala ko ba gagawa ng seatpla-"

Hindi ko natuloy ang tanong ko nang may biglang kumalabog.
Agad hinanap ng mata ko kung saan nanggaling ang malakas na kalabog . Hindi ko nga pala nasasabi ang itsura ng kwarto namin .
Dalawa ang pinto nito at may kalakihan . Kaya naman umikot pa ko
bago ko makita ang lalaking naglalakad papunta sa akin?.

Not In Rush [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon